Chapter 18

16 3 2
                                    

Unknown Number

Dein's POV

Dala dala ko yung maleta niya palabas nang kwarto nila at balak ko sanang dalhin yun sa kwarto ko, but naalala ko yung nagtetext sa akin.

Hanggang ngayon iniisip ko parin kung sino yung taong gumugulo sa akin sa text. Imposible namang si Zack yun kasi matagal na niya akong kinalimutan.

Ngayon balak ko nang sabihin ito kay kuya Clyde kasi natatakot na talaga ako. Alam ko namang may hang-over pa siya pero alam ko din na magagalit siya kapag hindi ko agad sinabi sa kanya yung nangyayari.

"Kuya Clyde?!" Habang kinakatok ko ang pinto nang kwarto niya. Ngayon medyo magalang na ako hindi tulad kanina na mukang walang modo.

"Ahmm bakit? Pasok ka muna!" Saad niya mukang nag-aalala siya sa akin but wala na naman akong choice kasi natatakot na ako. Oh diba ang bilis din magbago nang emotions niya, sa kanya talaga ako nagmana nang pag hahandle nang emotions.

"I have something to tell you" sabi ko and I looked down. Natatakot ako at the same time hindi ko alam paano ko sasabihin.

"What's wrong?!" Saad niya. Hindi ko talaga alam gagawin ko kaya iniabot ko nalang yung phone.

I gave him my phone and he look at me like 'hey what'.

"Ano gagawin ko dito?" Sabi niya sa akin.

"Check out my messages" yun na lang nasabi ko then I go out to his room. Alam ko namang yun lang gagawin niya kung ano lang sinabi ko ea. May tiwala naman ako sa kanya. Sana magawan agad nang paraan kasi ang creepy naman diba kung hahayaan ko lang yun kung sino man yung nanggugulo na yun sa buhay ko.

Pagkalabas ko nang kwarto niya dala ko parin yung maleta and i just put it somewhere and pagkapasok na pagkapasok ko yung gitara agad yung hinagip nang mga kamay ko. These past few days hindi ko na maintindihan ang sarili kasi puro na lang gitara inaatupag ko. Masyado na akong tinatamaan nang katamaran sa buhay.

I strum and strum and strum it until I heard some knocks at my door. Ayan na yung manineermon sa akin.

Sa paglalakad ko palapit sa pinto unti unti rin akong nakaramdam nang kaba na para bang may itim na aura na sasalubong sa akin sa pagbukas ko nang pintuang ito. Hindi naman ako nagkamali. Kasi sobrang high blood na naman siya parang nawala bigla yung hang-over niya.

"Hey what is the meaning of this?" Galit na galit siya omo ano ba tong ginawa ko . Mali ba na magreply ako nang who are you? Sabi na kasi sayo Dein ea dapat hindi mo na lang nireplayan.

"Yan yung sasabihin ko sayo kaso hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo kagabi kasi lasing ka? Baka magwala ka sa galit mo?" I cry while stating that. Ayan na mahina talaga ang luha ko kaya ayon simpleng bagay iniiyakan ko.

"Shh. Don't cry! Makikilala din natin kung sino yang taong yan. Just for now wag mo munang replyan or something. Understood?" He command me so I must follow it.

"Yes sir" then I salute at him. We both laugh, hanggang nakarinig ako na para bang may umuungol na kung ano. At napagtanto ko na that is my tummy. Hindi nga pala ako nakakain kagabi.

Hanggang ngayon tumatawa parin siya. "Ano ba yan mukang yung dinosaur mo sa tiyan ay nagwawala na" haha he laugh and ngayon na aasar na ako. Alam mo yun ang saya saya kasi kahit na may problema kami siya yung gumagawa nang sulosyon kasi alam niyang I am too weak to close that. Pero hindi parin mawawala ang pikunan at ngayon pikon na ako.

Namumula na ako sa galit, then I decided to go out of my room, buy some snacks and go to the seashore. Hindi ko muna siya kakausapin, nainis talaga ako sa sinabi niya kanina. Iniwan ko siya sa room ko and bahala na siya basta ako gutom na.

BackReadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon