Baler 11

112 19 0
                                    

(Torpedo: Eraserheads)

Clear Confession

Nanatiling tikom ang bibig ko dahil wala akong maisagot sa tanong ni Adrian.

"Maybe its a no, she has no response" Anang ni Calvin at nagkibit-balikat.

Pupunta ba kami? Pero busy ako. Kailangan kong magpahinga, napagod ako kanina, kung magdahilan kaya ako na busy ako ngayon sa resort? Kaso kapag sinabi ko 'yon hindi ako pwedeng gumala-gala sa labas!

"Uhm—wait... pag-iisipan ko. Saan ba 'yon?" I asked then bit my lips.

Paano kung sabihin kong pupunta kami? Tapos biglang 'HAPPY APRIL FOOLS DAY!'-no scratch that, too harsh for someone like him.

He should thank me that I'm too kind for his bad plans earlier. Napaniwala talaga ako sa part na 'yon kainis, 'di ako maka-get over.

"Diyan lang sa Rushie's Point" Sagot ni Adrian. Isang bar 'yon na malapit sa resort nina Pearl. Tumango nalang ako kay Adrian.

"Okay then, see you both later" Ani Adrian then he winked at me

"Perla, the financial report...leave it on my table ako na ang tatapos, pagod ka na mamaya pag-uwi" Anang ni Calvin kay Pearl.

She raised her eyebrows and rolled her eyes. Ang choosy naman netong babaitang 'to, mababawasan na ang trabaho niya mamaya aarte pa, hay nako Pearly shell!

"No, I can handle it, kaya nga ako tinitrain ni Dad 'di ba?" Mataray niyang sambit.

"Yeah I know Pearl, pero later you'll be tired, you need to have a rest after the gig, mahaba-haba pa ang report na tatapusin" Mahinahong sabi ni Calvin at umiling iling.

"Then I'll let my secretary finish that shitty reports, basta huwag lang ikaw, ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa'yo" And then her pride came. Napaka-arogante talaga ni Pearl.

"Bakit ba ayaw mong ako ang tumapos? Your Dad sent me here to help you in your business, I have lots of experience Pearl, anong tingin mo sa'kin baguhan?" Anang ni Calvin at ngumiwi.

"Kahit sino basta huwag lang ikaw. Let Amulet finish it, since magaling naman siya sa financing thingy" Nanlaki ang mata ko. Bakit ako?

"Bakit sa'kin mo ipapagawa? Tatay ko nga 'di ako pinaggaganyan tapos ikaw na kaibigan ko lang?" Sabi ko sa kanya at pinandilatan niya lang ako ng mata.

"Oo na!" Napilitan kong sabi at umirap, napangiti si Pearl at binalingan si Calvin sabay irap then he walked-out.

"Calvs!" Adrian shouted but Calvin didn't look back.

Binalingan ko si Pearl, "Langya naman Pearl, 'di mo ba nakikita? Hayahay ako ngayon tapos bibigyan mo ako ng trabaho? Bahala ka dyan" Ani ko at ngumuso, siya naman ay nag-peace sign.

*****

I wore a yellow dress na below knees para hindi masyadong mahalayan sa Bar, ang dala ko lang ay ang aking yellow na sling bag para doon ilagay ang phone ko at wallet and my abubots.

Naka lugay lang ang buhok ko at may isang bracelet sa kanang kamay at naka sandals. Lumabas ako nang kwarto at inilagay sa bag ang keycard.

Si Isagani ay hindi na nagpaparamdam, baka busy sa pagka-'Manager', hinayaan ko na dahil mag-tetext naman 'yon kapag miss na ako. And yeah, nag-text nga siya habang naglalakad ako sa hallway pababa ng hagdan.

Mangingisda ko:

Congrats my Amulet! I'm so proud of you as always, kahit nag-second place ka lang ngayon! Sorry hindi ako nakanood kanina at nakapag-text, marami akong inaayos sa resort, I'm sorry babawi talaga ako :<

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon