11- Late-night Talks

180 4 0
                                    

Nagising ako sa kwarto ko dahil naramdaman ko na pinaglalaruan ang buhok ko. Hinahawi rin ito, aaminin ko masarap sa pakiramdam pero bumalik sa akin na si Sol pala ang kasama ko sa kwarto. Wala rin sina Jess, Mickey and Zam.


"Sol, anong oras na?" Tanong ko sa kanya habang nakapikit


"8:56 pm na, babe." WHAT?


Napaupo naman ako bigla. Hala wait lang


"hala sorry nakatulog ako. Nag-dinner ka na ba? Pano yung iba? Did they eat na?" Pinahiga ako ni Sol at binalik ako sa pwesto namin kanina.


"Shhh... don't worry, they're already done eating." Ah ok...


"Ikaw, nagugutom ka na ba?" Inangat ko ng onti ang ulo ko para makita ko ang muhka niya. Kahit na madilim nakikita ko pa rin ang kanyang mga mata. Parang naglaho ang pagiging f-boy niya noong nagsalita siya.


"um... hindi naman, tsaka nasan na sina Jess at Mickey pati si Zam?" Patuloy pa rin niyang pinaglalaruan ang buhok ko.


"Pumasok sila kanina, may kinuha lang, tas umalis na. Feeling ko nakatulog na sila though." hala, iniwan ako dito kasama ni Sol. Naman talaga oh... tinignan ko yung hinihigaan namin. Kinuha ko na halos lahat ng kumot pero nilalamig pa rin ako. Di ata uso ang mag-patay ng aircon dito noh. Tsaka Gia kaya mo ito, konting lamig lang yan.


"Nilalamig ka ba? Sandali lang ah..." aniya ni Sol at tinanggal ang hooding suot niya at binigay sa akin. Medjo malaki toh para sa akin, pero di ko gets kung bakit niya ito binibigay kaya kumunot yung noo ko.


"suot mo na para di ka na lamigin. Kanina ka pa ring nanginginig eh." Umupo ako at sinuot iyon. Halos lagpas tuhod ko na ang hoodie niya. Binigyan ko naman siya ng kontng kumot dahil may awa rin ako noh. Pagkatapos noon ay nanahimik kaming dalawa. Eh ayoko ng tahimik tas parang ang tense ta awkward ng atmosphere kaya nag-start na lang ako ng conversation.


"Sol?"


"hmm?" Tinigilan niya ang pag-hawi sa buhok ko.


"Pano kayo magkilala ni Mickey?" Tanong ko.


"May kuya siya diba? Friend niya si Criss, kapatid ni Criss si Drew. Si Drew naman, best friend ko ever since elementary. Oh yun kaya sinasama na rin ako ni Drew pag ininvite sila dito." Ahh ok... ang shonga mo Gia, common sense yun noh. duh.


"so what's you're story?"


"what story?" Parang nalito siya sa tanong ko


"I mean, tell me something about yourself, alangan namang tumunganga tayo sa kisame noh?" Tumawa siya ng konti. Mababa boses niya at naramdan ko yung vibrations dahil nakahiga pa rin ako sa bisig niya.


"I'm Mr. Popular in the school. I had 23 girfriends and-." Tumigil siya noong nakita niya mukha ko. 23 girlfriends?!? And dami naman ghorl.

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon