34- New Beginnings

119 4 0
                                    

WOah... Ang ganda ng bahay ni Papa! Tsaka ngayon ko lang napansin ang Jeep niyang kotse. Dream car ko talaga 'yon. Pagpasok namin ay wala pa rin akong masabi, grabe ang ganda talaga...


"Pa, Mayaman ka ba?" Tumawa naman si papa at naaliw sa itsura ko na naka-uwang pa ang bibig.


"Siguro... naka-ipon naman ako at nabili ko ito at yung kotse sa labas. Wala naman kasi ako pag-gagastusan eh." Aniya. Ano kayang trabaho niya? "Wait lang pa, so hindi ka na assistant ngayon sa isang company?" Yun yung huling trabahong na-alala ko na kinuha niya.


"Hindi anak, owner na ako ng isang recording label." Ngiti niya at napatigil ako sa paglalakad.


ANO DAW?!?


Lumingon naman siya sa likod niya at nandoon pa rin ako, nakahinto. "Nak, ayos ka lang? Tara, punta na tayo sa kwarto mo." Naka-ngiti pa rin siya.


KWARTO KO?!? So titira talaga ako dito?


"Noong pinagawa ko 'to nilagyan ko na rin ito ng mga extra na kwarto at ng kwarto mo. Yung mga panahon kasing iyon, inaayos ko na ang plano ko kung pano ka kukunin mula sa mama mo." Paliwanag pa niya at dinala na niya ako sa kwarto ko.


SHEPOTSSSS ang ganda... simple na magara GRABE!!


Napa-bitaw ako sa bag ko at tinawanan ako ni Papa. Agad ko naman siyang niyakap at nagpasalamat.


"Oh sige na anak, magahinga ka muna at ako ay magluluto ng ating hapunan." Paalam ni Papa at sinarado ang pinto.


Humilata ako sa aking kama at nakatulog na pala ako.


Naalimpungatan ako sa tunog ng aking alarm. Shux di ko na nasabayan si Papa sa hapunan... sana hini siya magtampo. Naligo na ako at nagbihis para masabayan ko si Papa sa almusal. Naka white ako na t-shirt na fitted, tas naka-jeans na medyo maluwag and my white sneakers. Nag-dala na rin ako ng maong na jacket kasi medyo malamig pa.


Bumaba ako sa hagdanan at naabutan ko ang isang matandang babaeng naghahanda ng almusal at wala pa si papa. Noong lumingon siya para ilagay ang ulam sa lamesa at nginitian niya ako. "So ikaw pala si Gia na kinekwento sa akin ng papa mo..." sabi niya


Umupo ako sa may lamesa at tinignan ko siya. "Wag kang mag-alala ako ang umasikaso sa iyo kagabi. Ako nga pala si Manang Amy tinulungan ko ang Papa mo noong nagsisimula pa lang siya at noong umalis na ang mga anak ko dahil may sari-sariling pamilya na sila, pinatuloy ako ng Papa mo dito sa bahay niya."


Napangiti naman ako sa kinwento ni Manang Amy. Di talaga papabayaan ni Papa ang mga taong malapit sa kanya. At hinding hindi niya kakalimutan ang mga taong tumulong at nag-alaga sa kanya. Dumating na rin siya at naka-kain na rin kami ng almusal. Niyaya ko na rin si Manang Amy na kumain na rin total, Kaming tatlo lang naman ang nasa Loob ng bahay eh.


Hinatid na ako ni Papa sa school at gugustuhin ko man na gamitin ang bike ko, may kotse naman daw si papa at di ko pa kabisado ang daan papunta school. Sinabi ko na rin kay papa na sa gate na lang ng school niya ako Ibaba dahil maraming kotse na sa oras na ito. Pumunta ako sa likuran ng campus at sumalubong sa akin ang dalawa kong kaibigan na mukhang gulat.


"Gia, Ikaw ba yan?" Tanong ni Mickey.


"OO NGA, IN FAIRNESS ANG GANDA NG BAGO MONG GUPIT LALONG LALO NA IN PERSON AH!" Aniya naman ni Zam.


Tumawa ako ng konti at niyakap ko silang dalawa. Grabe na-miss ko sila. "Oo naman noh, ako pa ito. Wala pang nagbabago kundi ang pagiging marupok ko." Pinalakpakan ako ng dalawang bruha at tumawa kami muli.


"Gia..." Lumingon kaming Tatlo sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses at nakita namin si Jess. Halatang nag-beach sila dahli mas umitim siya ngayon. Napawi rin ang ngiti ko dahli nakita ko siya.


"Uy Jess... Kamusta?" Tanong ko, kahit na alam ko na ang sagot pero nalito ako noong niyakap niya ako at bumulong sa aking tenga. "I'm sorry Gia."


"Huh? Bakit ka naman magiging sorry?" Ay wait...


"Kinwento at pinaliwanag na sa akin ang lahat ni kuya. Yung tungkol kay Tita Rose... Sorry talaga hindi ko alam. I understand kung galit ka sa akin pero sana naman hindi..." magkapatid talaga silang dalawa. Tinignan ako ng dalawa ko pang kaibigan na mukhang hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. Tinignan ko silang dalawa at alam na nila na ikekwento ko sa Kanila mamaya.


"Di bale Jess, Hindi naman ako galit sa inyo ni kuya David eh... Kaya" kumalas ako sa yakap at inakbayan siya. "Tara, punta na tayo sa klase." Yaya ko at sabay-sabay kaming pumasok. Yun nga lang nahulog ang mga dala ko noong may bumangga sa akin.


"Watch where you're going." Si Steff. Akala ko ba eh quits na kami? Na sa kanya na ang lalaking gusto niya at ano pa ang hihilingin niya?


Pinulot ko yung mga nahulog at hinarap siya. "Ano ba ang kailangan mo?"


Iniripan niya ako at hinawi ang kanyang buhok na mahaba tas tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.


"Pumunta ka sa back entrance ng Kingston pagkatapos ng klase para malaman mo." Buti na lang ay alam ni Mickey kung saan yun kaya doon kami dumiretso pagkatapos ng klase.


Nakarating kami Roon yun nga lang may gate kaya hindi kami makapasok, pero nakikita namin kung ano ang nasa loob. May lalaking may gitara na nakasandal sa isang puno. Hindi ko makita ang mukha pero nakikilala ko ang malungkot na boses. Tumutugtog siya habang nakayuko.


"Psstt Gia, Kilala mo ba kung sino yun?" Tanong sa akin ni Jess. Tumayo ang lalaki at niligpit ang kanyang pwesto. Nakatapak naman ng dahon si Mickey na gumawa ng tunog at humarap sa amin ang lalaki.


Makikita mo na hindi ayos ang kanyang buhok, at ang uniporme niya ay lukot. Yung mga mata rin niya ay punong puno ng lungkot, mapula at sa medyo Maitim sa ilalim, dulot siguro ng pagpupuyat. Hindi siya yung Sol na kilala ko.


"Hala si Sol yun ah..." Ani ni Zam. Umalis na si Sol sa kanyang pwesto kaya umalis na rin kami. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Bumalik na kami sa campus at sakto dumating na ang kotse ni Papa. Tinapik ako sa balikat ni Jess at nagsalita.


"Gia, may meeting pala tayo bukas. Kailangan kasi natin mag-isip ng fundraiser para sa mga nasalantaan ng bagyo. Sasabihin ko na lang sa'yo ang venue pag na-finalize na nina kuya." Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya.


"huh? Bakit pa tayo lalayo eh ang daming bakanteng classroom. Bakit di na lang doon?" Napa-Buntong hininga si Jess.


"Dahli ang fundraiser ay collaboration ng Preston at ng Kingston. Both student councils will work together to earn as much as possible." Oh no...

—————————————

Salamat muli sa pagbabasa! Sana ay subaybayan niyo ang mga susunod na kabanata! Hanggang sa muli!

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon