Maaga akong nagising dahil pupunta kami sa bahay ng mga kamag-anak namin sa La Paloma subdivision in the katipunan street. That's what I heard.
"Ganyan talaga no pag hindi tayo tinatawagan ng boyfriend natin. Nagspa-space out talaga tayo." tinignan ko ng masama si Xavier.
"May flight siya ngayon kaya wag ka ngang mang-inis! For the love of God can you behave and keep quiet?" naiinis kong sabi.
"Blah blah blah." walang kwentang sagot niya. I rolled my eyes and just waited for us to arrive at our cousin's house.
"Nandito na tayo! Be good to your cousins okay? Sasama sila sa atin sa Bantayan." mommy informed. Si daddy naman ay tahimik lang.
Bumaba na kami ng sasakyan at nag-doorbell sila. Xavier wanted to be the one to press the doorbell because he's childish. Yun tuloy pinagalitan ni Tita Von.
"Hello! Good morning!" bati nina mommy at pumasok kaya sumunod na kami.
"Good morning po." Nakangiti kong sabi at nagmano. Ganon din ang ginawa ni Xavier.
"Napakalaki niyo ng dalawa! Nako! Napaka ganda at gwapo." mas lalong lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya.
"Narinig mo yun? Tapos tatawagin mo lang akong pangit? Walang hustisya Aubrielle." I nudged him so he would keep his mouth shut.
"Pumasok kaya! Ipapakilala ko kayo sa mga pinsan niyo." I smiled and went in the house.
"Mga pinsan niyo pala anak. This is Xavier and Aubrielle. Ito naman si Leanne at Rhea." pagpapakilala ng mommy nila.
"Pleased to meet you." Nakangiting sabi ko habang linalahad ang kanang kamay ko.
"Likewise." Nakangiting pakikikamay nila.
"I'm pretty sure the four of you met in some reunions." si daddy. Mahinang tumawa ang mga pinsan ko.
"Probably tito. Hindi rin kasi kami nakikipagusap sa iba kung hindi kami pinipilit ni mommy." Nakangiting sabi ni Rhea.
"Mag-usap kayo ng pinsan niyo! Go catch up." ang daddy ni Xavier. Tinulak niya pa si Xavier.
"Wala ba tayong lalaking pinsan? I'm so sick of having girls as my cousin." Nakasimangot niyang bulong.
"Don't worry soon bibigyan kita ng lalaking pamangkin." Nakangising sabi ko kaya agad niya akong tinulak.
"Ang dumi mo!" I just smirked and sat down.
"Hello!" Ngumiti naman ang dalawa sa akin.
"How old are you?" Nakangiting tanong.
"I'm twenty-three while Rhea is twenty." Kumaway naman ako kay Rhea ka age pala kami!
"Saan kayo nagaaral? College na kayo diba? Anong course niyo?" tanong ko parin. Tahimik lang si Xavier sa gilid. Nakikinig sa usapan namin.
"Sa usc kami nagaaral. BS in Business Administration major in financial management." sagot niya.
"Oh we're the same! Major in marketing management lang yung akin." tinignan ko naman yung Rhea. Waiting for her answer.
"BS in Interior Design in usc." I nodded my head and stopped asking questions already.
After an hour or so umalis na kami at bumiyahe papuntang daanbantayan. I wonder if kailan makakarating si Dylan sa LA. Non-stop flight naman siguro yung kinuha nilang flight diba?
"Ilang oras ba ang byahe?" tanong ko kay Xavier na ready ng isuot ang airpods niya.
"Three to four hours. Depende sa bilis ng pag-drive at sa traffic." Tumango ako at kinuha rin ang airpods ko.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020