9- Weekend

193 6 0
                                    

Nasa pool ngayon ang boys, Nilulunod ang isa't isa. Sina Jess, Mickey and Zam ay pinapanood sila habang nakaupo sa lounge sa may outdoor kitchen and grill. Feeling ko gusto lang nila ako samahan dahil ako na nga ang nagluluto at dahil doon, baka di na ako maka-swimming. Pero naawa naman ako sa kanila dahil pumunta nga kami dito para mag-swimming and mag-relax.


"Sige na guys, ako na bahala dito. Magpalit na kayo para makaligo na kayo sa pool," Lumingon naman sila sa boses ko at ngumiti na parang nanalo sa lotto. Natuwa naman ako sa mga mukha nila at niyakap ako isa-isa.


"Naku Gia, babawi talaga kami sa'yo," Sabi ni Mickey.


"Hindiii ayos lang guys. And plus, ito na lang rin ambag ko sa inyo. Si Jess, may car, si Mickey yung venue tas si Zam na rin nagbayad ng mga sangkap," Naguunahan silang umakyat at nagbihis.


Habang nagluluto ako, pinagmamasdan ko ang mga guys na naglalaro sa pool. Tumawa ako lalo noong nagpapatuyo si Kuya Nate tas tinulak siya ni Gian. Tumama ang mata namin ni Sol na tumatawa pa rin at kinindatan ako. Umiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya.


Kanina kasi mukhang nasarapan siya sa luto ko tas kung ano-anong tunog ang lumabas mula sa kanya habang ngumunguya. Siniko naman ako ni Jess at tinuro si Sol na nakapikit na sa sarap.


Tumawa naman ang ibang guys tas sabi ni Gian "'Tol baka iniispi mo na iba na ang kinakain mo ah," Bumuka naman agad ang mata ni Sol at nagsitawanan nanaman kami.


Nakababa na pala yung mga girls sa pool. Si Zam lang ang di naka-two peice dahil naka one peice siya. Dinala na rin nila ang mga towels nila at pinwesto malapit sa pool. Alam ko naman na mababasa agad iyon kaya ko tinabi sa chairs na medyo malayo-layo.


Bumalik ako sa pagluluto ng burger since napansin ko na di naman sila mahilig sa rice. Binabaligtad ko na ang mga patty pero naramdaman ko na may nakatayo sa likod ko. Umikot ako at nakita ko si Sol.


Masyadong malapit kami sa isa't isa kaya umatras ako. Sa kasamaang palad, nadulas ako dahil basa si Sol at sinalo niya ako.


"Bago ka lang 'no? Ngayon lang kasi kita nakita. Usually Mickey only brings Jess and Zam, ever since before," Naramdaman ko ang paghawak niya sa akin.


Ang mga kamay niya ay nasa beywang ko pa at mas hinila niya ako papalapit sa kanya. Noong natauhan ako dahan-dahan akong humakbang para may kaonting space sa pagitan naming dalawa.


"Um... Eh... Oo bago nga ako. Kakalipat ko lang from San Alfonso. I'm not sure if you've heard about it already but its far from here and-" 'di ko na natapos yung sinasabi ko kasi nagtama muli ang mata namin.


Iniiwasan ko na nga eh. Ngumiti siya ng slight tsaka siya umatras ng kaonti. Hindi ko alam kung ano dapat ang nararamdaman ko ngayon.


"Hmm..." tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "I like you," Umalis siya at dahil doon, muntikan nang masunog ang niluluto ko.


"Putek ka Sol! Muntikan nang masunog kung niluluto ko," Humalakhak siya at tumalon sa pool.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon