27- Carms

135 3 0
                                    

"BRUHAAAA GISING NA!!!" Agad akong naalimpungatan at dumungaw sa bintana. Kinusot ko ang aking mata at nakita ko sina Lexi Reese at Mac na nasa kalsada. Agad namang tumakbo papunta sa kanila si Jericho.


"UY Gising na yung buang oh!" Sigaw naman niya. Inirapan ko siya at umalis sa may bintana. nagpalit ako mula sa pajama sa shorts ko at nag-hilamos. Mag-isa ako sa bahay ngayon pero umuuwi lamang ako pag matutulog na kasi halos buong araw, nasa bahay ako ng mga kaibigan ko. Di naman praning si Jericho dahil kapit-bahay ko naman si Lexi at nasa kanto lamang ang bahay ni Mac.


Pag-labas ko ng bahay, sila naman yung wala kaya napagtanto ko na baka nasa tindahan sila. Tama nga yung hinala ko noong narinig ko ang Malakas na tawanan sa tambayan namin.


"Grabe, hindi niyo na ako hinintay..." Sabi ko at sumimangot ng pabiro.


"Wow yes best actress. May pa nguso-nguso ka pang nalalaman diyan ah... grabe siya." Ani ni Reese na kumakalma pa mula sa pangingiliti ni Mac.


"umupo ka nga dito, nahiya ka pa. HELLO? Kami pa rin toh noh. Ikaw ata ang may kailngang ikwento dito." Hinatak ako ni Mac sa tabi niya at tinignan ko ng masama yung kanyang katabi


"May nakapag-sabi kasi sa amin na marami nang nangyari sa buhay mo sizmars baka gusto mong i-share sa amin noh?" Dag-dag pa ni Mac.


Sabi ko na nga ba inunahan na ako ni Jericho eh. Kumunot yung noo niya na para bang wala siyang alam. Hay naku... dito lang siya madaldal pero pag-dating sa Maynila masasapawan siya ng ingay nina Mickey.


"Huy wag ka nang magalit kay Jay. Kami rin naman yung nag-tanong at dahil mabait siya, sumagot naman diba Jay." Ani ni Reese na nasa harapan ko ngayon. Katabi niya ni Lexi na kumakain ng biscuit. Ok fine sige na kayo na yung chismosa.


"Ok sige na nga. Ganito kasi yun." Panimula ko at ikinwento sa Kanila ang lahat.


Tinawanan naman ako ni Jericho noong halos sumigaw na Ako habang nagpapaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari sa amin ni Sol. Lalong lalo na noong nasa mall kami.


Jusko yung lalaking 'yon talaga. Kung alam lang niya kung ano ang ginawa niya sa akin. Magsisisi siya next sem dahil niloko niya ako. Papakita ko sa kanya kung ano ang ginawa niya sa dating Gianina Carmelita.


"SAN NAKARITA ANG STEFF NA YUN?" Tanong ni Reese at tumayo mula sa kanyang kinauupuan.


"Chill ka lang bes, hayaan mo na lang yun." Aniya ko ay pinaupo ko ulit.


"Hindi eh... reresbakan ko talaga yon. Diba sabi natin sa isa't isa, pag may maaapi, lahat tayo susugod doon." Paliwanag pa niya. Oo nga Reese, gets ko naman yun kaya ko nga binantaan si Sol noon diba??


Napabuntong-hininga na lang ako dahil di ko talaga siya maawat. Ganyan talaga kami, sinusuportahan ang isa't isa kahit na minsan ay nananakit na ng iba... hahaha...


Ring... Ring... Ring...

Icoming call from Mickey

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon