41- Meet the Fam

120 4 0
                                    

Mga alas-siyete na noon at sabi ni Sol na siya na ang mag-uuwi sa akin dahil papakilala pa daw ako sa pamilya niya. Kinakabahan ako dahil baka hindi nila ako magustuhan o hindi ko maabot ang expectations nila sa akin. Katabi ko ngayon si Sol sa kotse niya sa back seat habang naka-akbay siya sa akin. Tinext ko rin si Papa na baka late na ako maka-uwi dahil may pinuntahan pa kami ng kaibigan ko. Papakilala ko rin kay papa si Sol para isahan na lang.


Nakarating na ako sa bahay nila at pinaupo ako sa may islang sa kusina. Umakyat muna siya para tawagin yung mom niya. May shift pa daw kasi papa niya kaya hindi ko muna makikilala pero naikwento na naman niya ako.


Narinig ko ang mga hakbang papunta sa sa kitchen kaya umayos ako ng upo at inikot ang upuan sa direksyon ng yapak. Napatigil ako noong nakita ko ang isang napaka-pamilyar na babae. Umawang ang kanyang labi at kitang kita ang gulat sa mga mata niya.


"Ate Ganda ikaw ba yan?" SI FIFI!!


Tumawa ako at tumango. Nanlaki ang mga mata niya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya at hinawi ang kanyang buhok sa likod ng kanyang tenga.


"Fifi, ikaw pala yan." Naka-ngiti kong sinabi. Sabi ko na nga ba napaka-pamilyar niya eh!


Narinig ko ang dalawang pares ng paa na papunta sa may kusina at bago pang magsalita si Fifi at narinig ko na ang boses ni Sol.


"Gia..." Tawag niya sa akin. Nakita niya na kasama ko si Fifi na tumatawa at naka-angkla sa isa kong braso.


Kumunot ang noo ni Sol noong nakita kaming close at nagsalita rin ang mama niya. Makikita mo ang kagandahan ng kanyang nanay kahit na medyo may edad na. Hindi niya ito kamukha kaya feeling ko carbon copy niya ang kanyang papa.


"Fifi, Gia, you know each other?" Tanong niya.


Ngumiti naman ako tsaka sinagot ang tanong niya. "Good evening Mrs. Garcia, I met Fifi in a mall not so long ago in San Alfonso. Nakasalubong ko po siya noong papunta akong CR"


"Grabe naman yung Mrs Garcia, kahit Tita Sab na lang." Tita Sab... di ba pwedeng mom? CHAROT!!


Lumapit si Fifi sa side ni Sol at sinubukang akbayan "Alam mo kuya, mas maganda pa ata siya keysa sa mga kinekwento mo sa akin. Kayo na ba?" Bulong niya sa kanya.


Nasamid ata ako sa ere buti na lang hindi nila napansin. Nakakaloka rin si FIfi ah, straight to the point!


Sol cleared his throat and lumapit sa akin. "Gia, This is my mom and my sister. Mom, Fifi, this is Gia my girlfriend." Sabay akbay sa akin.


Tumili at napatalon si Fifi dahil sa sinabi ng kanyang kuya. "Sa wakas! Magaling pumili si kuya! Hindi na mukhang demonyong barbie!" Tumigil siya noong kinurot siya ng mama niya. Feeling ko si Steff yung tinutukoy niya.


"Sofia Jane, watch your mouth." Umangal naman si Fifi nang humarap sa akin si Tita Sab.


Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon