Baler 43

59 13 0
                                    

Leaving

Natigil ako sa pag-iyak nang mamukhaan ang isang pick up na tumigil sa harap ko, kung hindi ako nagkakamali kay Benjo 'yon pero bakit nandito? Hindi ba at nasa loob sila ng resort para tumugtog?

When I was about to run or ride a tricycle the car spilled Alonzo who looks so confused.

Agad niya akong pinuntahan at kita ko sa kanyang mga mata na puno ito ng mga tanong at pagkalito, tatakbo na sana ako para umalis dahil alam kong sasabihin niya ito kay Adrian ngunit nahawakan niya agad ang palapulsuhan ko, damn it!

"Saan ka pupunta? Bakit anong nangyari?" Nag-aalala niyang tanong ngunit tinitigan ko lamang siya at mula sa mga mata ko ay nagmamakaawa akong bitawan niya para makatakas na rito.

Hinila ko ang palapulsuhan ko pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya rito.

"Where are you going? What's the problem?" Tanong niya sa akin ng hindi binibitawan ang wrist ko.

"Wala!" Mabilis na pagtanggi ko at tumingin sa malayo para hindi niya makita ang luha sa mga mata ko.

I look messed up and I don't want Alonzo to see me like this, to see me here heartbroken and to know what kind of cheating his friend did to me.

"Is it because of Adrian?" Nilingon ko siya sa kanyang tanong at hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko.

"This is about him am I right? Great! Now you knew it, come on!" Hinila niya ako papunta sa passenger seat ng pick up at pinapasok don.

Hindi ko alam o maintindihan man lang kung ano ang tinutukoy niya sa part na 'now you knew it' alam din ba nila na nagche-cheat si Adrian sa akin? Alam ba nila?

"Just go inside!" Malakas ang pagsara niya ng pintuan ng sasakyan at umikot sa harapan para pumunta sa driver's seat.

Humikbi ako sa loob ng sasakyan at hindi mapigilan ang pagsakit ng puso ko, ano ng gagawin ko? Sino ang tatawagan ko para humingi ng tulong?

Isang malaking pulo ang pagitan namin ng pamilya at mga kaibigan ko, paano nila ako matutulungan gayong nasa Mindanao ako? Kanina ako hihingi ng tulong? God! I don't really know what to do, all I know is I just want to escape here.

Pumasok si Alonzo sa sasakyan at mabilis na pinatakbo ang sasakyan, sinusulyap sulyapan niya ako at panay ang buntong hininga niya.

"Tell me what you saw" Mahinahon niyang sabi, hindi ko alam kung kailangan ko pa bang sabihin 'to sa kanya o huwag nalang, mapagkakatiwalaan ko ba siya?

Paano kung may camera pala rito sa loob at kasabwat niya si Ava? How can I trust a friend of a liar and cheater? How if they are just the same? Tangina! Ang hirap ng magtiwala.

"You can trust me" Aniya, umiiyak akong nilingon siya na nakatingin lang sa kalasada.

"Paano mo nasabing mapagkakatiwalaan kita?" Garalgal ang boses ko at hindi ko mabigkas ng maayos ang mga salita.

"Because I know everything, If your question is what's between Ava and Adrian, lucky enough, I can answer that big question" Kalmado niyang sabi sa akin, nabuhayan ako doon dahil masasagot ba ang tanong ko.

Ngunit hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba 'yon o baka isipin ko na hindi 'yon totoo at nililinis lang ni Alonzo ang dumi ni Adrian sa utak ko.

Hindi ko na kailangan sagutin si Alonzo dahil siya mismo ang nag-initiate na ikwento ang buong kaputanginahan ng dalawa.

"Adrian is already fixed with her..." Nanlamig ako sa panimula niya, gulong-gulo na ako ay hindi mapigil sa pag-iyak.

"In that situation they are automatically engaged. Meaning, Ava is officially Adrian's fiancée" Aniya.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon