"Ang aga mo ata? Takot kabang iwan kita?" I said containing my laugh.
"Maaga lang kaming natapos ngayon." Tumango ako at papasok na sana pero tinawag ako ni Amelia.
"May date kayo?" tanong niya agad nang nakarating siya sa harap ko. I glared at her. Ngumisi si Dylan.
"Baka." He said, causing me to look at him.
"Pwede cancel?" si Amelia. Kumunot naman ang noo ko.
"What are you doing?" bulong ko. Pilit siyang ngumiti.
"Sandali lang Dylan ha?" sabi niya at hinila ako palayo.
"Ano bang nangyari sayo?" naguguluhan kong tanong.
"Alam mo si Aisha gusto kang e interview. Magkita raw tayo sa school nila." agad naman akong sumimangot.
"Ayaw ko nga! She's going to ask a lot of questions." I said.
Well it's true. Aisha wants everything detailed. Ayaw niyang may naiiwan na kahit konting detalye sa kwento mo kasi gusto niya alam niya lahat.
"Punta nalang tayo! Pahatid ka nalang kay Dylan." nguso niya kay Dylan na naghihintay parin matapos kaming mag-usap.
"But Amelia!" she glared at me and I glared back.
"Fine, fine!" Ngumiti naman siya.
"Okay see you there!" masiglang sabi niya kaya napairap ako. Binalikan ko si Dylan at agad naman siyang ngumiti.
"Let's go!" pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay nagsimula na siyang magdrive.
"Can we go to your school first?" mahinang tanong ko.
"Huh? Bakit naman?"
"Aisha wants to talk to me." ngumuso siya at tumango.
"Akala ko pa naman masosolo kita ngayon." I rolled my eyes at what he said.
"Mag-uusap lang kami sandali and after that solong-solo mo na ako." I said jokingly. He smirked.
"Aasahan ko yan." I just smiled. Pagdating namin sa school nila ay agad kong nakita si Aisha. Hindi niya ata kasama sina Shelby.
"Dito ka nalang maghintay. Paglumabas ka mas hahaba lang ang usapan namin." Tumango siya. Lumabas na ako at umiirap na pumunta kung nasaan si Aisha at Amelia.
"Bruha ka wala ka man lang sinabi!" pabiro niyang hinila ang buhok ko.
"Eh hindi naman kami!" I reasoned out while pulling my hair from her hand.
"Kahit na! Nanliligaw yung tao! Arte arte ka pa! Alam ko namang sasagutin mo rin yun!" I glared at her.
"Asan ba si Xavier at ang dami mo atang oras para gambalain ako!" she rolled her eyes.
"Busy."
"Busy sa ibang babae!" si Amelia at sinundan niya iyon ng malakas na tawa.
"Wait, wait! May babae si Xavier?" I asked confused. Aba't walang sinabi ang gagong yun sa akin!
"Hindi naman talaga babae as in babae. Pinagseselosan niya lang." Natatawang pang-iinis ni Amelia kay Aisha. Aisha tsked and rolled her eyes.
"Tama na hindi ako ang dapat pag tsismisan dito! Si Aubrie dapat! Hay nako Aubrielle Isla napaka secretive mo sa akin." bintang niya at tinuro-turo pa ako.
"Secretive? Eh alam mo nga!" Tumawa si Amelia.
"Eh she's chismosa so she'll know talaga." Sinamaan ng tingin ni Aisha si Amelia.
"Buti na lang at least nakakalap ng balita!" Aisha fired back.
"Oo nga sa kakakalap mo ng balita na balitaan mo na may babae ang crush mo!" Tumawa si Amelia kaya natawa rin ako. Aisha looked defeated.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020