Chapter 33

6 0 0
                                    

Meeting with the Dy's

Dein's POV

It was Saturday morning when i received a text from Zhaun. Simula noong naging magka group kami sa ilang mga task sa school napansin ko and napansin ng mga friends ko na mas naging malapit kami sa isa't-isa. Eventhough they also states the fact that he is a red flag cause he is the brother of the breaker nope, he is Zack's brother.

"Good morning, I did not disturb you last time. I saw you and your friends having a simple celebration, kaya hindi na ako tumuloy" text niya sa akin.

"Anong room number niya?" Reply ko na tila wala ako sa mood nakita ko namang nakadungaw si Sam sa may likod ko.

"Why?!" irritable kong tanong.

"What?, are you on your first? Bakit naman ang mean mo na naman?"Balik na tanong neto sa akin .

"Yes, so please stop pestering me" malditang ko namang sagot sa kanya na at naging hudyat ng pag-alis niya sa tabi ko at bumalik na sa gingawa nila.

After a minute nakareceive ako ng reply.

"Room 402" reply niya.

"Den may bibisitahin lang ako ha sa fourth floor mabilis lang ako babalik agad ako, andyan naman si kuya at si Sam" kaya malakas ang loob ko na lumabas muna kasi andito naman yung dalawa, may kasama siya kahit na kung ano-ano lang din ang ginagawa. Mamaya pang hapon ang class ni Sam so dapat bago maghapon makabalik ako dito sa room, well wala naman talaga akong balak na magtagal kasi baka kung ano pa ma-open up na topic ng pamilya niya.

"Sige ate, ingat ka po dun" sagot nito, na nagbigay sa akin ng signal na lumabas ng pinto at umalis na hindi ko pinansin yung dalawa and for sure pagbalik ko may maiisumbat na naman sila sa akin.

Binitbit ko na yung belt bag ko. Okay na naman siguro yung suot ko na palda short na above the knee at yung off shoulder na crop top. Bumbaba muna ako para pumunta sa malapit na bilihan ng fruits dito sa hospital ayoko naman na pumunta doon na wala man lang kadla-dala nakakahiya naman. So, at dahil medyo magaling din ako tumawad mabilis akong nakabili ng ilang apples at oranges for her. Sana magustuhan ng kapatid niya.

Pagkatapos ko bumili ng fruits for her ay umakyat na ako sa fourth floor. Mabilis ko namang nahanap ang room ni Zennie ba yun. Hindi naman sila mahilig sa Z ano. Buti na lang hindi naubusan sa Z ang parents nila ng kakaisip kasi isipin mo naman yung Zhaun pwede naman kasing S pero ipinilit nilang Z ang astig lang. Hindi naman ako nabagot kakaikot sa floor na ito dahil ang sarap sa mata na makakita ng malinis at amoy alcohol din naman ang bawat pasilyo.

I knocked the door thrice andfinally someone opens it.

"Ahmm hi" bungad ko kay Zhaun bilang siya yung nagbukas ng pinto.

"Tuloy ka" pagpapapasok nito sa akin.

"What's her name again?" Pabulong kung tanong kay Zhaun, bago kami tuluyang makalapit sa kapatid niya.

"Ahmmm Zen, this is Ate Dein my classmate and Dein this is Zennie my little sister." Pagpapakilala niya sa amin.

"Hi Zennie, pleased to meet you. Get well soon and here's some fruits, eat all of that for fast recovery." Pagbati ko sa kanya.

"Hello po ate, it is really nice to meet you rin po" saad ng bubbly na batang ito.

Ang ganda ng mga mata niya, nakakahawigan ito ng mga mata ni Zhaun, ang ilong naman ay kay Zack, babaeng version nila ito.This was the first time i met this little girl, wala naman kasing sinabi yung timawa niyang kuya na may kapatid pala siya na babae.

Nakita kong sinenyasan niya si Zhaun. Lumapit naman ito at sa hindi inaasahan ea napalakas ata ang bulong ni Zen sa kapatid niya na naging dahilan ng aking pag ngiti medyo may taglay din pala ang bata na ito. Mabiro rin pala siya knowing their family world wide.

BackReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon