25- Birthday

128 3 0
                                    

Nagising ako dahil tumutunog yung cellphone ko. Di ko na tinignan kung sino ang tumatawag at sinagutan ko ito.


"Hello?" Punong puno ng antok ang boses ko


"Good morning Sleeping Beauty, pwede ka bang bumaba ng saglit, may papakita lang ako sa'yo." Jericho naman eh.


Bumaba ako ng hagdanan na naka-pajama at suot ang paborito kong hoodie na white. Muntikan pa akong ma-untog sa gate namin at tinawanan ko ni Jericho.


Nakita ko siyang may hawak-hawak na cupcake na may kandila? ha?


"Para saan naman yan palaka?" tanong ko as I rubbed my eyes.


"For you." Tinignan ko siya na para bang nagbibiro siya.


"Happy birthday Gianina Carmelita Abrantes." Ngiti niya at nilapit sa akin ang cupcake.


HALA SHUTA! Tinignan ko ang cellphone na hawak-hawak ko.


12:01 am


"Hala! Birthday ko nga!" Sabi ko at natawa naman si Jericho.


"Sige na... blow mo na Yan at mag-wish ka." Ipinikit ko naman at mata ko at hinipan ang kandila.


"Yuck, may kasamang laway." Hinampas ko naman siya ng magaan lang.


"Ang Corny mo talaga kahit kailan." Ginulo ko yung buhok niya at kailangan ko pang tumingkayad para gawin iyon.


"Corny na kung corny pero di ko naman makakalimutan ang birthday mo noh?"


Nginitan ko siya. Iba talaga pag best friend mo noh?


"Buksan mo na yan, sige na, kanina ka pa kating-kati para buksan yan." Kinuha ko naman sa kanya ang isang paper bag at nakita ang isang maliit na box at binuksan iyon.


Wow...


Isang wooden na Guitar pick na may Moon na naka-engraved doon at isang purselas na gawa sa kahoy na may Moon at stars bilang charms. May letter G rin doon, katabi ng moon.


Agad ko naman kinulong sa yakap si Jericho.


"Salamat talaga Palaka..." bulong ko sa tenga niya.


"Happy birthday Prinsesa"


Mga ala-una ng umaga ay bumalik na si Jericho sa kanilang tahanan. Tinignan ko rin Yung cellphone ko. Baka sakalig may nag-greet din sa akin.


4 unread messages from Squad Goalz

12:02 am

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon