Kabanata 34

1K 25 2
                                    

Umirap ako nang makapasok ako sa loob ng eroplano. Xavier, Amelia and Aisha smiled at me. Tinawag ko ang manager ko at mukhang nagulat din siya sa nakita.

"Champagne?" Xavier asked raising his glass. Si Aisha naman ay sumimsim sa champagne niya bago tumayo at binati ako.

"Kay gandang balita! Kayo na ni Dylan?" pangchichismis niya. Mahina ko siyang tinulak at tinignan si Amelia.

"Anong ginagawa ng dalawang to dito?" kunot noong tanong ko. Tahimik na umupo ang manager ko sa gilid.

"Beats me." she shrugged. I raised a brow. "Alam mo na si Aisha chismosa. Words fly you know?" sabi niya at umupo sa tabi ni Xavier.

Napailing-iling nalang ako at umupo sa tabi ni Aisha. Aisha and Xavier is here. God, I'm never going to here the end of this. Xavier gave me his champagne but I declined.

"Wag mong painumin! Susuyuin niya pa si Dylan." she teased. Tinignan ko siya ng masama at umirap.

"By the way about Blake..." Amelia trailed. Surprisingly Xavier was quiet. Maybe because he was busy eating and drinking.

"Nag-usap na kami. He likes me. That's what he said." Nakibalikat kong sabi. Nasamid naman si Aisha sa iniinom niyang champagne.

"Si Blake pa yung may gusto sayo?" hindi makapaniwala na tanong niya.

"Anong tingin mo sa akin? Manloloko?"

"Oo." she answered without hesitation. Tinignan ko siya ng masama habang humalakhak naman si Xavier. Ang saya niya eh no?

"Nice one!" si Xavier. Nag-thumbs up pa ang gago. Sarap niya talagang sakalin.

"Bakit ba kayo sumama?" kunot noong tanong ko. Amelia smirked and took a sip from her champagne.

"Whatever! Crush ko si Blake! Siguro naman may pag-asa ako don diba?" si Aisha. Tumikhim si Xavier at mahinang natawa si Amelia.

"I don't think so." kunot noong sabi ko kaya hinampas niya ako at tinignan ng masama.

"Naman eh! Bawal ba kahit minsan magpakasupportive ka?" she said still glaring. I shrugged.

"Nagtatanong ka eh. Gusto ko lang maging honest." sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Sana hindi ka pansinin ni Dylan." she snickered. I glared at her.

"Sana hindi ka magka-boyfriend." mas lalo niya lang ako sinamaan ng tingin.

"Para kayong mga bata." Amelia said and Xavier nodded.

"Is Dylan at the site? Mukha ba siyang galit o ano?" kinakabahang tanong ko.

"Bakit ka naman sa amin magtatanong?" kunot noong tanong ni Xavier kaya tinignan ko siya ng masama. Kahit minsan wala talaga siyang magandang dulot sa buhay ko.

"Ako may alam ako!" sabi ni Aisha at tinaas pa ang kanang kamay niya.

"Ano?" mabilis kong tanong. I'm pretty sure may alam to. Dakilang chismosa to eh!

"Pilitin mo muna ako." Nakangiting sabi niya. Amelia sighed and stood up. Probably going to talk to my manager.

"Gusto mong ma sabunutan Aisha?" nakataas ang isang kilay na tanong ko.

"I'm going to leave you both." si Xavier at dahan dahang tumayo.

"Sige sabunutan mo ako. Wala kang malalaman na impormasyon." mayabang niyang sabi. Parang gusto ko siyang buhusan ng champagne.

"Aisha please?" I pouted. Ngumisi naman siya.

"Go on keep begging. Dapat mapilit mo ako." I gritted my teeth before holding her hand and started pouting again.

His Nefarious SchemesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon