Kabanata 10

809 25 3
                                    

I sighed in relief when the marketing news was done. Though ang daming follow up questions ng prof.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Amelia nang palabas na ako sa school.

"Bahay," I simply answered. Palagi nalang kasi akong nasa mall.

"First time!" she said, surprised. Inirapan ko siya.

"Bye!" tumalikod na ako pero hinila niya ang kamay ko kaya sumimangot ako.

"I am not going to the mall. Magulo ang buhay ko ngayon gusto kong magpahinga." I said dramatically. She snorted.

"Punta tayo sa school ni Aisha!" I looked at her blankly. Sinabihan ko na nga siya sa nangyari kahapon pupunta pa kami don?

"Ayaw ko. Ano bang gagawin natin don?" naiinis kong sabi.

"Minsan lang naman kasi tayong pumunta don." I scoffed at what she said.

"Minsan? We go there like everyday!" Tumawa siya at hinila ako papunta sa sasakyan ko.

"Kaya nga hindi ako nagdala ng sasakyan. We gotta tell Aisha what happened!" excited niyang sabi. I groaned.

"Ikaw mag-drive. Pagod ako." Tumango naman siya at kinuha ang susi ng sasakyan ko. Pumasok na ako at nagpaplay ng music.

"So anong nangyari kay Skylar at Aiden?" tanong niya. Huminga ako ng malalim at nakibalikat.

"Ikaw naman ang dakilang chismosa. Dapat alam mo." she glared at me and I smiled faintly.

"Bakit parang wala kanang pake?"

"Wala naman talaga ako pake." natatawang sagot ko.

"Ows? Meaning di mo na siya crush?" I nodded my head in response and she gasped.

"Keep calm nagdradrive ka wala akong planong mabunggo. Mahal ang kotse ko." I said jokingly but she didn't mind it.

"Oh my God! Are you really my friend? Ikaw ba talaga yan Aubrielle? Hindi ikaw yan eh! Marupok yung kaibigan ko." tinignan ko siya ng masama.

"Pwede naman sigurong magbago diba? Hindi na ako marupok!"

"Like what I said. I heard you saying that about five times a day and in the next five minutes or so, you're back from being marupok." Napatawa ako sa sinabi niya. Ganyan ba talaga ako karupok noon?

"Iba na kasi to ngayon. Totoo na." I said trying to convince her. Hindi niya ako pinansin at nagpark na. Ngumuso ako at lumabas na sa sasakyan.

Sabay kaming naglakad at naghintay kay Aisha sa lobby ng school. Tahimik lang ako at si Amelia naman ay nakahanap na naman ng new found friend. She just talks to random strangers so I wouldn't be shock when she gets kidnapped or something. She even almost had sex with a stranger. Napangiwi nalang ako ng maalala ko yon.

"Amelia, Aubrie!" napalingon ako sa tumawag at ngumiti ako ng makita ko si Laurie.

"Laurie!" sigaw naman pabalik ni Amelia. Ngumiti ako at tumayo upang yakapin siya ganon din si Amelia.

"Asan si Aisha?" si Amelia.

"Nasa canteen, break time kasi namin ngayon."

"Where are you going?" tanong ko naman.

"I'm eating with some of my friends. I would like to invite you pero. I'm pretty sure you're both waiting for Aisha." Tumawa siya at napangiti lang kami ni Amelia.

"It's nice seeing you around gotta go!" Kumaway siya at nauna ng umalis umupo ako pabalik ganon din si Amelia.

Laurie is really pretty. With her brunette hair, sharp features and a happy-go-lucky attitude I'm pretty sure a lot of people don't like her. She has this kind of vibe that if you hate me then I don't care and if you like me I like me too.

His Nefarious SchemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon