Prologue

264 28 90
                                    

My feet dug each time I took a step on the sandy shore. Nakakakiliti sa pagkapino ang buhangin sa paa ko kaya habang ipinagpatuloy ang paglalakad ay nakangiti ako. Napatigil ako nang makakita muli ng isang maliit na kabibe, I picked it up and placed it together with other seashells na nasa kabilang kamay ko. My smile widen seeing the variation of seashells on my palm.

Nature never fails to satisfy me.

The wind blows and invited each strand of my hair for a dance. May iilang hibla ang tumatama sa mukha ko. Natatawa akong umikot habang nakapikit saka isinaboy ang mga kabibe pabalik sa kanilang tahanan. I heard them being welcomed by the sea. Ang tilamsik  ng tubig ay sa damit ko kumapit.

I felt the soft radiance of the setting sun on my skin when I stopped twirling. I can't help but sighed in contentment as I opened my eyes and be in love again.

Peace.

Tahimik akong nagpasalamat sa Lumikha habang pinapanood ang pagtago ng araw sa guhit-tagpuan. Simbolo ng pagkatapos ng araw at ang pagsisimula ng gabi. I envy the people living on other side of the world, kung saan pasikat pa lang ang araw sa kanila. Kakasimula pa lang ng kanilang umaga.

I prefer morning than night. But I love the moon and stars, I just don't like how the moon can't shine enough light to every creation of God, like how the sun unveiled them every morning. I love nature and I always want to see them. Nature always makes me feel good things; gratefulness, love, happiness, contentment, and peace. I love peace so much.

I stepped back never leaving my eyes to the marvelous colours when sun sets. When I no longer felt the water, I sit on the sand and slowly... lay down.

Pumikit ako at hinayaang namnamin ang tunog ng kalikasan. Mga ibong umaawit sa huling kanta bago magpahinga sa pagdating ng gabi, ang mabining hampas ng alon sa dalampasigan, pagkaway ng mga dahon, at ang simula ng paghahanap ng kabiyak ng mga kuliglig.

Ang sarap ng kapayapaan...ang sarap mabuhay...

Sa kagandahan ng kapayapaan may naiinggit. Nais na pabayaan ang kapayapaan at siya ang piliin, pansinin...ngunit sino ang pipili sa gulo?

Kumunot ang noo ko nang maramdaman ang patak ng tubig sa mukha ko. Umuulan? Hindi, dahil hindi napapatakan ang aking binti at braso. Mas kumunot ang noo ko at ibinuka ang mga mata para lamang mabungaran ang isang dilubyo.

James Avren, chaos personified and the killer of peace—of my peace is in front of me with his annoying smirk.

Not again.

Drops of water from his fingertips fell directly on my eyes. Agad akong napaupo at kinusot ang humahapding mga mata habang madiin na umiigting ang aking panga dahil sa mabilis na pagsibol ng iritasyon. Dagdagan pa ng nakakainis na pagtawa ni James.

Sa lahat ng nilikha ng Dios, I believe this guy is the only mistake that existed in this wonderful, peaceful and perfect world.

I really hate him!

I was busy rubbing my eyes and wiping my face when all of the sudden I felt an arm on my popliteal and my back!

I gasped in shocked an automatically clung my arms on his neck for support. Baka bigla niya akong bitawan! Nanlalaki ang mga mata ko nang dire-diretso itong lumusong sa dagat. Bumundol ang kaba sa dibdib ko at saka pilit na kumawala sa demonyo.

Lulunurin niya ako! Lulunurin niya ako!

"P-Put me down!" Galit at kinakabahan akong sumigaw sa kaniya at pilit siyang tinutulak.

He only plastered his devilish smirk and tighten his hold on me.

Ramdam ko na ang tubig na umabot na sa leeg ko. I am so scared and nervous of his plan. Ano bang kasalanan ko sa kaniya at bakit niya ako ginaganito?

Tranquility In HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon