31- IG Story

117 4 0
                                    

Bumaling yung kay Jericho na nakauwang ang bibig. Nandoon pa lang siya ng entrance ng salon at may mga costumers na papasok.


"Jay, alam mo kung di ka gagalaw diyan, wala talagang makakapasok." Ani ni Reese sabay tawa.


Umusog naman si Jericho at lumapit sa amin. Umalis na rin si Ate girl na ngumisi muna sa akin bago nagasikaso ng ibang costumers. Hanggang ngayon ay di pa nagsasalita si Jericho, napano yun? Di ko naman siya kinulam at di rin naman siya nawalan ng boses.


"UY JAY! Anong masasabi mo sa bagong gupit ni Gia?" Tanong ni Lexi at humarap sa akin na nakangiti.


Tumingin si Jericho sa sahig at shinake yung ulo niya tas ngumiti sa akin. "Bagay sa'yo yung gupit, mas gumanda ka nga eh." Napakamot siya sa kanyang batok at namula nanaman yung tenga niya.


Narinig ko naan yung hiway ni Mac at nakita ko na inaalog niya si Reese. Kawawa naman ito, kaya pala umalis si Lexi sa tabi niya eh...


"OK DALI! Boomerang kayong dalawa, ako kukuha kasi parehas kayong may bagong gupit." Tinignan namin ni Jay ang isa't isa at ibinigay ang mga cellphone namin kay Mac.


"Ito na po nay." Aniya naming sabay. "O dali na, kunwari di kayo nagaaway smile!!" Smile daw hindi naman picture.


Nasa food court kami ngayon dahil nilibre ko sila ng lunch, at sinulit nila. Hindi dapat sila yung sinasama ko sa food court eh o sa kainan kasi ang lalakas nilang kumain, hindi naman tumataba, eh sina Zam, Mickey at Jess di naman malakas mag kanin. Tas biglang nag-ingay phone ko. Kung ano-anong notiff ang lumitaw, pero karamihan ay mula sa IG. Teka lang, wala pa akong pinopost ah.


From: _zammy_

OMG kayo na ba?


From: .Drew12.

I'm happy for you


From: Mickey_Mouse

GIRL!!! I LOVE ITT!! naka-move on ka na Talaga YIEEE!


From: Giannn1

Lagot ka kay Sol...


HUH? Ano yung mga pinagsasabi nila?


To: _zammy_

Sino?


From: _zammy_

Girl Kayo ni James! Ang cute niyo kaya together


To: _zammy_

Anong pinagsasabi mo?


From: _zammy_

Check mo kaya yung story ni James dali! Kinikilig akooo


Tinignan ko yung story niya, Medyo mabagal yung signal sa mall kaya lumipat ako sa data.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon