"Here's your drink sir." Ngumiti ako at kinuha ang inumin ko. Nang tumalikod ako may bigla akong nabanggaan.
"Fuck!" she cursed.
"Sorry miss bigla ka kasing dumating." I said panicking but she glared at me.
"So kasalanan ko?" itinagilid ko ang ulo ko hindi alam kung ano ang isasagot kaya kumuha nalang ako ng tissue pero mas nagalit siya!
"You're just making it worse!" sigaw niya. Damn, this girl is rude!
"Sorry papalitan ko nalang. I'll just buy you new clothes or a uniform." I said to calm her down but she stormed out shouting!
Tinignan ko ang lamesa kung saan siya umupo at linapitan ang mga babaeng nandoon. I know they're from our school because I sometimes see them on the hallways.
"Excuse me, kilala niyo ba ang babae kanina?" tanong ko. Alam ko naman na may kasalanan ako sadyang masungit lang talaga ang babaeng yon!
"Oh, I think Aubrielle?" natataranta na sagot ng isa sa kanila. Ngumiti ako at nagpasalamat at bumalik sa lamesa naming magkakaibigan.
"Ang ganda non pare!" si Kirk. Ngumiwi ako sa sinabi niya at umupo sa harap ni Zaiden.
"Maganda nga masungit naman." tumawa sila.
On that day I bought her a uniform. I'll probably just give it to her friends. Hassle naman kasi pag-pumunta ako sa school nila baka mas lalo lang magalit sa akin yon!
"Excuse me!" sigaw ko sa babaeng napadaan sa room namin.
Ito yung kaibigan ni Aubrie! Lumingon naman siya sa akin at tinuro ang sarili. Na parang nagtatanong kung siya ba ang tinatawag ko. Tumango ako at dahan dahang lumapit sa kanya.
"Hi, ikaw yung friend ni Aubrie diba?" napa kurap-kurap muna siya bago tumango
"A-ako nga!" medyo kinakabahan niyang sabi. Napakamot ako sa batok ko. Nakakahiya naman to pero bahala na!
"Can I ask for your number?" gulat niyang tinuro ang sarili niya.
"Akin?"
"Hindi, ka Aubrie." biro ko.
"Ay okay sorry!" she said embarrassed. I smiled. Ang cute din ng kaibigan ni Aubrie.
"Joke lang manghihingi ako ng number mo at kay Aubrie. Gusto ko lang mag-sorry." Tumango naman siya at agad binigay ang number niya. Magpapasalamat sana ako nang may tumawag sa kanya. Tinalikuran ko narin sila at pumasok sa room.
"Hoy yan yung babaeng nataponan mo ng iniinom mo diba?" si Erik.
Gusto niya kasing magmall ngayon dahil bibili siya ng regalo para sa girlfriend niya pero dahil nagugutom kami pinakain niya kami.
"Just go and say sorry." si Zaiden. Kumunot naman ang noo.
"Nag-sorry na ako no! Hindi naman ako sigurado kung siya yan! Ayaw ko na kayang kumausap sa kanya! Ang sungit!" reklamo ko pero dahil mga kampon ng demonyo ang mga kaibigan ko pinagtutulak nila ako.
"Hey you're the girl from yesterday right?" parang naging bad mood agad siya nang makita ako. Sinasabi ko na nga ba eh!
"Kilala mo?" tanong ng babaeng kasama niya
"Just a guy who accidentally spilled his frappuccino on me." wow naman! Yan talaga ang naalala niya sa akin?
"Nice meeting you Aubrie and sorry again." Ngisi ko at binalikan ang mga kaibigan ko. Kinabahan ako don ha!
"Grabe ang sungit talaga!" si Kirk natatawa pa.
"Wala pa yang boyfriend sigurado ako! Ano pustahan tayo? Pag naging girlfriend mo yan kahit anong gusto mo ibibigay namin pag hindi kung ano namang gusto namin ibibigay mo?" he negotiated. Kirk nodded and joined the bet while Zaiden shook his head.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020