2- Huling araw

403 8 0
                                    

Mabilis natapos ang araw namin dahil pasahan na lang ng requirements at clearance ngayon. Last week pa natapos ang exams namin at nangyari na rin ang moving-up ceremony noong sabado. 


Naga-ayos na lang kami ng classroom at nagtatanggal ng mga gamit-gamit at decorations. Haayss... halos isang taon ko na rin tinirhan ang classroom na ito. Yung mga kaklase ko naman mula grade 7 hanggang ngayon magkakasama, para na talaga kaming isang pamilya. Ang hirap nilang iwanan tuloy.


Nilapitan ako ng advisor namin na si Ms Agoncillo. "Gia, maaari ba kitang makausap sa office ko?" Tumango naman ako at pumunta kami sa office niya.


Pinaupo niya ako sa silyang nasa tapat ng desk niya at parang alam ko na kung ano ang pag-uusapan namin.


"Gia, nandito ako para ibigay ito sa'yo. I know that you're moving right? And I'm giving you a recommendation letter in case you want to apply for a scholarship in Manila. Maganda naman ang grades mo, actually you're always top one in your class and you are part pa of the student council consistently since grade 7," Tinanggap ko ang puting sobreng hawak-hawak niya, at tinignan ito ng mabuti.


"There are so many great schools and opportunities in Manila, that you might want to take, and I hope you do." Tumayo siya at pinatayo niya rin ako.


Niyakap niya ako ng mahigpit at napa-yakap na rin ako. Si Ms. Agoncillo kasi eh... Napakabait niya tapos minsan lang siya magalit sa amin. 'Di ko na ring mapigilan ang maluha dahil huling beses ko na siya makikta ngayon.


Naglakad na kami pabalik sa classroom dahil maglilinis pa kami at magaayos ng kami ng mga kalat. Muli kong pinunasan ang mata ko gamit ang panyong hawak-hawak ko bago pumasok sa classroom. Kumatok si Miss ng tatlong beses at binuksan ang pintuan silid.


"SURPRISE!" Ito ang umalingawngaw sa buong classroom.


May mga nakatayo sa upuan na may hawak na cartolina tapos si Reese may paper-bag na dala-dala. Lahat ng mga kaklase ko- ay hindi- kapatid ko, dahil tinuring ko na silang pamila, ay nandito upang surpresahin ako bago umalis.


"Awww... Guys... Ang sweet sweet niyo naman. 'Wag niyo ako kakalimutan ah!" Sabi ko at muling pinunasan ang mata ko.


"Pano ka namin kakalimutan. Ikaw nga ang 'Madam President' ng student council hindi ba? Tsaka marami kang ginawang mabuti para sa klaseng ito 'no!" Puri ni Reese.


"Oo nga! Kung 'di mo ako tinuruan sa math siguradong, 'di ako makakabalik sa varsity namin. Oh paano mananalo ang basketball team kung wala ang MVP?" Natawa naman ako.


Oo tinutor ko siya dahil naawa na ako sa grades niya, at ayaw ko siyang bumagsak noong sem na iyon.


"Kung wala ka sa klase, siguradong ginulpi na kami ni Sir Dela Cruz. Ang ingay ingay kasi namin, buti nalang sinabi mo na nagpa-practice lang kami para sa aming monologo kahit di naman totoo," Jusko ang ingay talaga nila. Napakakulit rin.


"At kung wala ka dito, siguradong di kami magkakabati ngayon. Biruin niyo, dati magkakahiwalay ang mga grupo-grupo ngayon, iisang klase na tayo," Puro oo at tama ang naririnig ko mula sa kanila.


Ito ang dahilan ng aking pag-iyak. Tinawanan nila ako at sinama sa group hug. At nag-chant ng pangalan ng section namin.


"Apollo. Apollo. Apollo!" Muntikan na kaming mamatay sa tawanan dahil tumatalon din kami habang nagcha-chant.


Binuksan ko ang paper bag na hawak-hawak ni Reese at nilabas ang laman nito. PE shirt namin na may notes mula sa classmates ko. Tinignan ko rin ang nasa likod ng cartolina at puno ito ng picture ng klase namin. Mula sa Buwan ng Wika, nutrition month, UN, Intrams, at kung ano-ano pa.


"Bakit kayo ganyan, alam niyo naman pangit ko umiyak ehhhh..." Tumawa muli sila at niyakap ako. Akap ko rin ang mga bigay nila sa akin.


Pagkatapos ng araw ay agad akong umuwi dahil magi-impake na kami ni mama dahil luluwas na kami bukas. Nilagay ko na sa mga lalagyan ang aking mga damit at inipon ang mga kahon na ilalagay sa kotse. Pagkatapos kong isara ang pinakahuling maleta ay humilata ako sa kama. Naidlip ng konti at paggising ko ay magaalas-siyete na ng gabi. Bumaba ako at nakita ko si mama na nagluluto ng sabaw para sa aming hapunan.


"Kamusta ang school, anak?" Tanong ni mama.


Tinignan ko siya, ang kalan at ang bahay. Huling beses ko na ito makikita. Oo na, madrama ako. Sentimental kasi akong tao eh. Kahit lumang cellphone na, yung bigay ni mama kahit di na gumagana ay tinabi ko pa rin.


"Nak, tinatanong kita," Natauhan ako sa boses ni mama.


"Ok naman po. Naglinis lang po kami ng classroom at sinurpresa rin ako ng classmates ko. Akalain mo ma, di ako nagsawa at sila pa rin ang kasama ko mula noong grade 7 pa," Pinatong ko ang baba ko sa aking kamay habang pinapanood si mama na nagaayos ng hapag-kainan.


Bakit kaya siya iniwan ni Papa? Wala namang ginawang masama si mama.


"Nak, parang malalim yang iniisip mo. Gusto mong pag-usapan?" Alam ko naman na ayaw niyang pag-usapan ang tungkol kay papa kaya iba ang sinagot ko.


"Ah... uhm... Ma wala lang. Siguro gutom lang ito, tara po kain na tayo." Mainit na sinigang ang ulam namin ngayon. Isa sa mga paburito kong putahe.


Nilarawan naman sa akin ni mama ang bago naming titirhan. Isang maliit na apartment na may pagka-old school na modern din. May tatlong kwarto. Kwarto niya, kwarto ko and guest's room.


Dati sa iisang kwarto lang kami ni mama pero noong dumami ang school projects sabi niya na sa akin na ang kabilang kwarto sa bahay dahil lahat ng gamit ko ay nakakalat sa kwarto niya at sa sala.


Sa kwarto ko naman ay may balcony. Gusto kong isipin na isa iyong asotea noong unang panahon na pwede kang dumungaw at may haharana sayo. Maliit rin ang kusina at ang sala. Para talagang pang-dalawa ang titirhan namin.


Pagkatapos namin kumain ay hinalikan ko si mama sa noo at umakyat sa kwarto ko. Naghilamos ako at nagpalit ng pantulog para presko. Humiga na ako at sinara ang ilaw sa kwarto ko. Inayos ko ang kumot na nakapatong sa akin at ipinikit ang aking mata...


Ding

from: Unknown number

Kamusta na ang mahal na Prinsesa?

-J :)

———————————

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon