6- Lagot

229 4 0
                                    

Nakalipas na ilang buwan ng bakasyon at sa sususnod na linggo ay magsisimula na 1st sem ng senior high. Oo, nakapasa ako sa Preston Academy. Napakalaki pala ng campus nila. Para talagang school mula sa ibang bansa. Marami-rami ang buildings na nandoon, isa para sa grade 11, at isa para sa grade 12. Iisa lang ang canteen nila pero magkakasya naman doon.


May gym na may swimming pool. May field for soccer ata or football, syempre may parking lot sa harap ng mismong building kung nasaan ang front desk, faculty, guidance room at Iba pa. Ang clinic ay may sariling building. 'Di ko nga alam kung bakit nilang tinatawag na clinic eh tila hospital na yung laki niya eh.


Yun nga, nakapagtataka na mukhang pang-mayaman ang school, pero wala namang uniform, ni wala mang dress code eh.


Namimili na ako ng mga gamit-gamit para sa school. Wala daw masyadong papel na gagamitin kaya di na ako bumili ng binder, yun nga lang, kailangan ng laptop kaya nag-iipon pa ako para doon.


Nasa NBS ako ngayon at naghahanap ng calculator tsaka ng highlighter para daw sa math. Lumabas ako mula sa isang isle na hinahanap pa rin ang mga kailangan ko.


"Hala, sorry! pasensya ka na. Di ko sinasadya!" Agad kong tinulungang ang babaeng natamaan ko. Pinulot ko ang mga gamit niya mula sa sahig.


"May nabasag o nasira ba? Ako magbabayad noon," I said so fast para lang alam ni ateng nakabangga ko.


Jusko kung may nabasag talaga ako. Iniipon ko pa ang gamit niya tsaka ko inabot sa kanya.


"Wala ka namang nasira eh, kaya ok lang. I'm Jessica nga pala, pero you can call me Jess," Inabot ko ang kamay ko para ma-shake niya tas biglang nahulog yung checklist na bigay sa akin ng academy. Pinulot agad ni Jess tas tumingin sa akin.


"Sa Preston ka rin pala mag-aaral... You're new there... are you?"


"Ay oo, I transfered from San Alfonso. Baka di mo pa naririnig yung place na yun kasi malayo sa Manila. Haha! I'm Gianina but you can call me Gia," She shook my hand sabay ngiti sa akin.


"Gia... Nice name. Anyways, I'll see you around then?" Di na ako nakapag-bye kasi tinawag na siya ng mga kasamahan nila.


Maganda si Jess, bagay sa kanya ang pangalan niya. Mestisa siya, mga kasing height ko lang or medyo matangkad pero slight lang. Maikli rin ang kanyang buhok na wala pa sa kanyang balikat. Naka bandana rin siya na ginawa niyang headband.


Mabait naman siya, at sana ganito lahat ng babae sa campus. Akoyo talaga sa bullies as is no to bullies ako.


Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay

Na tinuruan mo ang puso ko na umibig ng tunay

lalalala...

lala...

lala...

lalalala...


Nagising ako sa aking alarm at nag ready na para sa school. Naligo na ako at nagbihis. Light wash na blue skinny jeans ang napili kong i-partner sa white na off-shoulder top ko. Tinuck-in ko na rin yung top ko para di sagabal sa pagba-bike ko mamaya. Oo, magba-bike ako kasi ayoko nang ma-late si mama sa work niya. White na sneakers din ang napili kong sapatos para bagay sa white na top ko.


Sinuklayan ko ang hanggang beywang kong wavey na buhok at ipinusod ko sa taaas ng aking ulo para walang sasampal sa akin habang nagbi-bike ako. Kinuha ko na ang bag ko at bumaba. 'Di na rin ako nakapag-almusa kaya binaunan na lang ako ni mama ng sandwich na kakainin ko na lang sa school.


"'Nak, may ibibigay ako sa'yo. Alam kong kailangan mo ito sa school at noong unang araw ko sa trabaho, nag-overtime talaga ako para maibigay ko ito sa'yo," tinanggap ko ang inabot sa akin ni mama.


Pagbukas ko ng box ay nakita ko ang laptop ko. Yung bagong mamahaling apple na laptop. Grabe napanganga na lang ako. May case na rin siya na may tila-kahoy na design, prang yung gitara ko. Maliit lang siya at kakasya sa bag ko.


"Naku ma! Thank you talaga!!" Niyakap ko siya. "Babayaran kita, promise, kaunting ipon pa," tinaas ko pa ang kamay ko na parang nagpa-panatang makabayan.


"'Di na anak, ilagay mo na lang ito sa bag mo at mag-ingat ka ha. 'Wag masyadong mabilis mag-bike baka madisgrasya ka..." Hinalikan niya ako sa noo at nagsimula na akong mag-bike.


Hindi ko alam kung malayo pa ba yung school o hindi, basta kabisado ko yung directions na ginamit ni mama noong nag-enroll ako roon. 


Kakaliwa ba dito o kakanan? Nasa tapat ako ng isang kanto at di ko na maalala... Pare-parehas kasi yung itsura ng kalsada dito eh, di katulad ng San Alfonso na alam mo talaga kung anong pagkakaiba nila.


"Gia!" Napalingon ako at hinahanap yung boses na iyon. Pag-tingin ko sa kaliwa, andoon si David, nakababa ang kanyang bintana


"Sumakay ka na, tas ako na bahala diyan sa bike mo."


"Hindiii kaya ko na ito. Sige na."


"Pshhh, kung nakita mo na ang mukha mo kanina di mo alam ang daan papunta noh," Wala na akong ginawa dahil kinuha na niya ang aking bike at nilagay sa trunk ng kotse niya. Binuksan na rin Niya ang pintuan ng kotse niya


"Pasok na." Pagpilit niya. Pumasok na lang ako dahil baka maligaw pa ako dito sa Manila eh.


"Good morning po kuya," bati ko sa driver na nginitian ako.


Nagkwentuhan kami ni David sa biyaheng papuntang school. Tinanong rin niya kung bakit ako nagbi-bike papuntang school. Sabi ko sa kanya na mas maganda sa pakiramdam pag nararamdaman mo ang hangin tsaka exercise you know.


Member rin pala siya ng basketball varisity sa school namin kaya di niya ako mahahatid pauwi. Ayos lang naman kasi may bike naman ako at di ko naman hiningi na sunduin niya ako Kanina eh.


Bumaba si David mula sa side niya at binuksan ang pinto ko. Nasa school na pala kami. Hinatid na rin niya ako sa front desk para makuha yung schedule ko. Since senior na si David we don't have the same classes. Pagkatapos niya akong ihatid sa front desk ay nauna na siya dahil may meeting pa daw ang basketball team at siya yung captain.


Palakad na ako palabas ng main building eh may tatlong babae na humila sa akin. Masama ang kanilang tingin sa akin at mabilis din ang paglalakad. Iba talaga pag first day ng classes noh?


Ano nanaman ang ginawa ko...


Song featured: Ang Huling El Bimbo by: The Eraserheads

————————————-

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon