7- Kami?

212 4 0
                                    

"Grabe... Wait lang! uy... Sandali lang!" Wait lang ah, medyo masakit na yung kapit nila sa braso ko.


"WAIT LANG SABI DIBA!" Tumigil naman sila.


Hay salamat di nga ako nag-bike ngayon, ito naman yung exercise ko jusko wag na lang. Ayaw ko ng drama sa campus na 'to.


"I don't even get why HE picked HER." Sabi ng 'leader' nila siguro.


Naka black siya na croptop na fitted sa kanyang katawan pero ang baba naman ng neckline. Naka leather na shorts pa siyang suot. Akala mo member ng totally spies or mistulang black widow na from MCU.


Umirap naman ang dalawa niyang kasama. Yung isa naka chear na outfit, crop top rin tas napaka-ikli na palda. Pinapayagan pala ang ganito sa school... Bakit? Halos makita na ang kaluluwa niya sa kanyang suot. Sleeveless pa ha ang kanyang top.


Tas yung isa naka maong na jacket, baby pink na leotard tapos black na pants na may rips kung saan-saan.


"Exactly... I mean why HER?" Tinignan ako mula ulo hanggang paa ng naka cheer na outfit.


Hindi ko talaga maintindihan ang mga pinagsasabi nila. Sa pagkakaalam ko, hindi naman akong masamang tao. 15 minutes pa lang ako nasa campus 'no tsaka di naman ako mukhang magnanakaw.


"Ok let's cut to the chase shall we?" Tumango naman ako. Kahit galing ako ng probinsya nakakaintindi at nakakasalita rin ako ng english 'no.


"Are you and David together?" Tanong ng naka-maong na jacket. HA? Kami ni David, Mag-jowa? Hindi 'no!


"Hindi ah! Hindi ko siya type," Totoo naman.


Well oo may itsura si David, ala-Enrique Gil pero mas gusto ko ang mukhang pinoy na moreno.


"Really now," ayaw nilang maniwala


"Oo nga... kung gusto niyo siya edi go for it. It's not like I'm stopping you or anything," galing ko talagang mag-english.


"David Carlito Santos if you didn't know, is the heartthrob of this campus." Ok edi siya na! Sabi kasi ng leader nila.


"He is the Basketball team captain and the MVP as well, and seeing you in his car does not seem right. Every girl in the school wants to date him so why??" Sabi ni cheer.


Magsasalita pa sana ako Kaso nga lang may narinig akong pamilyar na boses sa likuran ko.


"Steff, Xyla, and Niki, is this the way you treat new students? Gusto mo bang i-sumbong ko kayo kay kuya?" Agad naman nilang shinake ang kanilag ulo.


"Good. Edi mauna na kami ah. byee..." Sabay hatak sa akin pabaliksa building.


Ano ba ngayon at maraming humahatak sakin. Una si David na pinilit akong sumakay sa kotse niya, tas yung tatlong bruha, tas ngayon si Jess... wait sinong kuya yung tinutukoy niya?


"Jess sandali lang... Pwede bang magtanong?" Tumigil naman kami sa paglalakad. Grabe hiningal talaga ako doon.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon