37- Bati na tayo?

127 3 0
                                    

Iniiwasan na ako ni Jericho, gusto ko man siyag kausapin, feeling ko magiging awkward ang lahat at lagi kaming magkaka-ilangan. Isang beses, nakita ko siya sa mall at noong nagtama ang mga mata namin, agad naman siyang naglakad paalis.


Sa kabila ng lahat, parang totoo na ang sinasabi ni Jay. Unti-unti na ako nahuhulog kay Sol. Araw-araw, pagbukas ng locker ko at may sulat na may sticker pa na sun. Tsaka dalawang beses na rin ako pinapunta ni Sol sa "Secret place" niya. Pero nakakapunta lang kami doon sa garden niya kasi kilala ko si kuya Buboy at binigyan na rin kami ng susi para roon. Bukas na rin ang concert at araw-araw na kaming nagpa-practice Nina Pao. Noong isang sabado ay inimbitahan ko sila sa bahay at doon kmi nag-practice dahil kumpleto naman ang gamit ni Papa.


"Psst Gia, Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Zam.


Umiling ako tsaka nagsalita. "Zam, paano kung nahuhulog ka na ulit sa taong sinaktan ka pero natatakot na na sumubok ulit dahil baka pa-iyakin ka na naman?"


Nahulog ang kanyang tinidor sa plato niya. Nasa Canteen kami ngayon at si Jess at Mickey ang hinihintay naming dalawa dahil umuulan sa labas.


"Ano Ghorl? Nahuhulog ka na kay Sol?" Tumango naman ako. Ngumiti siya sa akin pero hindi ko maintindihan kung saya o lungkot ang nakikita ko mula sa kanya.


"Beshie, ang pagmamahal, parang naglalaro ka ng baraha. Kailangan mong sumugal at kahit anong strategy pa ang meron ka para manalo ang isip mo, pag natalo ka, natalo ka. Minsan talaga ay matatalo ang iyong isipan at mananaig ang iyong puso at malay mo makakabuti rin ito sa'yo" Oo nga noh... may point din si Zam.


Sumubo siya ng kanyang pagkain tsaka tumunog ang kanyang cellphone. Tinignan naman niya ito at napangiti bago niyang kunin at mag-type. Nilapag niya ulit ito sa lamesa na di umaalis sa kanyang mukha ang ngiti.


"Saya mo ngayon ah..." asar ko sa kanya at namula naman ang kanyang mukha. Halata na nagba-blush siya dahli sa kanyang maputi na kinis.


Tumingin siya sa baba at tinignan ako. Nakataas pa rin ang kilay ko at inaabangan ang kanyang paliwanag.


"Wala yun... si Drew lang... Sabi niya na todo support yung dance team sa performance ng band namin..." AT NAHIYA PA SIYA AH! Juskooo my ZamDrew heart talagaaa!!


Pero infairness and tagal na nila ah ever since the rest house until now, halos isang taon na! Sana all tulad ni Drew at Zam.


"GIA GIRLLL!!" Hinanap ko ang boses at nakita ko si Jess na papalapit na sa amin. Kasama niya si Mickey pero medyo nahuli dahli tumatakbo si Jess.


"Mhmm?" Aniya ko at tinaas ko ang kilay ko. "Girl sorry pero may group sa Kingston na hindi club pero gustong mag-perform sa concert..." HUH? Wait lang di ba ito alam ng programs?


"Anong gagawin ko? Hindi naman ako programs. Pero if ever sabihin mo na lang sa kanila, kung sino man sila na kausapin yung isa sa magpeperform if they really want this at magpractice na rin." Sabi ko kay Jess. Tumango naman siya at naupo tas nagsimulang mag text. Si Mickey naman ay nakahabol rin at naupo pagkatapos Niyang bumili ng lunch.


Nag-bell na kaya bumalik na kami sa mga klase namin at sakto na music yung susunod namin. Imbes na mag-sulat, ginamit namin nina Pao ang oras na yon para makapag-practice. Ang lapit na kasi eh at pakiramdam ko di ako makaka-perform ng maayos dahil hindi panatag ang loob ko sa nangyayari sa amin ni Jericho. Mabilis na nagtapos ang araw at sinundo na ako ni papa.


Nagpapractice na ako ngayon sa kwarto gamit si Luna pero hindi ko makanta ng maayos ang mga sinulat kong kanta para sa concert. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko, baka sakaling madinig ng mga bituin ang hiling ko ngayon.


Tas biglang nag-ring yung door-bell. Agad naman akong bumaba at nakita ko si Manang Amy na nasa may pintuan.


"Manang amy sino po sila?" Tanong ko at lumapit sa kanya.


"Kaibigan niyo raw Gia at may dalang ice pop." Aniya at binalik ang kanyang pansin sa pinto.


"Palaka daw ang tawag niyo sa kanya." Palaka? Jericho?


"Ako na po Bahala sa kanya." Sabi ko at umalis siya sa may pinto binuksan ko ulit ito at nakita ko si Jericho. May dalang plastic na may ice pop at hawak-hawak ang isa.


"Uy, pasok ka..." aniya ko. Medyo awkward pa sa pagitan naming dalawa pero di bale, kailangan mo nang ayusin ang ano mang kailangang ayusin sa pagitan ninyo ni Jay, Gia.


"Ito oh para sa'yo. Diba sabi mo dati, basta't dalhan kita ng ice pop, magiging okay na ang lahat? Kunin mo na ang sa'yo." Kinuha ko at tinanggal ang plastic tas kinain.


"Pasensya na sa sinabi ko noong isang araw ha... di bale, okay na ako ngayon at sana okay ka na rin." Sigurado ba siya? Baka galit siya sa akin.


"Hindi ako galit sa'yo kung 'yon ang iniisip mo. Tsaka kalimutan na rin ang nangyari noon." Sigurado ba siya diyan? Tinignan ko ang mga mata niya para makasigurado na hindi siya nagsisinungaling.


"Pero Jericho... sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya. "Mahal mo na ba ulit siya?" Tanong niya at tumingin diretso sa mga mata ko.


"Di naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya eh..." Napakamot siya sa batok niya. HAHAHA alam ko naman ang ibig sabihin niya roon.


"Paano kung oo. Paano kung napamahal na ulit ako sa kanya?"


"Gia, minsan ang puso natin, ginagawa ang mga bagay na hindi man natin naiintindihan pero ito ang nagpapasaya sa atin. Kaya masaya ka ba pag kasama mo siya?" Tumango naman ako. Oo masaya ako na kasama ko si Sol pero ayaw ko naman na nasasaktan si Jay...


"Edi Masaya na rin Ako para sayo. Basta't masaya ka masaya na rin ako." Ngumiti siya sa akin at wala akong nakitang bahid ng kalungkutan o dissapointment doon.


Di pa ubos ang ice pop ko pero niyakap ko na siya. Ito talaga ang gusto ko sa best friend ko. "Salamat talaga Palaka... Di bale, makakahanap ka rin ng babaeng para sa'yo." Tumawa naman siya ng kaonti .


"Siguro sa future, pero hindi muna ngayon." Sumimangot ako sa kaya na pa-biro tas may narinig kaming mga yapak na galing sa hagdanan.


"O nak, sinong kasama mo?" Limingon kaming dalawa sa boses ni Papa. "Uy, Jericho, hijo, nandito ka pala. Hintayin mo na yung hapunan para sabay-sabay na tayo kumain."


"Sige po Tito Ed." Sagot naman ni Jericho. Kahit kailan at kahit saan hindi na siya nahiya.


"Jericho..." babala ko sa kanya. "Hayaan mo na Carms, tara kain na tayo." Hinila ako ni Jericho papunta sa hapag kainan at nagsimula na kaming kumain. Mabuti na lang at bumalik ang lahat sa pagiging normal.

————————-

Salamat sa pagbabasa! Sana ay subaybayan ninyo ang mga susunod pa na kabanata :) hanggang sa muli!

Ang Mundo ng Buwan at ng ArawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon