Chapter 3

51 12 5
                                    

 Bad Mood

Dein's POV

Ngayon mag-sisimula na ang klase at hanggang ngayon andito kami ni Sam nakatayo at wala pang mahanap na perfect sear for us. He looked for two unoccupied seat and glad may nakita na siya medyo gitna na siya pero okay lang din naman kasi window na yung katabi ko para makasagap pa rin ako nang sariwang hangin.

"mukang ayaw ata akong iwan nang isang ito oh" sambit ko sa aking isipan.

Nag start na ang klase at syempre ngayon lang nakompleto ang mga professors naming kaya ngayon lang kami magpapakilala para naman hindi daw masayang ang effort naming kahapon kaya mas pinili nang iba na magbigay na lang nang advance assignment at yung iba naman nagbigay lang nang rules sa klase nila.

Nag sunod sunod na ang mga kaklase ko nang pagpapakilala nila at malapit na ako. Si Sammy na.

"Hi everyone. My name is Sammy Asuncion and I am glad to be one of this section. Hoping we have a good year. That's all thank you" sambit nito at napa-palakpak naman ako sa kanya.

Ako na ang sunod at hindi naman ako gaanong kinakabahan kasi sanay na ako sa mga public speaking.

"Next" pag tawag sa akin ng professor namin.

Dahan dahan akong tumayo para makapagsimula na.

"Hello everyone, I am Dein Elizabeth Garcia. I am happy to see you all and hoping that we all be friends" pagpapakilala ko sabay ikot nang mga mata nang mga babae kong kaklase, at sabay pagpalakpak naman nang mga lalaki kong kaklase.

Nakatingin lang ako sa labas nang classroom namin, hindi ko na iniintindi yung mga nagpapakilala. Wala naman akong pake kong maging kaibigan ko sila o hindi ea, ang mahalaga nabubuhay at humihinga pa ako.

Pinakahuling nagpakilala an gaming professor. "okay class I am Prof. Dariyel Lapaze. I am your math and science adviser, hoping for a nice school year with you." Pagpapakilala neto sa amin. Pagkatapos ibinigay na niya sa amin ang aming schedule.

Nakatayo na si Sam at akmang tatayo na ako nang bigla namang may dumaan na kala mo kung sino. Napaupo muli ako sa aking kinauupuan and I look kung kanino ako napabangga at sa kasamaang palad sa galawan palang at higit sa lahat pormahan pa lamang kilalang kilala mo na kung sino ang nakabangga ko.

It was him, the one who ghost me, the one who makes me feel comfortable with and left hang in, the one who I love the most but in the wrong time.

Sa dinami dami naman nang tao sa paaralang ito siya pa ang makakabangga ko, at sa dinami dami nang tao siya pa.

Zackarie Sean Dy, ang nag-iisang lalaking nakapag-paasa sa akin sa loob nang walong taon. Napaka-ba-bata pa naman naming noong una kaming nagkita kaya alam kong one-sided love lang yun kasi mga bata pa nga kami. Simula noon hindi na ako muling nagmahal pa kasi inaatay ko parin yung pangako niya na kapag okay na ang lahat aayusin naming yung sa amin.

Ang hirap maging honor student, kasi matalino ka dapat sa lahat nang bagay pero bakit ganon ang bobo ko pag dating sa pag-ibig. Yung tipong niloloko ka na pala tuwang-tuwa ka pa.

Pareho kami nang pinasukan since elementary at akala ko noon yun na yung huling meet namin ngunit mali pala ako. Akala ko hindi ko na siya makikita.

"Sorry" sarkastiko kong banggit na nagpalingon kay Zack.

"Oopps nasaktan ka pala" sarkastikong sagot nito.

"Hiyang hiya lang kasi ako sa kapal nang muka mo ea. Kaya kahit ako na yung nasaktan mo ako parin mag-so-sorry" sagot ko pabalik sa kanya na nagpatameme sa kanya.

BackReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon