Baler 9

109 20 0
                                    

Secret lover?

Gumising ako nang alas-ocho ng umaga, nag-almusal at naghanda na nang gamit para sa laban mamaya, excited na akong manalo ulit, kumain ako sa resto ng mag-isa para marelax at makapag-isip isip, recently hindi ko ma-process ang mga nangyari dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Ultimo biglang pagsulpot ni Adrian sa buhay ko ay hindi ko rin ma-process, pati ang nararamdaman ko kapag nakikita at nakakausap ko siya.

Kinakabahan ako kapag lumalapit siya sa akin at hindi ko alam ang sasabihin ko kapag nag-uusap kami, hindi ko alam pero iba talaga ang nararamdaman ko kapag nandyan siya, para akong na e-estatwa ng 'di oras.

Gwapo siya aaminin ko, pero first encounter namin alam kong hindi maganda kasi muntik ko ng ma-meet si Lord.

Masasabi kong nailigtas niya ang buhay ko ng maraming beses, tulad noong nanood kami sa Plaza ng Binibining Baler, hindi naman ako mamamatay sa mga tanong at gagawin ni Kuyang adik pero nandon si Adrian para paliparin siya.

Sa ilang araw na pagkikita namin ng 'di sadya ay mabait talaga siya at masaya kasama, isama mo pa na gwapo siya at nakakalaglag ng panga kapag tinitigan.

I'm still wondering kung may girlfriend na ba siya, sa gwapo niyang 'yan ay imposibleng wala.

Hindi ko alam kung gusto ko ba siya o ano, umpisa palang noong gabing muntik na akong mamatay ay iba na ang naramdaman ko sa mga titig niya, parang may kung anong biglang pumasok sa sistema ko noong makilala ko siya at madalas nang makita.

Hindi ko alam bakit ako may kilig at kabang nararamdaman kapag kausap at kasama siya, ang sarap nalang tanungin ng puso't isip ko kung ano bang balak nila sakin bakit nila ako ginaganito?

Ilang saglit lang ay nawala lahat ng magagandang tingin at impression ko kay Adrian nang makita siyang kasama si Natalia na magkasama sa iisang table na malapit sa glass window ng resto.

Hindi ko alam pero nanliit ang mga mata ako at nakaramdam ng inis ang sistema ko, ang sarap nilang batuhin ng baso sa sobrang sweet nila ngayon, may relasyon ba sila kaya nandoon din sa bahay ni Lola si Margareth at Natalia?

Nagtiim ang bagang ko sa 'di malamang dahilan, basta naiinis ako kay Adrian! Isipin niyo, babanat siya sa akin at papakiligin ako tapos may idinidate pala siya?

Suminghap ako nang bahagya at hiniwa ang steak na nasa plato ko, sa sobrang inis ko ay isang hiwa ko palang ay nahati ko na, sumubo ako ng stake habang nakatingin sa kanilang dalawa na tila nilalanggam na.

Nakagat ko pa ang tinidor sa inis at halos hindi ko na nguyain ang stake. Kainis, I never felt this jealousy before, kung pagseselos nga ang tawag dito wala akong pake. Basta naiinis ako.

Recently nagbibigay siya ng motibo sa akin-o binibigyan ko lang nang malisya ang mga simple gestures niya? Darn it!

Muntik ko nang mailuwa ang nginunguya kong stake nang makita kong magkatabi at inakbayan ni Adrian si Natalia habang tumatawa ito!

Ganito pala ang feeling ng bitter? Bakit kahit maraming magkandarapa kay Isagani wala akong pake? Dahil kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya?

Bakit si Adrian? Ano bang tingin ko sa kumag na 'yon? Argh! Naiinis ako kaya hindi ko na inubos ang pagkain ko at tumayo, hindi ko na sila tinignan muli kaya dumiretso ako sa double glass door ng resto pero napatigil ako sa mismong pintuan nang tawagain ako ni Adrian.

Hindi ko sila nilingon, malapit lang ang table nila sa pintuan kaya siguro ay nakita nila ako agad. Naiinis pa rin ako, ang pa-fall niya kasi masyado tapos may iba siyang nilalandi.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon