39- Ibang Pamilya

134 4 1
                                    

"Hey guys! Nice one with the concert, we have earned more than enough to help the victims of the current tyhoon!" Masayang Sinabi ni Kuya David.

"Well we couldn'y have done it if it werent for Gia." Kumindat sa akin si Sol. Kaloka po kyahhh!! Yumuko naman ako sa tinulak-tulak ni Jess na kinikilig rin.

"It was nothing guys. I mean it's my job as a part of the SC to contribute my ideas. Nagkataon lang na nagustuhan ninyo ang Sinuggest ko." Aniya ko at ngumiti sa kanila.

"Well, I guess that's all for now. The next meeting we will be having is Prom planning. Sige na guys, uwi na kayo." Sabi ng president ng Kingston at umuwi na kami.

May meeting si Papa buong araw kaya magba-bike ako pauwi sa amin. Hinintay ko na na makarating ang kotse nina Jess dahil kami-kami na lang ang nandito ngayon. Kahit na ibig sabihin nito ay makikita ko sina Mama ay kaibigan ko pa rin sina Jess. Dumating na rin ang kotse nila at lumabas roon sina Tito Rick at Mama. Magpepedal na sana ako paalis pero...

"Gia anak..." tawag sa akin ni mama. Lumingon ako sa likod at nakita ko sila ni Tito Rick na nasa labas pa rin.

"Punta ka muna sa amin. Tara anak, kain ka muna. Nagluto pa naman ako ng paburiton mong Sinigang."

"Sige na Gia... please..." Yaya sa akin ni Jess kaya tumango ako at inilagay ang bike sa likuran ng kotse nila. Ginagawa ko ito dahil kay Jess kasi kaibigan ko siya at for sure di ako titigilan ni Kuya David nito.

Di ako nagsalita sa biyahe papunta roon, tanging sina Jess at Tito Rick lamang ang nag-uusap. Si kuya David naman ay nagbabasa kahit na gabi na. Lalabo niyan ang mata niya.

Talagang sa bahay na ni Tito Rick tumira si Mama. Hindi man siya bumalik sa amin, tsaka inanggin na rin niya ang bahay nina Jess.

Nakarating na kami Roon sa at una kong nakita ang ate nilang napakalaki. Mansyon talaga ang bahay nila, napakagara.

"Tara na mga anak, upo na kayo diyan at paghahain ko kayo ng pagkain." Aniya ni Mama na para bang magkakapatid kami. Di ako kumain ng maram dahil alam kong naghanda rin si Manang Amy ng hapunan. Sinusubukan ni mama na magsimula ng usapan sa pagitan naming dalawa pero hindi gumagana dahil hindi pa rin kami okay. Natapos akong kumain at inilagay ang aking pinggan sa lababo para hugasan nang tawagin ako ni Tito Rick.

"Gia, Can I talk to you in my office. Si Yaya na ang maghuhugas niyan."

"Mom, can you braid my hair?" Tawag ni Jess at nginitian siya ni mama.

Sumunod ako sa kanya sa office niya dahli ayaw kong makita sina Jess at mama tas pinaupo ako sa tapat niya. mukhang kabado siya at hindi alam kung paano sisimulan ang sasabihin niya.

"Wag na po kayong mag-alala. Hindi ko po kokombinsihin na magkabalikan si mama at papa, sayong sayo na po siya. Kung iyon man po ang iniisip ninyo." Dineretso ko siya dahil baka mamaya kung hindi ako magsalita, hindi kami matatapos dito.

"I'm sorry Gia... I know how much pain I caused you and your father. And I was hoping if you could try to give your mom another chance." Wow, sa tingin niya maayos ito dahil sa isang sorry.

"Pasensya na po pero ilang pagkakataon na ang ibinigay ni papa kay mama at sa tingin ko pag binigyan ko ulit ng pagkakataon si mama ay i-take for granted niya iyon kaya wag na po." Tatayo na sana Ako pero hinawakan niya ang kamay ko para paupuin ulit.

Huminga siya ng malalim tas nagsalita "I know sorry won't fix everything but everyday, Rose carries this guilt with her and I don't want her to have a hard time." Ay Talaga lang ha! Kumalas ako sa hawak niya.

"Kung ayaw niyo po siyang nahihirapan edi sana hindi niyo siya nilandi noong may pamilya na siya!" napayuko naman siya at lumitaw si mama sa may pintuan at kasama si Jess.

"Jess please, not now..." sabi ko sa kanya at umakyat na siya.

"Gianina your voice." Sabi ni Mama.

Hinawi ko ang buhok ko at hinarap siya. "Bakit ma? Totoo naman eh! Kung hindi ka niya nilandi at kung hindi ka nagpalandi edi sana maayos pa ang pamilya natin!"

Humakbang ako palapit sa kanya

Edi sana magkasama pa tayo Nina Papa! Edi sana hindi ako nabuhay na walang Papa!" At ayun nagtama ang kamay niya at ang pisngi ko kaya ako napaharap sa gilid.

"I'm so sorry..." aniya ni mama na mahina.

"Hindi ma, ok lang mahal mo naman siya diba?" Humasap ako sa kanilang dalawa. "O sige na po, Tito, Mama uwi na po ako kay papa." Pagkasakay ko sa aking bisikleta at agad na bumagsak ang luha ko.

Bakit ganito Mama? Bakit mo ako pinapahirapan?

Nakarating ako sa bahay at bago pa ako pumasok ay pinunasan ko ang luha ko gamit ang dilaw kong panyo. "Pa... bahay na ako." Tawag ko sa kanya at nakita ko si Manang Amy na naghahanda ng hapag kainan.

"Oh, Hija ayos lang ba? Namumula ang mata mo..." sabi sa'kin ni Manag. Shoot.

"Ay, Manang, napuwing kasi ako noong nagba-bike ako pauwi at kakatanggal ko lang bago ako nakarating dito." Mukhang gumana sa kanya ang palusot ko at kumain na ako. Di rin nagtagal ay dumating na rin si papa at sinabayan na kami ni Mang Amy. Puno ng kwentuhan ang hapunana sa bahay, at ito ang gusto ko sa pamilyang ito.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumandal sa pinto. Napa-upo ako roon at nagsimulang dumaloy muli ag luha ko. Tas tinignan ko ang yellow na panyo na hawak-hawak ko.

Tumakbo ako sa park noon kasi nagaaway sina mama at papa. Nalaman kasi ni Mama na umalis kami ni Papa noong wala siya. Tumakbo ako sa may bridge na nasa dulong dulo ng park at umupo roon. Nilusot ko ang paa ko sa butas para makasandal sa harap ko.

"Don't cry na..." Dinig ko at tumingin sa boses. Isang batang lalaki na kasing-edad ko. Umupo siya sa tabi ko at pinat yung likod ko.

"Here oh, wipe your tears na." Inabot sa akin ang kanyang yellow na panyo. Ginamit ko naman iyon at pinahid ang mga luha ko.

"Ako pala si Coco. What's your name?" Inabot niya sa akin ang kanyang kamay.

"I'm Nins." Sabi ko at hinawakan ang kanyang kamay. Ngumiti na naman siya at tumayo.

"Tara Nins, lets play!" Naglaro kami ng saglit at sa maikling panahong iyon at nakalimutan ko ang dahilan kung bakit ako umiiyak noong araw na yon. Ilang saglit ay nakita ko yung kotse ni papa at nagpaalam na sa akin si Coco.

"I hope I made you smile today." Ngiti niya at kinawayan ako.

Niyakap ko naman siya pabalik. "I hope to see you again someday." Tas tumakbo na ako patungo kay papa.

Grabe, hindi ko talaga makakalimutan si Coco. Hey, kung nasaan ka man, I want you to know that for once you made me smile, and you did again when I remembered your handkerchief.

----------

Salamat sa pagbabasa guys! Sana ay suportahan ninyo ang mga susunod na kabanata! Hanggang sa muli!

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon