19- Dinner

132 5 0
                                    

"Halika na Gia, aayusan na kita." Suot ko yung gown na pinahiram sa akin ni Jess. Modern na Maria Clara yung suot ko. Cream yung color niya and napakaganda at floor length din ito. Nakasuot rin Ako ng sneakers na kay tagal naming pinag-awayan.


kasalukuyang inaayos ni Mickey ang buhok ko at si Jess naman ay nilalagyan ako ng make-up


"oo na, pero wag masyadong marami ah." Jusko baka magkaroon pa ako ng tigyawat dahil dito eh...


"Oo ako bahala, tsaka ang ganda ganda mo na nga eh kaya di kailangang full na pak na pak ang make up mo, don't worry." Ngiti ni Jess


Si Zam naman ay wala dito at kasama si Drew dahil may plan saw si Drew kay Zam. Matagal na kasi niyang nililigawan si Zam ever since march pa ata kaya ganoon yung tinginan nila last June sa beach house.


"Done! Tignan mo na yung sarili mo sa mirror." Nandoon kami sa bakanteng classroom sa Preston. Yung inangkit ko dahil may malaking mirror doon para doon kami mag-ayos.


"Wow..." wala akong masabi. The dress really compliments my morena skin tone and my hair is naka-bun na maayos, salamat kay Mickey.


"See, mukha kang Maria Clara." Hinawakan ni Mickey ang mga balikat ko at tumingin rin sa salamin.


Matagal na silang nag-ayos tsaka sabi daw nila na hindi naman Nila kailangan ng napaka-bonggang look dahli hindi naman daw sila yung representatives kundi kami ni Sol.


Nasa prosesyon na kami para sa sagala and until now medyo awkward si Sol sa akin. Ako naman ay Galit pa sa ginawa niya kay Jericho. Ang kapal naman kasi ng pagmumukha niya.


"I like you Gia." Wow umamin. Akala niya masasagip siya ng pag-amin niya?


Tinignan mo siya mulang paa hanggang ulo at ngumisi


"Pwes ako, hindi kita gusto at kailan man di ko magkakagusto sa mga taong nang-aapi ng kaibigan ko." Binalik ko sa kanya ang sunflower at ang necklace niya.


"See you na lang sa dinner." Tumingin ako kay Jericho.


"Tara na Jay, Alis na tayo dito."


Bumalik kami sa campus at sinabi ko kay Jericho na sumabay na lang sa amin sa lunch. Panandaliang saya lang pala ang bigay sa aking sunflower ni Sol. Grabe nainis talaga ako doon sa lalaking iyon ah. Ano tingin niya sa sarili niya? Jowa ko? Alpha ba? Kuya ko? Para mabugbog ang kaibigan ko. ha, no way po ma'am sir.


"O Gia, kalma na... tapos na ang lahat. Masisira ang beauty mo niyan. Kailangan mo pa naman sa friday dahil ikaw ang magsusuot ng Maria Clara costume ng class natin sponsored by Jessica of course!" Aniya ni Mickey


"Sige na smile na ang munting prinsesa..." tumingin ako kay Jericho na may ice pack pa rin sa mata niya.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon