43- Prom

124 1 0
                                    

"Putek I'm so excited guys!" Sabi ni Zam. First prom na kasama niya si Drew.


"OA? Excited ka lang kasi isang gabi iyon na pwedeng mag-PDA ano Zam?"sabi naman ni Mickey na walang date. Pati si Jess pero di bale kasi busy naman siya sa student council.


Inaayusan ako ngayon ni Mickey at si Zam naman ay inaayusan ni Jess. Light make-up lang kasi ang keri ko. Hindi yung ganitong bonggang-bongga. Naga-hang na yung Golden yellow ko na gown kasama ang mga gown ng mga girls.


"Tara huy selfie tayo!!" Yaya ni Mickey. Tumawa kaming tatlo at nagpustahan pa kung ilang pictures ang kukunin ni mickey bago ang prom mismo. Nag-pose kami at naka-peace sign ako.


"OMG squad goals talaga!!!" Sigaw pa ni Mickey dahilan ng pag-pasok ni kuya Nate sa kwarto para patahimikin kami.


"Kuya! Tamang tama! Picturan mo naman kami! Yung full body ah!"


"Crop kita o hindi?" Biro ni kuya Nate. Pumadyak naman sa inis si Mickey at kinuhanan kami ng kanyang kuya. Pinasalamatan ko siya at umalis na ng kwarto.


Naka-ilang pictures pa kami noong tinawag na kami ni Kuya David dahil paalis na daw sila at sa kanila daw kami sasabay. I was going to meet Sol sa school na para hindi na siya pupuntang bahay nina Mickey.


"Woah..." umikot ako at nakita ko si Sol na napamulsa. Timingin siya sa baba at ngumiti bago nagtama ang mga mata namin. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko dahil sa tingin niya sa akin. Humakbang siya patungo sa akin at bumulong sa tenga ko.


"Yellow really is your color 'no?" At hinalikan ang pisngi ko. Mas hinigpitan niya ang hawak sa aking bewang, dahilan ng paglapit ko pa sa kanya. Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ay naamoy ko na ang perfume na gamit-gamit niya.


Kumalas ako sa yakap and he cleaered his throat na para bang he was expecting something. "You don't look so bad yourself." Aniya ko at tumawa siya.


Pumunta kami sa photobooth at nagpicturan kami. Niyakap niya ako mula sa likod at sa huling shot pinagdikit ang mga noo namin. Inches na lang siguro ang agwat mula sa mga labi namin. Tumawa siya ng palihim noong napansin niya na umiwas ako ng tingin pagkatapos mag-click ang camera at hinalkan sa noo.


Iniwan ko muna siya sa table noong nagse-setup na kami nina Pao.


"At nagmukhang na naman siyang babae! Palakpakan naman tayo diyan!" sabi ni bryce kaya siniko siya ni taylor.


"Oo nga eh di ata kita nakilala eh." Sabi ni Taylor kaya hinampas siya ni Pao.


"Wag nga kayong ano diyan. Uy Gia, ikaw ba yan?" Binatukan ko silang tatlo


"TSE! Pare-parehas lang kayo!" Sabi ko at lumapit sa mic stand. Wala akong hawak na gitara dahil sabi nga nila na 'magpanggap muna akong babae kahit minsan'. Tinap ni Bryce ang mic niya habang nakaupo sa may drums.


"Good evening Kingston!!" Bati niya. Feel na feel ah... parang may date siya ngayon kaya ginaganahan. "I'm Bruce on the drums."

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon