Baler 4

173 24 0
                                    

Wave tattoo

Mapupungay ang aking mga mata na sinalubong ang sinag ng araw mula sa sliding door ng terrace.

Humikab ako at kinusot ang aking mata bago tamad na bumangon mula sa kama at dumiretso sa kasilyas, naghilamos ako at toothbrush, hindi ko nakita si Isagani sa kama niya kanina, malamang ay umuwi na 'yon o lumabas.

Pagbalik ko sa kama ay nakita ko ang phone ko sa side table kaya tinitigan ko kung anong oras na, alas-nuebe palang ng umaga at tinadtad ako ng messages ng kung sino-sinong personalidad.

Una kong binasa ay ang text ni Pearl dahil may limang missed calls siya.

Pearly shell in the Ocean:

I'm sorry Mutya hindi ko nasagot 'yong call mo kagabi kasi masyado akong naging busy these days at banas na banas sa lalaking pinadala ni Dad! Nakakainis siya! Ang sarap niyang palamunin nang buhangin!

Natawa ako sa text niya bago binasa ang iba pang messages, nagtext si Isagani na magkita raw kami sa Seafood resto sa baba at sabay daw kami mag-almusal.

Nagbihis ako ng high waist shorts at white na off shoulders, nagsuklay lang ako habang nakalugay ang aking wavy hair at nag pulbos para naman umaliwalas ang aking pagmumukhang pinagsakluban nang langit at lupa, dinala ko ang aking phone at wallet bago bumaba.

Pagpasok ko sa resto ay nakita ko agad si Isagani na naka-upo sa isang mesa na malapit sa counter na pinaglalaruan ang mga kubyertos sa lamesa, hindi niya ako napansin kaya dali-dali akong pumunta sa kanyang likuran at tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang aking mga palad at napangiti nang mahulaan niya agad na ako 'yon.

"Alam kong ikaw 'yan Mutya" Tawa niya kaya agad ko siyang niyakap mula sa likuran.

"Good morning lalake!" Bati ko sa kanya at hinalikan siya sa cheeks, sanay na siya sa sobrang pagka-clingy ko sa kanya.

Never akong nagkaroon nang feelings sa kupal na 'to dahil bata palang kami ay close na kami at parang kuya ko na siya. My parents knows how clingy I am to Isagani at wala silang pakialam doon. Alam naman daw nila kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa.

Friends with benefits they said pero sadyang clingy lang talaga ako.

"Morning din, order ka na" Aniya at kumunot ang noo ko at padabog na umupo sa katapat niyang upuan, "Eh! Ayaw ko nga, ikaw na utusan mo pa ko" Pag-aarte ko sa kanya pero tumawa lang siya tyaka tumayo at lumapit sa counter.

Hayyy! Hanggang ngayon ay sunod-sunuran pa rin sa akin ang loko, hindi siya makatanggi eh, paano kasi ngayon nalang ulit kami mag-aalmusal ng sabay. Hindi na ako nag-atubili pang pumili ng pagkain sa menu dahil alam ang favorite kong kainin na hindi ko pinagsasawaan.

Mayamaya ay nilapag na niya ang isang tray na may laman na dalawang Fish and Shrimps at dalawang hot choco.

"Eto na po, boss" Aniya kaya naptawa ako, animal na 'to, boss pa talaga ang tinawag.

"Ewan ko sayo, i-kain mo nalang 'yan" Tawa ko sa kanya at sabay kaming nag-almusal.

Pagkatapos naming kumain at simutin ang plato ay nagsimula na kaming magkwentuhan, Ako ang nag-umpisa ng malupitang topic about doon sa untold love story nila ng isang receptionist.

"I found her cute, kung mapapansin mo tahimik lang siya, mahinhin at maganda" Ani Isagani habang tutok sa kanyang phone, napatango-tango na lamang ako at hindi na ini-ungkat pa ang nakaraang iyon.

"Hoy! Hampaslupa ka! Naalala ko pala na manager ka na ngayon tapos hindi mo man lang ako ininform? Wow ha, from cheap fisherman to hunky hotel manager? Parkour 'yon, Pare!" Sabi ko sa kanya at na tawa siya pero hindi pa rin ako nililingon at nakatingin parin sa kanyang phone.

With the Waves Again (Baler Trilogy) [Under Polishing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon