Hack's POV
Nandito kami sa cafeteria ngayon, currently having our break, pero sa nakikita ko ngayon, hindi sila kumakain. They are laughing and teasing me because I am going to battle with Julia later after the break. Even me, hindi parin ako makapaniwala na siya ang kakalabanin ko.
Nakabusangot lang ako habang kumakain. Gustong-gusto ko pa naman na kumain, pero parang nawalan ako ng gana.
"Hack and Julia standing on the ground, K-I-L-L-I-N-G!" Kanta ni Sienna. Mas lalong sumimangot ang mukha ko.
"Bakit ganyan kayo?! Anong nigagawa ko?!" Tanong ko na parang bata at nagpadyak.
Ngumiwi naman sila. "Di bagay sayo, mukha kang kinatay na Soplar!" Sabi ni Rock na ikinatawa ulit nila. Habang si Jade at Dylan naman, seryosong kumakain.
Tinuro ko silang dalawa. "Bakit hindi niyo sila gayahin? Ang titino oh!" Sabi ko. Tinignan lang nila akong dalawa at kumain ulit ng tahimik.
Anong nakain ng dalawang toh? Malamang yung pagkain nila.
"Julia!" Bigla akong napaayos ng upo nang marinig ko si Aira na tinawag si Julia na nasa kanilang banda at kasama ang mga kaibigan niya. Lumingon si Julia saamin and waved. Kinawayan siya ni Aira pabalik.
Nagulat ako nang mapadaan ang tingin niya saakin. She mouthed 'Good Luck' to me. Hindi ko alam pero biglang kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. I smiled back at her too.
Nagtakang lumingon saamin sila Aira. When they saw it was me Julia was talking too, ngumiti sila.
"Sabi ko na nga ba!" Ice said suddenly. Inasar ulit nila ako.
"Si Hack nagdadalaga na!" Sabi ni Sienna. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagdadalaga daw.
Hindi ako makakain ng maayos, kinakabahan ako sa mangyayari mamaya. I want to win, nakapagpractice na ako para makabawi, pero bakit si Julia pa ang kailangan kong kalabanin?!
We heard the bell rang, sign that the battle will continue. The tension is rising up in my body. I hope I can win. Malakas pa naman ang powers ni Julia.
Dumiretso ako sa ground at hindi na sumabay sa ibang Royalties. Aasarin na naman nila ako. I saw Julia also walking towards the ground. I just looked at her while she walk.
Ang ganda.
I also saw Headmistress walking towards the grounds. "Students, the battle will now continue. Let's give it up for our students who will be fighting now." She said.
Pumunta ako sa gitna ng ground ng Area B. Julia just bowed at me and prepared.
"Okay. Your battle starts.......now!" Pagkasabi ni Headmistress nun, nagpalabas si Julia ng mga asteroids at itinapon iyon saakin. I immediately casted a shield and turned on my IC to immediately summon Holograms. Pagkalabas nila ay sinugod nila si Julia but Julia let out a ring. Saturns Ring.
Naglabas iyon ng apoy at iniamba sa mga Hologram ko. My holograms are slow disappearing so I let a tech spikes to attack Julia.
Nagulat siya sa ginawa ko kaya hindi siya nakailag kaya nasugatan siya. Nagpalabas rin ako ng green fire at tinapon yun sakanya pero nagpalabas rin siya ng black hole kaya duon napunta ang powers ko. I teleported into her back and let my powers out into her back. Napaatras siya sa ginawa ko.
Nagpalabas siya ng napakaraming asteroid sa kamay siya at inambahan iyon saakin. I casted a shield pero nagkaroon yun ng crack kaya natumba ako.
Mabuti nalang at nakatayo ako kaagad. Itinaas niya ang kamay niya ng umilag at nagpalabas ng meteors papunta saakin. Nagcast ako ng Holo dragon gamit ang IC kaya imbes na saakin mapunta, sa dragon napunta na nagpalabas ng berdeng apoy at natamaan ang meteors.
Nang mawala na ang meteors. Nagsummon ako ng isang Hologram sa likod ni Julia nang hindi niya nalalaman. Aatake sana ulit siya pero hinila siya nung Hologram para hindi siya makawala. Nagpalabas ako ng malaking holoball at pinataaman siya at nagsummon rin ako ng mga robots at inatake siya.
Nang mawala ang robots, my heart instantly fell when I saw her laying down and unconscious. Agad ko siyang nilapitan at binuhat.
"For Area B, Prince Hack won!"
Nagteleport ako sa Healing Lab at agad naman akong nilapitan ng mga Healers.
Nilagay ko si Julia sa isang bed na ipinasok nila sa isang kwarto. I looked around, many students are inside the healing lab tobe healed. Mabuti nalang at marami ang mga healers na pinadala ang Terra Kingdom.
I waited outside, sitting in the chair. I saw General Kie entered the lab. He saw me kaya lumapit siya saakin ang bowed.
"Prince Hack. How's my daughter?" He asked. Tumayo ako and also bowed at him, sign of apologizing.
"Sorry po if I hurted your daughter a lot." Hingi ko ng tawad.
"It's okay. Mabuti nga at hindi napuruhan ang anak ko. Don't blame yourself Prince." Sabi niya.
General Kie is really kind. Hindi niya kayang makipag-away kung hindi kailangan.
We both waited for the healers to come out the room. It took minutes before they came out.
Tumayo na kami. They bowed at us saka kami hinarap. "General Kie and Prince Hack. Julia is now okay. Kailangan lang po niya ng pahinga. Her energy drained out." Sabi nila. They bowed again the left us.
Pumasok kami sa loob ng kwarto ni Julia. We saw her laying down the bed, unconcious. She looks beautiful when sleeping. Hindi ko tuloy maiwasan na mahulog ang loob sakanya lalo.
Bata palang kami, gusto ko na siya. There's something about her that my heart beat fast. For me, she's extraordinary.
Lumapit kami sakanya. Umupo ako sa tabi while General Kie hold her hands.
"Sa lahat ng mga normal Crestors, isa si Julia sa may mga pinakamalakas na kapangyarihan na hinahawakan." Sabi ni General dahilan para mapatingin ako sakanya.
"Po?" I asked. Tumingin siya saakin.
"Maraming Trivians ang nagtangkang pumatay sa anak ko. Nagbabakasakali silang makukuha nila ang kapangyarihan ni Julia kapag namatay na siya. They want to get Julia, and the others power to be more powerful to take over Crestelia." Sabi niya.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon, nandito ako sa tabi niya. I have duties to do and serve the Kingdom. That's why I'm asking you a favor." Sabi niya.
"Ano po yun?" I asked.
"I want you to protect my daughter at any cost, Prince. Alam kong napakalaki ng hinihiling ko, but if that saves my daughters' life, kakapalan ko ang mukha ko. Namatay ang nanay niya ng dahil sa gustong makuha ng Trivians ang kapangyarihan niya. I won't let them take my daughter from me. She's my only remaining hope." He said.
Tumingin ako kay Julia na natutulog. It's a serious talk, no time for jokes. Bumaling ako balik kay General.
"I will. Hindi ko hahayaang makuha ng mga Trivians ang anak niyo, General. Trust me." Sabi ko.
Ngumiti siya saakin. "I will count on that Prince. Thank you." He said.
Tumingin ako kay Julia. I will protect you. Count that on me.
BINABASA MO ANG
Crestelia: The Powerful Books [COMPLETED]
FantasyThe war between the Creators and the Demons marked the whole Crestelia's history as the most bloodiest war of all time, changing the perception of the Magic World. With the birth of a new generation, will they be able to fight back and fulfill the p...