Simula

2.6K 66 2
                                    

"Pretty as always Isla!" Nakangiting sabi ng photographer. I let out an elegant laugh.

"As always." I replied and walked away. I am in a photoshoot and good thing it's already done!

Nakakapagod kayang ngumiti kahit hindi mo gustong ngumiti. Well, this is the job that I choose and no regrets. Pumasok ako sa loob ng dressing room at nagbihis na. I'm wearing high-waisted ripped jeans and I paired it with a white plain crop top and white sneakers. Lumabas na ako roon pagkatapos magpaalam at magpasalamat sa staff.

Pumunta ako sa sasakyan ko na nakaparking at nang papasok na sana ako sa loob bigla nalang nag-ring ang cellphone ko. I sighed and went in my car before answering the call.

"Isla speaking." sabi ko at pinaandar na ang sasakyan.

"Don't Isla speaking me." supladang sabi ni Aisha.

Umirap ako. "Anong kailangan mo?" I asked.

"Your mom told me to tell you to get your ass in here because we have something very important to talk about." sabi niya at agad na kumunot ang noo ko.

"Asan kaba? And we? Wow! Part of the family ka na pala?" puno ng sarkasimo kong tanong. Tumawa naman siya.

"Feeling ko! But I'm in your house. Diretso ka na lang dito. Dito ka na lang din kumain." I just hummed in response and ended the call.

Nagdrive na ako paalis para pumunta sa mansion. Napailing-iling nalang ako habang iniisip si Aisha. She's more like a daughter to my mom and dad compared to me. Well it isn't my fault that my schedule is tight as hell! Sorry naman at hindi ko sila maisingit kahit minsan. Pagdating ko sa bahay ay agad akong pumasok at agad na nahagip ng aking mata si Aisha na prenteng nakaupo sa couch.

"Hoy Natashia!" sigaw ko at agad naman siyang napaupo ng maayos habang ang kanang kamay ay nasa kanyang dibdib.

"Naman Isla! Wag ka ngang manggulat!" Umirap ako at lumapit sa kanya.

"Bakit daw?" tanong ko at nakibalikat siya. Tinignan ko siya ng masama.

"What? Hindi ko nga alam!" Umirap ako at hinintay sila mommy and daddy na nasa itaas pa raw at nag-uusap.

"Finally you're home!" Nakangiting sabi ni mommy. Ngumiti ako at pinuntahan siya upang yakapin at bumeso.

"Yeah, I miss you too." Natatawang sabi ko at pinuntahan si daddy at niyakap din siya.

"What are we going to talk about by the way? Aisha called me." sabi ko.

Nagkatinginan naman sila ni daddy bago ngumiti at pumunta sa kusina. Sumunod ako sa kanila at itong si Aisha ay sumunod rin. Part of the family na raw siya.

"We're leaving for five months." Tumango naman ako at tumaas ang kilay.

"Uh huh so?" sanay naman akong umalis sila so what's the big deal about it now?

"But we're building a new hotel at walang magbabantay." si daddy.

Kumunot naman ang noo ko. Parang naiintindihan kung saan papatungo ang paguusap namin.

"No way! I'm a model dad and wala akong alam sa ganyan. Even if sasabihin mo na pababantayin mo ako, no thank you at wala rin iyong silbi dahil hindi ko naman alam kung tama ba o mali ang ginagawa nila." sabi ko at nawalan na ng ganang kumain.

Si Aisha naman ay nasa tabi ko at nakikinig.

"What about Aisha daddy? She's an architect so I think may alam siya diyan." I said and Aisha kicked my foot while glaring at me.

"Yes but I heard Aisha is busy." Napasimangot naman ako habang si Aisha ay ngiting tagumpay.

"At saka magbabantay ka lang naman anak. You're just going to report to us the progress. You should visit the site for at least an hour a day. Please?" mommy pleaded. Ngumuso naman ako at tumango.

"Fine! Asan ba ang site na yan?" tanong ko.

"Aisha knows. Siya ang magdadala sayo doon dahil sisimulan iyon bukas and we're leaving tomorrow." I didn't bother to ask where they're going or what's the reason why they're leaving. It's either because of their work or they want to take a break. I have no problem with that.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sabi ni Aisha dapat maaga kaming pumunta doon. Nagsuot lang ako ng fitted black sleeveless shirt and I paired it with a high-waisted skinny jeans and black block heels. Kinuha ko ang bag kong prada at lumabas na sa condo ko.

"Finally lumabas din. We're late!" sabi niya at hinila ako papunta sa elevator.

"Late? It's only nine in the morning." sabi ko.

"We're late kasi nandoon na sila. They said na head engineer is getting hot headed kasi ang tagal daw natin." Agad namang kumunot ang noo ko.

"Then? Kasalanan ba natin yan? Ang arte naman ng head engineer na yan! Sino ba yan? Oa niya!" Ngumisi si Aisha.

"Sabihin mo sa kanya yan pagrating mo doon." Hamon niya.

"Aba sasabihin ko talaga!" pagdating namin sa kanyang sasakyan ay agad siyang nagdrive papunta sa site na iyon.

I still can't accept it! I really have to spare an hour everyday just to watch the freaking progress? Sana may kapatid nalang ako. Bakit ba hindi ako sinundan nila mommy?

Tahimik lang ako habang naghihintay na makarating kami doon. May tumawag naman kay Aisha at agad niyang sinagot iyon pero naka-speaker kasi nag-dradrive siya.

"Hello?" agad na bati niya.

"Architect asan naho raw kayo? Naiinip na si Engineer! Hindi pa kasi masisimulan pag wala pa kayo." sabi ng lalaki. Tinignan naman ako ni Aisha kaya tumaas ang kilay ko.

"Kailangan ba talaga na nandyan kami para simulan yan?" tanong ko at agad naman akong tinignan ng masama ni Aisha.

"Ho?" gulat na tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"Sorry about that. Malapit na kami five minutes or less nandyan na kami." sabi niya at nag-okay lang ang lalaki bago binaba ang tawag.

"You bitch! Of course kailangan nandoon ka bago simulan kasi kakausapin ka ng head engineer!" gigil niyang sabi at agad nag-right turn.

"Edi sorry! Malay ko ba! I'm a model not an engineer or an architect." Inirapan niya ako bago hininto ang sasakyan at mabilis na tinanggal ang seat belt. Ganun din ang ginawa ko at lumabas na.

"Bilisan mo!" sabi niya at lakad takbo kaming pumunta sa site.

"Architect nandoon po si Engineer!" sabi nung lalaki. Hinila naman ako ni Aisha at pagpunta namin doon ay nahihirapan ako. Hello? I'm wearing heels!

"Engineer we're here!" Ssbi niya. Humarap naman ang head engineer. Sa pagharap niya ay umawang ang labi ko.

Fucking Aisha!

"Architect Veloso finally!" Tinignan niya ako at tipid na ngumiti pero ako ay hindi ko man lang kayang ngumiti.

"What the fucking fuck Aisha?" bulong ko. Ngumiti lang siya ng pilit.

"I'm sorry! Sabi kasi ng parents mo na wag sabihin kung sino kasi baka mas lalong ayaw mong bantayan ang site." bulong niya ulit.

It was fucking Dylan Slate Falcone. The guy who broke my fucking heart four years ago.

His Nefarious SchemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon