Chapter Thirteen: Bewitched
Nakabusangot agad ang mukha ko nang pumasok sa passenger seat at padabog na hinila ang seat belt at isinuot.
Ang halakhak agad nito ang narinig ko nang bumukas ang pinto ng sasakyan sa banda ng driver's seat.
Umirap akong humalukipkip at sa labas ng bintana itinuon ang mga mata. He's already ruining my day.
"The morning is so bright yet your face is close to thunderstorm. Di ba masarap ang tulog mo?" Tanong nito habang pinapaandar na ang sasakyan niya.
My sleep is so great pero dahil sa mokong na 'to na maagang dumating kaya maaga ring naputol ang tulog ko dahil sa pag-gising ni Mommy. I mean, okay lang naman na gisingin ako sa importanteng dahilan pero kung itong Tyler lang din? Naku, wag na.
"Kailangan ko na bang mag-aral ng sign language para kausapin mo 'ko?"
Nakita ko sa gilid ng mata ang paglingon nito sa gawi ko. Pero di ko pa rin siya nililingon at pinapansin. Bahala siyang dumaldal diyan. Matutulog na lang ako sa byahe.
"Though, I hate studying but sure, pwede ko namang i-insert yang pag-aaral ng sign language. Ayaw mong magsalita? No problem. Magsesenyasan tayo para di sayang laway." He chuckled.
Sumandal ako sa sandalan at pumikit. Baka sakaling makaramdam siya ng hiya kung magpapatuloy siya sa pagdaldal habang may natutulog.
"You're sleepy?" Salita muli nito.
Gosh, di ba obvious?
"Alright. Baka kulang ka sa tulog."
Magaling talaga siyang managalog, pati parents niya. Although obvious na foreigners sila, specifically American based sa narinig ko kina Mommy. So how did they learn speaking Filipino that well? Nag-aral? Or natutunan habang namalagi rito sa Pilipinas? And why are they here, anyway? Pinatapon? Well, maybe...si Tyler itinapon ng America except his kind parents. But since anak nila ito, kaya no choice sila at sinamahan ang anak na umalis sa America?
Napaingos ako sa mga pinag-iisip ko. Why would I even care knowing the reasons? And why would I think of this talkative brute? Gosh. Kulang lang 'to sa tulog.
"Angelie?"
Napatikom ako ng mahigpit sa mga labi nang marinig ang mahina nitong pagtawag sa pangalan ko.
"Tulog na ata." Bulong nito.
Di talaga ako kumilos sa posisyon ko. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko ang malamyos at mahinang kanta na nanggagaling sa stereo. Masarap sa tenga...nakakaantok.
~✧~
I stirred when I felt uncomfortable. Dinilat ko ang mga mata ko at agad na napaupo ng maayos. Sa paglingon ko sa gawi ni Tyler ay siyang pagsinghap ko dahil walang hiya itong nakatitig na sa'kin habang nakapatong ang baba sa dalawang brasong ipinatong sa steering wheel.
He look...he looked tame and gorgeous. Wait, what?
Agad akong umiwas ng tingin at lumingon sa bintana sa banda ko.
Nang maaninag ang labas ay unti-unting lumiwanag ang mukha ko agad na sumilay ang ngiti sa mga labi.
"Am I dreaming?" Di makapaniwala kong sambit at nakanganga sa tanawin.
The clouds are closer, may malaking puno na nasa pinakagitna ng burol. The hill looks so refreshing dahil sa lupa nitong punong-puno ng mga damo. Nasa tabi naman ng puno ay ang isang kulay abo na bato na dahil sa kukonting sinag ng araw na sumisilip sa espasyo ng mga dahon ng puno ay di makakailang makinis.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomanceONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
