ANG HELLO KITTY
Araw-araw at gabi-gabi na yata na ganito ang eksena namin ng kapitbahay kong shokoy. Ewan ko ba kung papaanong nakatapak yan sa lupa eh hari sya ng karagatan, ang walang hiyang shokoy may gana pang pumarty sa gabi!
Ala- una na ng umaga pero rinig na rinig ko parin ang nakakarinding sound na nagmumula sa lintek kong kapitbahay. Halos magpagulong gulong na ako sa kama habang takip takip ko ng unan ang tenga ko pero rinig na rinig ko parin ang ingay.
Ang walang hiyang shokoy! Parang sinasadya pa nya ata dahil mas lumakas pa ang sound, galit na galit akong tumayo at lumabas ng bahay hindi na akong nagdalawang isip na pasukin ang bahay ng walanghiyang shokoy nayun. Inilibot ko ang paningin hanggang mamataan ko ang grupo ng mga siraulong 'yon.
Lalong lalo na sa lintek na shokoy na 'yon na may naka kandong pa na babae at busy na naghaharutan, inis kong itinulak ang babae kaya dumiretso ito sa baba sabay tili ng nakakarindi, rinig ko pa na madami ang napaubo ng humarap ako sa babae.
"You bitch! Are you crazy?!" - singhal nya sakin pero wala akong pakialam at tinignan ko pa sya ng nakakainsulto.
" You are crazy, period."-walang gana kong sambit. Binalingan ko ng tingin ang hari ng mga shokoy sabay hablot sa kwelyo nya. Lahat ata napasinghap, napaubo at ang iba naman ay may violent reaction pero... I DON'T FREAKIN CARE!
" At ikaw naman! Patahimikin mo ang mga alagad mong kapwa shokoy dahil naririndi ako sa lakas ng sound! Hindi ako makatulog ng maayos!" - galit kong sigaw pero ang gago nakangisi lang itong nakatingin sakin. Kaya mas lalo akong nanggalaiti sa galit.
" Damn you! Sabing itigil mo na ang party dahil hindi ako makatulog! Letse ka ala-una na ng umaga! - niyugyog ko pa sya habang hawak ko parin ang kwelyo nya, wala akong pakialam kahit matalsikan pa sya ng laway. Napaubo sya gaya ng iba kanina ng mapadako ang tingin nya sa katawan ko kaya sinundan ko ang tinitignan at halos manlalaki ang mata ko ng marealize ko na...
" Nice, I like your hello kitty pink bra" nakangisi nyang sambit habang malagkit ang tingin sakin napaupo ako sa sahig paharap sakanya habang naka cross ang mga kamay ko sa dibdib ko.
" Tsk, Alanis sabing wag kang mang akit ng mga tropa ko eh". Napalingon ako sa lintek kong kapatid ng magsalita sya na nasa likod ko na pala at isinuot sakin ang coat nya. Linshak naman bakit ko ba na kalimutan na manipis pala ang suot kong white t-shirt?
" Isa ka pa! Hindi ka ba nangingilabot dyan? I'd rather marry a homeless man than that freakin pervert!" - histerikal kong sigaw tumalikod na ako papaalis ng marinig ko pa ang humahalaklak ang hari ng mga shokoy
" HEY, I REALLY LIKE THAT HELLO KITTY PINK BRA!"
Linshak ka talaga kahit kailan Hide Escarcega . Inis kong itinaas ang middle finger ko habang tumatakbo papalabas sa lintek na impyerno nayun.
May oras ka den sakin shokoy ka.

BINABASA MO ANG
ALPHA SIGMA SOCIETY : THE REALM OF DEATH
Aksi" A very discreet society who upholds dark secrets that you can't even imagine. A society wherein weaklings is not allowed." What if you are only living in a world that full of lies? How sure are you that you can really trust the people that you tru...