Chapter Sixteen: Girlfriend
Humigpit ang hawak ko sa unan na na nasa aking mukha nang tumigil na sa kakakatok si Nay Carol sa pinto ko. I locked it on purpose.
Mom tried to call my phone pero tinext ko na lang ito na hindi ako kakain. Kanina pa paulit-ulit na kinakatok nila ako, salitan sila ni Nay Carol. Good thing that Dad is at AAF. I'm thankful that Mom didn't use the spare key of my bedroom's door even if she has the capability.
I just want to be alone.
What happened at the stair keeps on hunting me. Hindi dapat iyon nangyari. I shouldn't have kissed back. I shouldn't have gave him the chance to caged me with his arms and closed our distance. Dapat nong makita ko siyang naghihintay sa sala ay pinaalis ko na! Hindi sana nangyari ang nangyari!
And his shaking hands and begging eyes keep on piercing my heart. Ba't naapektuhan pa rin ako ng ganito? Bakit ako nagi-guilty? He deserved it! How dare him demand a talk from me in the first place?!
"Damn you!" Inis kong sigaw at galit na initsa ang unan saka napaupo sa kama.
Napahilamos ako sa mukha ko at sa nanginginig na mga kamay ay inis na sinabunutan ang sarili.
"Stupid! Stupid! Stupid!" Paulit-ulit kong sambit.
Sa mga pagkakataong ganito, lihim kong hinihiling na sana hindi ako sinagip ni James sa pagkalunod. Sana namatay na ako sa araw na iyon. Kasi kung ganoon, I wouldn't even know the existence of Tyler. I wouldn't be aware of the pain he could give. But even with the idea of regrets being alive, still...most part of me are grateful that I fought the pull of easy escape sa mga araw na kung anu-anong ideya ang pumapasok sa isip ko para matigil ang sakit na nararamdaman.
I imagined myself being hanged, drinking a bottle of medicine, buying poison, be hit by a vehicle...and other ways to die. Lahat naisip ko na...but when my family appeared in my mind. Napapaiyak na lang ako at tinutulak ang sariling manalangin na bigyan pa ng buhay sa mga susunod na araw. Ang lihim kong pangarap na mamamatay ay hanggang isip ko lang. Most of the times, I prayed to God...not to heal, but to take my life. Kahit pa gustong-gusto ko ng mamatay, pero gusto kong mamatay sa planong inilaan sa'kin ng Diyos. Gabi-gabi akong humihingi ng tawad sa mga naiisip na pagpapakamatay, dahil gabi-gabi rin akong nagtangtangkang wakasan na ang lahat.
My mind is occupied by those thoughts everyday for the past years. Ngayong taon lang ako unti-unting bumabangon at minamahal na muli ang buhay pero... magaling si Tyler. Ayaw niyang piliin ko ang mabuhay, dahil sa pagdating niyang muli... unti-unti ay kumakawala na naman ako sa tali ng liwanag...naaamoy ko na namang muli ang halimuyak ng kamatayan. Para akong bubuyog na hayok sa halimuyak at sayang maibibigay ng bulaklak—bulaklak na siyang magbibigay wakas sa'kin.
Bumaba ako sa kama at itinulak ang sariling yumukod at manikluhod. Sa abo't ng makakaya ko, hahawak ako. Pa'no na lang ang pamilya ko? Hindi ako puwedeng maging makasarili...
I cried facing the floor. I beg and plead to the Almighty One to take away the dark thoughts. To hold me tight. To keep my thoughts healthy...to pin the family I have in my head.
Ayoko ng bumalik sa pagkalugmok...ayaw ko ng maging mahina.
~✧~
Three years ago
Sa pagtunog ng bell na siyang hudyat sa pagtatapos ng klase sa araw na ito ay dali-dali kong isinuot ang bag sa likod habang pinipilit ang sariling kumalma at magpigil ng kahit konti sa pagiging sabik na makalabas ng paaralan.
Tumatakbo akong lumapit sa pintuan at napapahinto pag may mabangga at nakangiti paring humihingi ng paumanhin. I can't stop smiling!
Yakap-yakap ko sa dibdib ang leather envelope at tinatabon ito sa bibig ko para di mapagkamalang nasisiraan ng ulo sa laki ng ngisi. I slowed down my hasty steps whenever I spot some professors on the hallway and ran as I passed them.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
Storie d'amoreONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...