30- Bagong Ako

123 3 0
                                    

Naamoy ko ang napakasarap na almusal kaya niligpit ko ang aking pinaghigaan at bumaba sa Sala kung saan natapos si papa sa kakaluto ng Champurado


at nandoon si Jericho?


"Morning pa!" Bati ko at niyakap siya.


"Ba't nandito ka palaka?"


"Palaka? Akala ko ba Jericho ang pangalan mo hijo?" Tumawa naman kami ni Jericho


"Hindi pa... Palaka yung tawag ko sa kanya pero Jericho talaga ang pangalan niya." Tumango naman si papa at sumandok ng champurado sa sa aming tatlo.


"Sasabihan sana kita na nasa tindahan na sina Mac Reese at Lexi. Tas yun niyaya ako ni Tito na mag-almusal kaya ito ready to eat na." Kinutusan ko naman siya. Jusko Jay kahit kailan, Pagkain talaga ang bukang bibig mo.


Mukhang naka-kwentuhan na niya si papa dahil may nababanggit na siya sa hapag-kainan na hindi ko pa sinasabi sa kanya. Sinabihan ko siya na susunod ako sa kanya dahil mag-huhugas pa ako. Eh yung totoo kakausapin ko talaga si Papa.


"Pa..." Tawag ko habang naghuhugas siya.


Tumawa naman siya dahil alam na niya kung ano ang sasabihin ko. "Mabait siya, I like him." Aniya at nangiti-ngiti pa siya na para bang may alam o may na kwento si Jericho na hindi ko alam.


"Pa, tinakot mo ba siya, anong tinanong mo dun? Next time wag ka mag-expect ng pang-matalinong sagot dahil wala siyang alam."


"Actually, I didn't scare him nak. Tinanong ko lang siya kung kamusta ka noong wala ako and sabi naman niya na inalagaan ka daw niya and a few other things. Tsaka he's a smart boy ha, at magalang..." Ang laki ng ngiti niya ngayon ah. Kakaiba talaga o di lang ako sanay.


Huminga ako ng malalim "Sige na nga pa, mauna na ako kikitain ko pa sina Jericho."


Lumabs ako ng gate at pumunta sa may tindahan. Nandoon na pala silang apat Nagkukwentuhan. Ano ba naman yan, ako nanaman ang nahuli. Umupo ako sa tabi ni Reese at kaharap si Jericho.


"Jay, anong Sinabi sa'yo ni Papa?" Mukhang gulat sina Mac, Lexi at Reese sa sinabi ko pero tinignan ko sila at Sinabi ng mga mata ko na iku-kwento ko mamaya.


"wala, niyaya lang ako mag-basketball tapos nagkwentuhan lang kami. Sinabihan rin niya Ako na mabait Ako at alagaan daw kita."


Tinulak naman ni Mac si Lexi at binulungan at natulak ni Lexi si Mac. Anong nangyari doon? "Approved naman pala kay Tito eh..." Sabi ni Reese at tinignan ni Jericho na namula bigla.


"Approved ang alin?" Tanong ko. Sige na guys OP na ako oh... bahala kayo hindi na Ako magku-kwento niyan.


"Walaaaaa... wag mo na yan isipin. Baliw talaga ang mga kaibigan natin." Ani ni Jericho na nangiti-ngiti pa. Edi ok, sabi ninyo.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon