32- Simbang Gabi

125 5 0
                                    

Ang bilis ng panahon at huling simbang gabi na namin. Ang saya magsimba pag kasama mo ang tropa, lalong lalo na kung may inaantok pa. isang beses sa sermon ni father, nakatulog si Mac at sakto pumalakpak kami dahil sabi ng pari at nagising at napa-palakpak na rin siya. Kunwa-kunwari ka pang nakikinig ah.


Ama Namin na ngayon at sa unang beses, nakatabi ko si Jericho. Inilapit sa akin ang kamay niya tsaka ko hinawakan. Iba yung nararamdaman ko noong hawak-hawak ko ang kamay niya pero hindi ko maintindihan. Natapos na ang panalangin at di ko alam kung bakit ayaw kong pakawalan ang kamay niya pero kinakailangan dahil baka iba na yung isipin niya.


"Ghorl! Libre mo nga ako." Ani ni Reese. Nasa labas kami ngayon ng simbahan at kumakain ng puto bumbong. Murang mura lang naman 50 pesos para sa sampung piraso. Ito rin Yung na-miss ko sa San Alfonso. "Uy ako rin girl!" Habol ni Lexi. Tumawa Ako at bago ko pa biinayaran ang isang order para sa amin lima ay naunahan na ako ni Jericho.


Excuse me, may sarili rin akong Pera noh! Pero ayos lang kasi di Ako gagastos. Nang bumalik siya, nasa may play ground kami ngayon dahil may lamesa at upuan doon. Bakit ang dami naman niyang binili. Nilabas niya mula sa plastik ang dalawang order. Ang dami naman.


"Jay, Bakit dalawa? Ang dami naman nito." Tanong ko at tinignan ko siya na pa-upo sa tabi ko,


"Wala na kasing bibinka kaya ito na lang." Sagot niya at binuksan.


"Oh edi bakit nga dalawa? sakto na sa atin yung isa" Tanong ko ulit


Bago pa nakasagot si Jericho ay naunahan na siya ni Mac.


"Alam mo Frenie, Kaming tatlo na ang magshe-share dito, total magkakatabi naman kami tas kayong dalawa na lang diyan." kinindatan ako ni Mac at kumunot naman ang noo ko. Hinayaan ko na lang siya at bumalik sa kinakain ko.


Nakatapat nanaman sa bibig ko ang Isang piraso ng puto bumbong at nasa ilalim noon ang kamay ni Jericho, para hindi mahulog.


"Sige na, A ka na." Ngiti niya sa akin. Hinayaan ko naman siyang subuan ako dahil wala naman mawawala sa akin pag pinayagan ko diba?


Simbang Gabi na naman

Tayo gising na, patulog pa lang ang buwan

Ang simoy ng hangin

Dahan-dahan na humahaplos

Sa mukha ng bawat tao

Bumabagsak-bagsak pa ang mata

Dahan-dahang kumislap

Ang mga ilaw ng tumatandang simbahan

Kung sa'n magkasama tayong nagdasal

At nakinig sa Misa de Gallo

Pagdating ng Ama Namin, ang oras huminto

Nang magkahawak ang ating mga kamay

Umawit mga ulap at sabay

Nagsiawit ang mga anghel sa langit

At ang unang gabi ng Pasko'y sumapit

Kay ganda ng harana ng tinig

Na sumasabay sa ihip ng hangin

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon