"What? Talaga?" gulat na sabi ni Aisha.
"Yeah I don't know what's wrong with Aiden he's damn smitten with Skylar." sabi ko at uminom ng shake. Pumunta kasi ako sa school ni Aisha dahil wala kaming prof sa last subject.
"Damn! Grabe palang magmahal ang crush mo!" sabi niya at ngumiwi ako.
"I consider him as an ex-crush now." she just rolled her eyes not believing what I said.
"Totoo kasi." Natatawa kong sabi. " I can see that he's in love with that senior high and the girl is slowly falling. Kahit masakit I need to let him go in order to move on." Sabi ko at umarte pa na nalulungkot kaya tumawa ng malakas si Aisha at tinapon sa akin ang tissue.
"Where's your friends by the way?" tanong ko at tiningnan ang paligid namin kasi baka naroroon lang.
"Sabihin mo nalang asan si Dylan. Ikaw ha." tukso niya kaya kumunot ang noo ko.
"What the hell are you talking about?" supladang tanong ko dahil hindi ko rin siya maintindihan.
"Dylan asked for your name kay Chezkha nung sa coffee shop. For all I know chinat ka na nun." sabi niya at mas lalong kumunot ang noo ko.
"What? He asked for my name yesterday." nalilitong sabi ko at suminghap naman siya.
"What? Nagkita kayo? Sinasabi ko na nga ba! Ang landi mo talaga Aubrie!" tinuro turo niya pa ako kaya binaba ko ang daliri niyang nakaturo sa akin at tinignan siya ng masama.
"Wag kang feeling! I went out with Amelia yesterday and for some reasons we saw each other at the restaurant where me and Amelia ate. He apologized again and asked for my name. Hindi ko siya pinansin pero ayaw niya kasing umalis kaya sinabi ko na lang ang pangalan ko. " sabi ko at nanlaki naman ang mga mata niya.
"Swear sabi ni Chezkha na tinanong niya talaga! Pero hindi niya nasabi full name mo kasi hindi niya raw alam! Puntahan pa natin." sasagot sana ako nang hinila niya ako.
Hindi naman napansin ng guard ang pagpasok ko dahil may sinusulat siya sa notebook kaya nakapasok ako ng walang humaharang. I'll just figure out how to go out later.
"Sa engineering department tayo dumaan para makita mo si Dylan." tukso niya at ngumiwi ako.
"Konti nalang iisipin ko na ikaw ang may gusto ka Dylan at hindi ako." salubong ang kilay na sabi ko. Tumawa siya at umiling.
"Unreachable eh." sabi niya at hinila ako.
"It's gonna look weird if we go there. Iisipin niyang stalker ako." sabi ko at ngumuso siya.
"Hindi naman siguro." nakibalikat lang ako at nag-pahila na lang.
"Aubrielle!" may biglang sumigaw sa likod ko kaya napalingon ako.
"Xavier? Oh my God! Dito ka pala nag-aaral?" I ran and hugged him.
Xavier is my cousin from my mother's side. Madalang na lang kaming mag-kita dahil minsan lang kaming my family gatherings at kapag nagkikita naman kami ay hindi kami nag-uusap tungkol sa school.
"Dito ka pala nag-aaral?" Aisha asked and hugged Xavier too.
"Oo ikaw Aisha nakakasakit ka na ha!" sabi niya. Tumawa lang si Aisha.
"Ngayon lang kasi kita nakita hindi ko alam. Sana sinabi mo!" sabi naman ni Aisha sabay palo kay Xavier kaya umirap ako. Pasimpleng chansing talaga si Aisha.
"Hindi naman kita nakikita na dumaan dito. Bakit napadaan ka?" tanong niya kaya kumunot din ang noo ko kahit alam ko si Dylan ang dahilan bakit kami nandito.
Ngumiti lang siya at suminghap ako nang mapagtanto na alam niyang dito nag-aaral si Xavier! Ginamit lang niyang excuse si Dylan para makadaan kami dito. Naningkit ang mata ko at hinila siya.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020