4- Bagong Dating

271 6 2
                                    

ANO? Andito ngayon si Jericho? Ahh kaya pala niya ako tinext kanina... Hala alam ba niyang wala na kami sa bahay.


To: Mac (Pretty Beshie)

Ha?! Anong sinasabi mo? Andito ngayon si Jericho? Nasa Canada siya ngayon diba?


From: Mac (Pretty Beshie)

Hindi Ghorl! Tinanong pa ako ng mama niya kung nasaan kayo ng mama mo noong napadaan ako sa bahay nila. Si Jay daw ay kinukuha ang iba niyang gamit sa old house nila dahil lilipat na talaga sila sa Manila!! Eh noong hinahanap Sinabi ko na lang na lumuwas na kayo dahil doon na yung work ng mama mo at doon ka magse-senior high.


Si Jericho ay nandito sa Pinas. Tinanong ng mama niya kung nasaan ako. Tas sa Maynila na sila titira niyan. Oh. My. Gosh.


From: Mac (Pretty Beshie)

Huy di ka nag-reply. Tsaka infairness ah ang hottie na ni Jay ngayon, di ko na alam kung makikilala mo ya yun. Pero ok lang naman mas gumanda ka naman noong umalis siya...


To: Mac (Pretty Beshie)

Huweh... Pa-check ka na girl baka kailangan mo na ng salamin.


Bumalik sa akin ang tanong ni mama "Kamusta na kaya siya. For sure mas gwapo na siya ngayon." Sabi ko sa aking isipan. Napapikit na lang ako at nakinig muli sa playlist ko.


...Kailan kaya kita makikilala

At paano kung nasulat na sa notebook ng tadhana

Ang kwento ng pag-ibig tungkol sa ating dalawa

Di kaya sayang naman kung hindi natin susundin

Ang nais na mangyari ng tadhana para satin...


Kasama ko sina Reese, Lexi at Mac doon sa sari-sari store na favorite naming tambayan. Doon kami nagku-kwentuhan araw-araw pagkatapos ng school. Kasabay ng pagsip-sip ng malamig na pepsi at pag-kain ng maalat na tsitsirya.


"Alam mo girl, dito ka na lang pleaseeee." Sumandal si Lexi sa balikat ko.


"Ilang beses ba naming sasabihin na as maganda pa rito... nandito rin kami oh. Puro usok ang mahahalimuyak mo sa Manila ehh..." sabi sa akin ni Mac.


"pero ayos lang sa amin basta masaya ka"


"REESE NAMAN EH..." Sabay sabi ng dalawa.


Oo, mas presko ang simoy ng hangin roon at mas maganda ang sinag ng araw, ngunit di ko magawa dahil sa Manila nga ako magse-senior high. Nagtatawanan kami at hinahampas ang lamesa dahil sa sakit ng amin tiyan tas bigla kaming lumingon sa boses na aming narinig


"Gia?" Jericho?


"Gia... Gia Anak gising na..." Nakatulog pala ako at kanina pa ako ginigising ni mama.


Tumigil kami sa tapat ng isang apartment na mukhang bahay talaga. May dalawang floors tapos may roof-top. Paano kaya na-afford ni mama na bilhin o upahan ito? Baka naman may ipon na naitabi si mama, sabi ko sa sarili ko. Mas maganda nga yung nakikita ko keysa sa in-imagine ko eh... Kitang kita na ang kwarto ko na kaharap ang kalsada dahil nakita ko na ang balcony.


"Anak, nandito na tayo, tara baba na natin ang mga gamit natin." Binuksan ko ang pintuan ng kotse at sinumulan na ang pag-bubuhat.


Inuna ko na ang mga maliliita na boxes para di agad mapagod. Inakyat ko ang mga gamit ko sa aking kwarto na nasa second floor at pagbukas ko ng pinto ay napa-tulala na lang ako. Wow...


May isang Kamang mas malaki pa sa twin size bed na parang magkakasya ang tatlong tao. May night stand sa tabi nito ay sa kabila naman ay study table na may upuan na may gulong sa baba. May guitar stand na rin sa tabi ng study table ko. Mukhang marunong mang-gitara ang dating may-ari ng bahay ba ito.


Pagkatapos kong ilapag ang mga kahon na binitbit ko pataas ay bumaba nanaman at sinimulan ang mabibigat na lalagyan. Nilapitan ako ni mama at mukhang tapos na siyang magbit-bit ng mga gamit. Nagpalit na rin siya ng pantalon dahil nakasuot siya ng shorts kaninang nagda-drive siya. Imbes na tsinelas, maayos na sandals na may heels and kanyang sapatos.


"Ma, saan ka po pupunta?" Tanong ko sa kanya habang tinitignan ang kanyang suot pang-opisina.


"Ay nak, tinawagan ako ng work. They're gonna interview me daw kasi ni-reffer lang daw ako. Bali, ito ang aking application doon. O sige na mauna na ako at pasensya na kung 'di kita matutulungan na magbuhat pa ha... Susubukan kong makauwi bago magdilim," Hinalikan niya ako sa noo.


"Sige na ma naintindihan ko naman. Ingat tsaka good luck sa interview mo." Umalis na si mama gamit ang kotse. Buti na lang at nailagay ko na ang lahat ng gamit sa harap ng bahay namin, sa loob ng gate.


"Lets go, Gia. Kaya mo 'to," Bulong ko sarili ko at kinarga ang unang kahon.


"Amin na, tulungan na kita," Napalingon ako sa harap kong nang makita ang pares ng kamay sa ilalim ng box na kinakarga ko.


Maputi ang kanyang balat, at kulot ang buhok na nakatali sa taas ng kanyang ulo. There are pieces na di nasama sa tali dahil maikli pa ito. Matangkad siya at may istura. Medyo mukhang mayaman pero naka-sadndo lamang at shorts na pangbasketball.


"Hindi na kaya ko na ito, baka maabala pa kitan" Sabi ko sa kanya ngunit di pumalag.


"Ayos lang, tsaka sisiw lang ito sa akin. David nga pala pangalan ko. Ikaw?" Nilapag ko muna ang kahon sa sahig at inabot ang kamay niya.


"Gia," hinawakan niya ang kamay ko and he shook it.


"Magsimula na tayo, Gia?" Napatango naman ako at nagsimula na sa pagbuhat.


Totoo nga ang sinabi niya, at halatang sisiw lang ito sa kanya dahil iisa pa lang ang nabubuhat ko, naka tatlo na siya. Wala pang alas-tres ng hapon ay natapos na kami. Tinulungan rin niya ako mag-ayos ang magtanggal ng mga bagay-bagay at inayos ito sa may sala.


"Gusto mo bang magmerienda muna? Sandali lang- um... Umupo ka muna diyan at bibili ako ng soft drinks at tinapay sa may bakery sa tapat," Bago pa siyang makasalita ay lumabas na ako ng bahay at bumuli ng merieda.


Song Featured: Ted Hannah By: Parokya Ni Edgar

———————————

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon