45- Letter

143 3 1
                                    

"A-anong ibig niyong sabihin na umalis na siya? Hindi Tita, jokes na naman ito ni Jericho diba? Diba??" Sinubukan kong paniwalain sarili ko sa mga pinagsasabi ko.


"Hindi anak. Umalis na siyang papuntang Canada. Doon daw siya magaaral ng grade 12 para mas madali ang pag-adjust niya sa law school." Law school? Walang sinabing ganito si Jericho sa akin. Hindi pa rin Ako naniwala kaya umakyat ako sa kwarto niya.


"Jericho, alam kong nagtatago ka diyan! Jay! Labas ka na, hindi ito nakakatuwa!" Pagbukas ko ng pinto sa kwarto niya at wala na talaga siya roon. Maayos ang kanyang kama at halos wala nang natirang damit sa cabinet niya.


Bumuhos na muli ang mga luha mula sa mga mata ko noong nag-sink in na wala na talaga siya. Ay baka hindi na rin siya bumalik. Inikot ko ang kanyang kwarto at nakita ang papel na nakaipit sa kanyang gitara.


Gia,

I'm so sorry kung hindi ko nasabi sa'yo na aalis na ako. Ayaw ko naman kasi na masaktan ka. If I would tell you, it will make me want to stay pero kailangan kong umalis. Kinukuha na ako ng mga Tita ko sa Canada kasi doon daw ako mag ge-grade 12. Iyon dapat ang plano. Doon ako sa Canada mag-aaral at magco-college pero pinilit ko si mama na umuwi nang hindi alam nina tita. When they found out, they immediately booked me a ticket going back there kahit na hindi ko naman gusto. Medyo mahal ang plane ticket papuntang Canada kaya hindi na namin mapapalitan. I asked them if I can leave after grade 11 so that I can spend more time with you and buti na lang they agreed.


Ang unfair ano? Kakabalik ko lang ng Pilipinas, pinapaalis na agad ako. Pero I really want to say thank you to you. Thank you to all the memories that we have spent since childhood and until my last day in grade 11. I want to say thank you to all the catching- up and kwentuhans with you. Thank you because I was able to meet new people and bring back my connection with those in San Alfonso.


Hinding hindi ko rin makakalimutan ang bawal hampas, sampal o suntok ko sa akin. Ang bawat Irap mo sa akin dahil sa kasungitan mo and the texts that we shared with one another.


For sure, you might be reading this after Prom kasi that night was my scheduled flight. It was actually a good timing for me because I saw you happy. You were with someone that could protect you and make you smile when I'm not around. Panatag na yung loob ko noong nakita kong magkasama kayo ni Sol. Don't worry, I talked to him and his intentions are pure.


Pag sinaktan ka man niya o kung gusto mo ng kausap tumingin ka lang sa langit tuwing gabi. You'll see me there surrounded with the stars in the sky. Kahit na nasa malayong-malayong Lugar na ako, I will still be with you. Oh, wag ka nang umiyak dahil tandaan mo na ayaw na ayaw kitang lumuluha, lalong lalo na kung wala ako para punasan at saluhin iyon.


I will see you again some day. I'm just not so sure when, but when I am gone please promise me one thing. Never take the bracelet off. It will remind you of me and I hope that you will never forget me.


Looking forward to our next bike ride and Ice-pop


Love, Your Palaka, Jericho.


That was it. I cried my hardest after reading that letter and napatingin rin ako sa bracelet na suot-suot ko. That's why he places a J there last night. I bit my lip to stop me from crying pero hindi gumana. Humiga na lang ako sa Kama niya at patuloy na humikbi. Bakit mo ako iniwan Jericho. It has only been how many months. Wala pa ngang isang taon eh. Ang unfair mo naman!


Tinext ko siya sa number niya


To: Madayang Palaka

Huy! Wag a ngang ano! Joke lang ito diba! Balik ka na please...


Sinara ko ang phone ko tas bumalik ang tingin ko roon noong umilaw


Message failed to send.


Nasa Canada na siya ngayon kaya hindi ko ma-text. Naramdaman ko na basang-basa na yung unan niya pero wala akong pakielam. Di ko namalayan na nakatulog pala ako doon kaka-iyak. pumunta rin ako sa kwarto ni tita at naroon din, nakatulog. Naisipan ko na umuwi na muna para makapahinga ng maayos.


Wala rin. Umiiyak pa rin Ako walang pahinga. Ang daming "sana" na pumapasok sa isipan ko. At yung mas masakit pa doon ay yung hindi mo alam kung kailan siya babalik at kung babalik pa ba.


Sana hinayaan ko na lang siya na maging date ko sa Prom ko. Sana hindi ko na siya kinulit sa mga IG story naming dalawa. Sana nakasama ko pa siya ng matagal. Sana pinagbigyan ko na ang mga trip-trip niya doon sa San Alfonso. At sana mas hinigpitan at mas matagal yung yakap ko sa kanya bago siya umalis.


"Ang daya Jericho! Ang daya-daya mong palaka ka!" Sigay ko sa unan ko. Nasa bed-side table ko ang letter na binigay niya sa kanya.


Kinuha ko ang aking gitara sa tabi ng kama ko at napatigil noong naka-ipit sa strings yung pic na binigay niya sa akin noong birthday ko. Ang hirap mawalan ng bestfriend.


Gabi na at umiiyak pa rin ako. Kaya hindi Ako makatulog. Umilaw ang phone ko.


1 unread message from: @_J.J.Montecillo _


OMG


From: @_J.J.Montecillo_

Tignan mo yung night sky.


Pumunta ako sa terrace at tumingala. Nakita ang full moon kaya ko punicturan at sinend sa kanya.


Fro: @_J.J.Montecillo_

See, stop crying because I'm always there.


Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagbigyan mo na. Kahit ngayon lang.

—————————

ANNNDDDD SALAMAT SA PAGBABASA! This is the last chapter and then epilouge na 

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon