Chapter Ten: The Terois
Inis na tinabi ko ang cellphone nang mabored sa kakascroll sa social media. I laid on my bed and closed my eyes. It's already 3PM, matulog kaya ako? I grunted while opening my eyes because I am not even sleepy!
I stood and approached my mini library. Pero ang mga libro na mayroon ako rito ay pawang mga dati pa. Ang iba kong libro ay nadonate ko sa isang charity event nang department namin back at the school where I taught for three years. My eyes went to the empty transparent glass vase na nasa gilid ng shelf. I remembered the sunflower na ibinigay ni James. I tried to prolong the life of those flowers pero makalaunan ay nalanta rin ang mga ito. So, I have no choice but to free them. I buried them at the forest near the sea. Inilibing ko sila sa lupa kung saan sila nabuhay. I really felt so sad for the flowers.
People like James who buy plucked flowers really disappoints me.
Naudlot ang pag-iisip ko nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Nang buksan ay nabungaran ko si Mommy na may magaang ngiti.
"Mommy, come in po..." Aya ko rito at lalakihan na sana ang pagkabukas ng pinto nang umiling ito.
"Wag na, anak. I just want to inform you to prepare later dahil may bisita tayo. Dress nicely, okay?" Magiliw na pag-iimporma ni Mommy sa'kin.
Magtatanong sana ako kung sino pero humalik na ito sa pisngi ko at masayang tumalikod pababa ng hagdan.
Napakurap-kurap ako at naguguluhang sinarado ang pinto.
Another night of pretension. I really hate gatherings, nakakapagod ngumiti at makihalubilo.
~✧~
Mailang ulit pa akong pinaikot ni Mommy bago ito magthumbs-up at masayang niyakap ako ng mahigpit.
"You're so lovely, sweetie!"
Napanguso ako para pigilan ang pagngiti ng sobra. Mom really knows how to ease my uninterested mood sa magaganap mamaya-maya.
"Mana lang sa'yo, Mom." I honestly commented.
Mom is wearing a black and white dress that really so perfect for her. Mas bumata ito at mas tumingkayad ang pagkaputi.
Mahinhing tumawa si Mommy at kinurot ako sa tagiliran, "Nagbobolahan na tayo rito. Halika na nga at kanina pa nag-aantay ang Daddy mo sa baba."
Nagpatianod ako kay Mommy palabas ng kwarto ko. Our arms are both clunging to each other. Nasa baba ay si Daddy na nakangiti samin.
"Ah! Ang Reyna at ang Prinsesa ko. Sa wakas naman at naisipan niyong bumaba at samahan ang inyong pinakamamahal na Hari?"
Napatawa ako sa pagiging makata ni Daddy at ang drama. Pero ramdam ko na kinilig si Mommy sa tabi ko.
"Hay, naku Sicario." Kinikilig na saad ni Mommy habang tinatanggap ang nakalahad na kamay ni Daddy.
Masaya kong tinanggap rin ang kamay ni Daddy sa pagbaba.
Pupuntahan ko na sana si Nay Carol sa kusina at iwanan muna sila na maglambingan kaso tumunog ang doorbell. Agad akong nahila ni Mommy para manatili at masama sa pagtungo namin sa labas ng bahay para salubungin ang mga bisita.
Magiliw na batian ang pawang naririnig ko nang pagbuksan nila Mommy ang mga bisita. Nasa likuran ako nila kaya di ko pa naaninag at nababati ang mga panauhin.
Their voices are familiar though...
"Where's your daughter?"
Agad akong nagtaas ng mata mula sa pagkakatitig sa sahig at nakita na ang isang sopistikadang ginang na kaedad ni Mommy ang malaki ang ngiti sa'kin. Hinila ako ng marahan ni Mommy para gumitna ako sa kanila ni Daddy habang ako'y natigilan dahil kilala ko ang ginang na agad rin akong sinalubong ng yakap.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomanceONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
