15- BEST FRIEND

166 3 0
                                    

"Jericho?" Siya nga!


Sinalubong niya ako sa isang napakalaking yakap. grabe, na-miss ko to...


"Na-miss talaga kita prinsesa." Bulong niya sa buhok ko. Medyo namumuo na yung Luha sa mata ko pero di ako papayag na tumulo sila.


"So, kamusta ka na Palaka?" Tanong ko pagkapasok namin sa sala. Tinabi na rin nika ang bike sa garahe.


"Ayos lang, ito gwapo pa rin." Aniya ay umupo sa couch


"AY GRABE, Ang hangin noh? Nararamdaman mo ba 'yon?" Sabi ko Sabay bukas ng electric fan


"Hahaha, Ewan ko sayo... san ka nga pala ulit nag-aaral?"


"Sa Preston Academy." Ngiti ko. Ay wait may Naalala ako.


"Wait lang," panimula ko


"Kung nakuha mo yung picture ko sa IG ni Sol, ibig sabihin non na..." tinignan ko siya tas ngumiti siya.


"yes, I study in Kingston now... naka-ipon si mama sa Canda pero I'm still under their scholarship program. Kaya ayun." Ahhh kaya pala... ok...


"So, ano, may jowa ka na ba?" Tanong ko at humarap sa kanya


"Wala pa..." WEH


"Di nga... sa bagay wala ka rin namang pinagbago noh." Tawa ko.


"Actually, pinag-aagawan nga ako sa Canda sa pogi kong ito, yun nga lang, walang spark kaya di ko sila sinasagot." Wow sila na ngayon ang nanliligaw. Baligtad pala sa Canada noh.


"WOW ANG POGI MO NOH. CHICK MAGNET kung baga." Sabi ko, emphesizing chick magnet. Pero infairness naman talaga, pumogi yung best friend ko noong nag abroad.


Parehas pa rin ang pugay ng mata niya, at ang kapal ng kilay at pilik-mata niya. Dumiretso na ngayon ang puting ngipin niya na dati ay matatawa ka pa sa itsura, tsaka mas naging full yung labi niya. Dahil siguro sa braces... ganun pa rin ang ngiti niya, pero di na siya gaano maitim. Moreno pa rin pero dahil siguro sa snow sa Canada kaya siya pumuti ng slight. Tumangkad din siya, dahil dati magkasing-height lang kami, ngayon, hanggang balikat lang niya ako. Gumanda sin ang hubog ng katawan niya. Nag gi-gym siguro toh dahil wala na yung tabaching-ching niyang tyan.


"Checking me out huh?" Grabe Talaga yung accent niya, sarap tuloy pakinggan ang boses niya.


"Unang una, no. hinahanap ko lang kung saan napunta ang taba mo dati and pangalawa bakit may accent ka pa? Na miss ko na yung pinoy kong palaka" sumandal ako sa balikat niya. Akala ko payapa at tahimik na ang lahat eh kinikili niya ako sa leeg. Agad naman akong tumayo


"HOY PALAKA KA HUMANDA KA SA AKIN!" Banta ko sa kanya


Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon