3- Ilaw

296 7 0
                                    

Sabado na... Nagising ako at binuksan ang aking kurtina at bintana. 'Di pa gising ang araw ah. Kinuha ko na rin ang cellphone ko at may napansin sa lockscreen.


1 unread text from unknown number


Huh? Sino kaya ito? Pinindot ko ang home button at binuksan ang text.


from: Unknown number

Kamusta na ang mahal na Prinsesa?

-J :)


Oh. My. Gosh. Di ako makapaniwala.


Ang tagal na niyang di nagpaparamdam. Ilang minuto ko pa tinignan ang text, baka kasi nananaginip pa ako. Ilang panaginip na kaya ang ganito tas magigising ka na lang na dissapointed kasi hindi iyon totoo, huhuhu. Kinurot ko ang braso ko at sumakit- malamang gising na ako. Agad kong nireplayan ang message na sinend niya. 'Di pa kasi ako nagpapalit ng number kaya siguro nasa kanya pa.


To: Unknown number

HUYYYYY!! Ok lang naman ko :) Ikaw, Kamusta? Ang tagal mo nang hindi nagpaparamdam ah. Grabe ka. Mas malala pa sa multo ang paggho-ghost mo sa akin. Humanda ka pag-balik mo dito. Ingat ka diyan lagi!

Lab lab, G :)


Sinara ko ang phone ko, naghilamos at nagtooth brush. Kailangan namin ni mama gumising ng maaga dahil mahaba ang biyahe papuntang Manila. Naligo na rin ako para di sayang ang oras. Pagka-pasok ko ulit sa kwarto ay sinuot ang jogging pants at white na T-shirt na nakapatong sa desk ko. Tinali ko na rin ang hoodie sa beywang ko at naupo sa kama at binuksan ang cellphone ko. Wala pa ring reply.


Siguro may pasok pa yun or iba ang time sa kanila. Kung 4 am ngayon edi 1 pm pa lang siguro sa kanila. Once na binuksan at tinignan ko na ang notifs ko mula sa IG at Twitter, ay bumaba na ako at nandoon na si mama na nagaalmusal na. Nagtimpla na ako ng Milo at kinain ang tapsilog na nakalagay na sa may tapat ng upuan ko.


"Mukhang na-antok ka pa anak ah. See, you're still yawning." Tumawa ng kaunti si mama.


"H-hindi... Naman... Masyado ma..." Oo naantok pa pala ako.


Kinain ko na ang sinangag sa harapan ko habang tiitignan ang cellphone ko. Kailan kaya siya magrereply. Nakalahati ko na ang kinakain ko at di ko namalayang nakatingin pa rin ako sa cellphone ko.


"Gia, Baka matunaw ang cellphone mo sa kakatitig mo diyan ah... Bakit? may inaasahan ka bang magtetext o tatawag?" Oo mama


"Ay! Wala po ma siguro lutang pa po ako hehe... Sige na po ma ako na bahala dito mag-ayos na rin po kayo, para makaalis na po tayo rito habang di pa traffic." sabi ko at inubos na ang pagkain ko. Kinuha ko rin ang tasa at plato ni mama at nagsimula nang maghugas.


It's how you used to say I love you, and I miss you

It's how you pretend to love me then

When you wondered off the things we've done before

Now it's too late to turn back anymore


I used to say I love you

I used to say I miss you

And now it's all gone are we fading away.


Are you coming back into my arms, to love me again...

I love you, I miss you, I need you more now...

More than ever, More than words can say

I love you and I miss you, I need you more today...


Nasa loob ng kotse na kami ni mama at nagsimula na siyang mag-drive. Suot ko rin ang headphones ko at nakikinig sa spotify. Mahilig na talaga ako sa music ever since bata pa ako. Kumakanta na ako mula noong 3 years old ako at wala pang nakakarinig sa aking kindi si mama... at si papa.


Si papa rin ang nagturo sa akin sa ng tumugtog ng gitara at sumulat ng kanta. Idol ko siya noon, yun nga lang nag-bago ang lahat noong iniwan niya si mama. Hindi ko alam kung bakit at hindi ko na rin itatanong dahil ayaw ko nang malungkot si mama.


Patuloy kong pinakikinggan ang mga kantang nasa aking playlist tas bliglang humina at tumunog ang ringtone ko sa text.


Ding

From: Madayang Frog

Ahahaha... Grabe ka naman ah. Wala talagang pinagbago. Ok lang naman ko, tsaka excited na makita ka muli. Miss you prinsesa <3

- J


Napangiti ako sa sinabi niya. Mabuti naman at maayos siya doon sa Canada. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag may nangyaring masama sa kanya habang nasa Canada diya eh. Na-excite ako ng slight noong nabasa ko yung last 2 sentences niya.


Kailan kya siya babalik? Kailan kaya kami ulit magba-bike? Kailan kaya mababalik yung dati naming ala-ala? Napangiti na lang ako sa sarili ko habang inaalala ko ang mga sandaling magkasama kaming dalawa.


"Nak, mukhang maganda gising mo kanina." Nang imulat ko ang aking mata, nakita ko siya na nakangiti sa akin.


Di ko na namalayan na nakangiti pala ako at medyo sumasakit na ang aking pisngi.


"Ay oo Ma. Medyo maganda nga yung gising ko kanina," Ngiti ko sa kanya. Tinignan naman niya ang cellphone ko na biglang umilaw.


"Mukhang nagpapasaya ata sayo yang ka-text mo ah... Aino ba yan?" Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo o pagtatakpan ko nanaman.


"Ah ma, si Jericho. Nagparamdam ulit pagkatapos ang limang taon." Sabi ko sa kanya at tumango-tango naman siya.


"Ahh si Jericho. Yung palagi mong kaaway noong bata ka pa. Kamusta na kaya siya. For sure mas gwapo na siya ngayon. Bata pa lang, may itsura na siya, at baka nga may girlfriend na yun noh Gia?" Napatigil naman ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? ano na kayang istura ni Jericho ngayon?


"Ah- ha? Ay oo ma, siguro mukhang tae na yun ngayon. Ang itim niya noong bata siya eh," Natawa tuloy kami ni mama dahil mukhang sunog ang balat niya. Paano naman kasi, palagi siyang nasa labas at nalaro tuwing tanghali tapat.


"Huy wag ka ngang ganyan crush mo lang siya dati ehhh ayieee... Tsaka alam mo Gianina, mas sunog ka kaya dati. HAHAHA, o sige na replayan mo na yan si Jericho ayieee..." Kung si Jericho lang ang nag-text sa akin eh si Mac. Ang aga naman niyang gising 7 pa lang ah...


From: Mac (Pretty Beshie)

Ghorl! May news ako. Nakita ko yung kotse ni Jay sa tapat ng bahay Nila noong inutusan ako ni lola na bumili ng pandesal!!


Song featured: I need you more today by: Caleb Santos

——————————-

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon