36- Imahe

119 3 0
                                    

It's been weeks at malapit na ang concert at halos araw-araw kami nagpapractice Nina Pao, Taylor at Bryce. May bago kaming mga kanta na sana magustuhan ng madlang. Kabisado ko na rin ang daan papuntang at pabalik mula sa school kaya kung may kailangang Gawin si papa para sa kanyang trabaho ay kaya ko nang mag-bike papuntang school.


"Sige, nice one guys! See you tommorrow." Ani ni Bryce at nagsi-uwian na kami. Tiext ko si Jericho para makapag-kwento ako sa kanya. Di pa kasi kami naguusap mula noong umalis ako sa bahay ni mama so magdadalawang buwan na. tinetext ko naman siya at tinatawagan pero hindi pa kami nagusap ng harapan.


To: Madayang Palaka

Meet mo ako sa playground natin. Papunta na ako doon galing Preston.


Nakarating na ako sa bike ko at narinig na tumunog ang cellphone ko.


From: Madayang Palaka

Okie. See you :)


Hindi na gaanong malamig kahit na Feb pa lang. Iba talaga pag may global warming noh? Mabilis ako na nakarating roon dahil hindi pa rush hour at naabutan ko si Jericho sa may swings na nakaupo. Hiniga ko ang bike ko sa may damo at tumabi sa kanya.


"Psst..." aniya ko at napa-tingin siya sa akin. "UY! Kamusta? Tagal na kitang hindi na kita ah! Tumangkad ka ba?" Tawa niya. Kainis!


"Gags ka rin noh! Ok lang naman ako at kailangan ko ring mag-kwento sa'yo kasi feeling ko OP ka na sa nangyayari sa buhay ko." Tumango-tango naman siya


"Oh sige, shoot." Sabi ni Jericho at humarap sa akin. Napasin ko rin na tumigil na siya sa kaka-swing at nanatiling nakahinto. Kinwento ko sa kanya ang lahat lahat. kung ano ang nangyari sa mama ko at sa papa ko, kung ano ang Sinabi sa akin ni Kuya David at Jess. Di ko na rin sinabi sa kanya ang tungkol kay Sol dahil baka problemahin pa niya 'yon eh. Kaya ko namang mag-isa na harapin si Sol.


Huminga ng malalim si Jericho at nagsalita. "wow... ang dami na pala na hindi ko alam ah noh... dalawang buwan din ang nakalipas." Aniya.


"Alam mo napansin ko rin na mukhang masaya si Sol recently. Abala rin siya sa pag-gagawa ng sulat at madalas niyang hilahin sina Drew at Gian para pakinggan ang mga songs niya. Madalas din siya pumasok sa Campus ninyo." Shoot ok kailangan ko nang magpaliwanag.


hinawi ko ang maikli kong buhok tsaka nag-salita. "Jericho, ganito kasi yun. Kinausap niya ako noong nakaraan at tinanong niya ako kung pwede niya ako ligawan ulit. Umoo naman ako dahil tatanggihan at tatanggihan ko naman siya sa huli. Tsaka pagkatapos ng lahat na nagyari, ayaw ko na ng gulo at di na niya ako kukulitin at gugulihin pagkatapos noon." Paliwanag ko


"Eh paano naman kung mahulog ka ulit sa kanya? Paano kung saktan ka niya ulit?" Tanong ni Jay at napatayo. Mukhang di siya sang-ayon sa desisyon ko.


"Kaya ko naman ang sarili ko eh, tsaka hindi na ako marupok." Saad ko at tumayo na rin.


"Oo nga, pero paano kung nangyari ang dati. Sinabi mo na rin yan, pero anong nangyari." Tumataas na boses niya. Talagang hindi siya sang-ayon sa desisyon ko.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon