42- Fifi

111 3 0
                                    

"Ate Ganda, paano ulit kayo nagkakilala Nina kuya?" Tanong sa akin ni Fifi noong inaayusan ko siya para sa school dance nila. Buti pa sila may school dance. Ngayon lang daw na-approave and proposal nila dahil sabi nila na find raiser daw iyon.


um... paano nga ba ulit kami nagkakilala? AY OO NGA PALA


"Ah- eh- kilala mo si Ate Mickey mo diba?" Tumango siya na para bang alam na niya ang mga susunod na mangyayari.


Tumawa siya ng konti. "Let me guess ate, sinungitan ka niya tapos nakipag-flirt noh. Tapos may ginawa siyang ayaw mo o naging matigas an ulo niya, tapos noon naging protective na Ewan tapos nanligaw, nag-away kayo tas nagbati kaya andito na kayo ngayon."


Wow. Ang galing din Nito ah... paano niya nalaman iyon? Taska for sure magiging great friends sila ni Lexi. Ang dadaldal.


"Alam mo naman pala kung ano ang nangyari eh, bakit mo pa tinanong?" Sabi ko sa kanya noong inaayusan ko siya ng buhok.


"Kasi naman ate, si ate mickey ang pinaguusapan natin dito. hello? Siya nga ang dahilan kung bakit mag-jowa sina ate zam at kuya drew eh. And kuya talks in his sleep..." Wow alam din niya yun at pinagmamalaki pa niya ah.


Pagkatapos ko siyang tulungan na suotin ang gown niya ay sinundo na siya ng friends niya. Dahil nasa bahay rin si Tita Sab, tinanong niya ako if I wanted to have a movie marathon with her. Girl's night kung baga kasi she wanted to get to know me more. Nasa bahay Nina Drew si Sol kasama si Gian kasi may project pa daw silang gagawin. Nanood kami ng It takes a man and a woman tas kumain rin ng binake niya.


Noong natapos na ang movie ay pumunta kami ng kitchen. Nakita kong papalapit na si tita sa may lababo dala-dala ang Mangkok na pinaglagyan ng cookies.


"Naku, tita ako na po diyan. Kayo na po ang nag-bake eh..." offer ko dahil nakakahiya naman sa kanya.


She smiled at me and neglected my offer. "Ayos lang Gia." Tawa niya. "I really really like you for my son and for Fifi." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya at umangat ang gilig ng kanyang labi. Sumandal ako sa may counter para makausap niya ako.


"You brought back the old Sol. You know naman siguro what happened to his past relationship. It destroyed the good in him and I was very worried pero ever since noong dumating ka, nakita ko na bumalik ang buhay at liwanag sa mga mata niya. I never saw him this happy." Napangiti naman ako sa sinabi niya.


She reminds me of Tita Arleen. Englishera version nga lang. parehas silang Maalaga and hands on sa mga anak nila.


Umupo na lang ako sa may Sala habang si Tita Sab ay natutulog na sa kanyang kwarto. Mga 8 na siguro noon o 7:30 kaya hinihintay ko na lang si Sol para i-uwi ako. Siya rin kasi ang nag-dala sa akin dito para ayusan si Fifi.


Habang nanonood ako ng Netflix ay bumukas ang pinto at pumasok si Fifi. Napansin ko na namumula ang kanyang mata at humihikbi kaya agad kong pinatay ang TV at nilapitan siya.


Hinawakan ko ang kanyang mukha at hinaplos ang kanyang buhok para patahanin. "Anong nangyari Fifi at ang aga-aga pa para umuwi. Di ba kakastart lang ng dance?" Tanong ko sa kanya.


Pinunasan niya ang kanyang luha gamit ang tissue na binigay ko. "A-ayaw ko nang pumunta a-ate. Nakita ko k-kasi yung b-best friend ko n-na ka-sayaw y-yung crush ko. Sabi niya n-nga sa akin n-na tutulungan niya ako p-para maka-sayaw ko siya e-eh..." she said in between her cries. Kinuha ko naman yung dilaw kong panyo at binigay sa kanya dahil kumalat na ang kanyang make-up.


Napa-buntong hininga ako dahil sa sinabi niya. "Fifi... Crush lang 'yon. Besides, masyado ka pang bata para magka-boy friend. Wait 'til you reach senior high or college, marami kang makikilalang cute at mababait na boys roon." Encourage ko sa kanya. Niyakap niya ako at sinabihan ko na mag-palit na siya dahil mukhang wala na nga siyang planong bumalik pa sa dance.


"Gia... Babe..." Tawag sa akin ni Sol kaya tinabi ko na yung ice cream na kinakain namin ni Fifi. Lumaki naman ang ngiti niya dahil sa tawag sa akin ni Sol.


"Oh you're here na? The dance isn't done yet." Aniya.


"Masama daw yung pakiramdam niya noon kaya umuwi na. Diba FIfi." Tumango naman siya at sumabay na lang dahil baka sermonan pa siya ng kanyang kuya pag kinwento sa kanya ang tungkol sa crush niya.


"Ah... Ok then. Make sure you rest tonight ok?" Tumango ulit si Fifi habang sumusubo ng ice cream. Bumalig naman ang tingin ni Sol sa akin. "Let's go?"


Papalakad na akong paalis nang tinawag ako ni Fifi. Inabot sa akin ang yellow ko na panyo. "Thanks pala ate." Ngiti niya sa akin.


Kinuha ko ang panyo mula sa kanya at nakita ko na hindi pa umaalis ang tingin ni Sol roon. Pinaglaruan ko ang panyo na iyon sa kamay ko at naramdaman ko na may gustong sabihin sa akin si Sol.


"Sol, if you wan't to say something say it. Baka hindi ka makatulog niyan mamaya." He chuckled noong Sinabi ko iyon.


"Pakita nga ng panyo." SUS yun lang pala. Binigay ko naman sa kanya at sinuri niya iyon. Buti na lang at hindi siningahan ni Fifi kanina.


Wala pang isang minuto ay ibinalik na sa akin ang panyo. He bit on his lower lip na para bang pinipigilan ang kanyang sarili na ngumiti. At ni isa sa amin ang nag-salita pabalik sa bahay ko.


"Salamat sa pag-hatid sa akin sa bahay Sol. And if your sister needs anything tell to na don't hesitate to ask me ah..." bilin ko sa kanya. Kinulong niya ako sa kanyang yakap at naramdaman ko ang kanyang labi sa gilid ng noo ko. Medyo matagal bago siyang kumalas sa yakap na para bang may nahanap siyang ayaw pakawalan.


"Good night Gia. See you on our prom night" kindat niya sa akin at sumakay ng kotse. Hinintay ko na umalis iyon bago pumasok ng bahay. Wala ngayon si Papa dahil nga may business trip sila.


Gabi na rin kaya sinabihan ko si Manang Amy na magpahinga na. Kumuha ako ng cup noodles mula sa cabinet at 'yon ang ginawa kong hapunan dahil busog pa ako sa ice cream at sa luto ni tita. For some reason hindi pa rin panatag ang loob ko. Kahit hindi ko pansinin, may something talaga eh... I just can't point out what.


—————————-

Maraming maraming salamat sa pagbabasa! Hahaha Hanggang sa muli! mwahh! <3

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon