Masaya akong bumalik sa room at umupo sa tabi ni Amelia.
"Anong nangyari?" tanong niya. I smiled at her.
"I asked him if he wanted to stop this thing and he said no!" nasayang sabi ko. Umismid naman si Amelia.
"Anong ikinakasaya mo don? Nagpapatuloy ka lang sa pagkakatanga mo." I frowned and glared at her.
"Thanks for the overflowing support. I totally appreciate it." puno ng sarkasimo kong sabi.
"The pleasure is all mine." Inirapan ko siya at hinintay nalang na makarating ang prof namin.
"Psst!"
"What?"kunot noo kong binalingan ang tumawag sa akin.
"Kayo na ba ni Aiden?" tanong niya.
"Yeah kami na." proud na sabi ko kahit pretend lang naman. Paki ba nila? Dito ako masaya eh!
"Hala paano na yung Skylar?" dinig kong bulong niya kaya umirap ako. Kung aamin sana yun edi okay na sana ang lahat! Humarap na lang ako harap at hindi na pinansin ang nagbubulungan.
"Anong tinanong sayo?" tanong ni Amelia nang palabas na kami ng school.
"Nagtatanong lang kong kami ba." sabi ko at kita ko naman ang pagtitig ng ibang senior high sa amin. Hindi ko nalang iyon pinansin.
"Feel na feel mo talaga." Umiirap na sabi niya. I smiled a little.
"I know the consequences of my actions. Don't worry." sabi ko at pumasok sa loob ng sasakyan.
Pinahatid ko kasi ang sasakyan ko kanina kasi hindi niya ako mahahatid pauwi dahil mas maagang natapos ang klase namin. She waved and went in her car too. Pauwi na sana ako ng tumawag si Mommy.
"Hello mommy, what do you need?"
"I was planning on cooking carbonara but wala pala tayong ingredients. Can you drop by the grocery and buy? Also buy me my favorite aloe vera." she said and I sighed.
"Okay mommy bye!"
"Bye take care!" binaba ko na ang tawag at dumiretso na sa mall.
Bago ako pumunta sa grocery at binili ko muna ang gustong aloe vera ni mommy. Bumili narin ako ng sarili kong skincare. Pagkatapos ay pumunta na ako sa grocery upang bilhin ang inutos ni mommy. I was watching the list she sent me and was looking for it.
"Hi!" I halted and glared at the guy beside me.
"Gusto mo talaga akong mamatay sa kaba no?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.
"Hindi naman... Paano na ako pag-nawala ka?" he said jokingly and I replied with a scoff.
"Umalis ka na nga!" sabi ko at tinulak ang cart.
"Hindi naman sayo ang mall nato." pilosopong sagot niya.
"Bahala ka sa buhay mo." hindi ko nalang siya pinansin pero inagaw niya yung cart ko!
"Marami pa namang cart don! Why don't you go get yourself a cart!" naiinis na sigaw ko. The hell I care about others who are listening!
"Gusto ko lang tulungan ka. Stop being stubborn and just accept help." he said and I raised a brow.
"Ano ba kasi ang ginagawa mo dito? Are you stalking me?" gulat na tanong ko. My eyes widening upon realization.
"Feeler! I went out with my friends then I saw you. Kaya linapitan kita." sabi niya kaya umirap ako at hindi na lang nakipag-away kasi hahaba lang ang usapan namin.
Kinuha ko na lahat ng ingredients na kailangan ni mommy at hindi na pinansin si Dylan. Surprisingly he wasn't noisy so we didn't have to argue much. Since ayaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020