"So the set-up is finally done? Ang pda ni Aiden at Skylar sa canteen kanina eh! Nagsusubuan pa." nakangiwing sabi ni Amelia kaya mahina akong natawa.
"Yeah it ended yesterday." sagot ko.
"Awe, hindi ka na bitter?" panunukso niya kaya inirapan ko siya.
"Hindi, masaya ako para sa kanila." I answered honestly.
I'm happy for them baka hindi talaga kami ni Aiden. Someone will come soon and that someone will be my endgame.
"Sana all masaya." inirapan ko siya at hindi na pinansin. My phone rang so I went out to answer the call.
"Girl dinig ko yung balita! Si Aiden at Skylar na raw! Okay ka lang ba? Ano magpapakalasing ka? Sige okay lang sasamahan ka namin." bungad ni Aisha. I rolled my eyes again.
"Okay lang ako ang aarte niyo!"
"Weh? Okay lang naman na umiyak ka sa harapan namin. Ano kaba magkakaibigan tayo!" nalukot ang mukha ko sa sinabi niya.
"Ewan ko sa inyo ni Amelia! Magsama kayo! Pareho kayong oa!" binabaan ko siya at pumasok na sa room.
"Sino yun?" si Amelia.
"Kakambal mo." Tumawa lang siya at hindi ako pinansin. The prof then entered kaya natigil kakadaldal si Amelia.
"Hate ko din yung prof nayun! Magsama sila nung matandang prof!" gigil na sabi niya habang palabas kami. Mahina akong natawa.
"Don't worry hindi naman masamang bumagsak. At least once in a lifetime experience mo." pabirong sabi ko. Ang grade freak kasi ni Amelia.
"Pinapunta tayo ni Aisha sa school niya." agad naman akong umiling.
"Okay lang naman ako! Kung pupunta ka sabihin mo na okay lang ako. Ayaw kong pumunta don bye!" She was about to stop me but I ran fast going to the parking lot. Uuwi na ako dahil pagod naman talaga ako.
Pagdating ko sa bahay ay may suv na nakaparada and I'm pretty sure it's not ours. Bumili ba ng bagong sasakyan sila mommy? Hindi ko nalang iyon pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.
"Aubrielle! Finally you're here!" bati ni mommy. Napakurap kurap ako at hindi makapaniwalang tinignan uli si Dylan.
"Anong ginagawa mo dito?" gulat kong tanong. Hinila naman ako ni mommy.
"I like this guy Aubrielle! Pumunta talaga siya sa bahay para lang magtanong kung pwede kang ligawan."
"Ho?" gulat kong tanong. Tinignan ko si Dylan na nakangiti.
Anong manliligaw? What?!
"Wait lang mommy maguusap muna kami." hindi ko na hinintay ang sagot ni mommy at hinila si Dylan sa labas.
"Anong ginagawa mo? Nangtri-trip kaba?" pagalit kong sabi. Ngumiti lang siya.
"Nangliligaw." inirapan ko siya.
"You should ask me first! Not my mother! Siya ba ang liniligawan mo?" tanong ko.
"Hindi pero pag nanliligaw ka dapat ligawan mo rin ang mga magulang ng liniligawan mo para malaman nilang seryoso ako sayo." he explained and I frowned.
"You can't even practice consent na hindi pa tayo? Paano nalang kung magiging tayo?!" yumuko siya kaya napaatras ako.
Bigla akong nakaramdam ng guilt sa sinabi. Gusto kong bawiin iyon pero nagsalita na siya.
"I'm sorry, I just like you. Liligawan kita at kung ayaw mo talaga sa akin ay lalayo ako." napalunok ako sa sinabi niya. Ayaw maka ramdam ng guilt.
"I said I don't like you! Bakit ka pa ba nanliligaw! Umuwi kana!" pagtataboy ko sa kanya pero dahil matigas ang ulo niya hindi siya umalis.
BINABASA MO ANG
His Nefarious Schemes
RomanceAfter Aubrielle was rejected by her ultimate crush. She thought she'd never find someone like him, not until she met Dylan, the total opposite of her crush came. Do opposites attract? Started: June 25, 2020 - December 9, 2020