Chapter One

187 26 87
                                        

Chapter One: Back in Beachwood

Ten years later

I opened the window at my side and automatically greeted by the wind's caress. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng bayang kinalakihan ko. Presko at dalisay hindi gaya ng hangin sa siyudad. Dinama ko ang kaginhawaan ng pagbabalik. Ni hindi ako makapaniwala na babalik ako rito, pero heto...ilang milya na lang at nasa Beachwood na muli ako.

"Angelie! Ipasok mo nga 'yang ulo mo sa loob! Baka makarating tayo na pugot ka na."

Natatawa kong nilingon si Mommy na nasa front seat at nginitian ng matamis. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagkausap kay Daddy.

I'm sure Mom missed the town so much. She loves Beachwood pero walang pagdadalawang isip na pumayag silang dalawa ni Daddy sa hiniling ko dati, sampung taon na'ng nakalilipas.

I sighed and leaned on the head rest after closing the window. Pero ang mga mata ko'y nanatili sa bintana. Tinatanaw ang bayang nilisan ko...at binalikan.

Napapikit ako sa inis nang biglang pumasok sa isipan ko ang nakangising mukha ng siit na 'yon. I grunted in irritation. Mabilisan kong kinuha ang earphones ko at agad na ipinasok sa magkabilang tenga at nagpatugtog.

Happy thoughts, happy thoughts Angelie. Don't think of some worthless twigs. Remind yourself kung bakit umuwi ka ng Beachwood!

Mahina kong sinasabayan ang tugtog ng paborito kong banda at matagumpay namang naiwala ang walang kwentang bagay. I heaved a sigh and let myself relax until I fell asleep.

~✧~

Iritado akong napamulat at mas nairita pa sa lakas ng tugtog sa magkabilang tenga ko. Agad kong tinanggal ang earphones at napa-angat ang ulo nang may marinig na katok sa bintanang nasa gilid ko. Napatuwid ako ng upo nang makita si Mommy na sinesenyasan akong lumabas, kita ko ang maraming taong nakapaligid sa kaniya. Ang iba ay sumisilip sa bintana kung saan ako.

We're here. It's now or never, Angelie.

Humugot ako nang malalim na hininga at binuksan ang pinto ng sasakyan at tuluyang lumabas. Sari-saring ingay agad ang narinig ko, madami ang lumingon sa gawi ko. Mga kaedaran ni Mommy ang kadalasang nakatingin sa'kin at bumabati. Nginitian ko naman sila. Nahanap ng mata ko si Daddy na may katawanan sa likuran ng kotse, kung saan binababa nila ang mga maleta namin. Nakikilala ko ang iba na mga kaibigan ni Daddy.

A hand on my left shoulder got my attention. Paglingon ko ay siyang pagyapos agad nang lumapit sa'kin. Una ay kumunot ang noo ko sa kung sino ang yumayakap sa'kin pero nang maamoy ang pamilyar na halimuyak ng rosas ay kusang pumalibot ang mga braso ko rito.

"N-Nay Carol..."

Ang isang rason kung bakit gusto kong bumalik ay si Nanay Carol. Ang tagapangalaga sa'kin mula pa nang ako'y sanggol. I treated her as my grandmother. Since my grandparents on both sides are already gone.

"Namissed po kita." Garalgal kong sambit.

Hinagod nito ang likod ko at mahinang tinapik-tapik. Narinig ko pa itong suminghot.

"Missed na missed na rin kitang bata ka!" Kumalas ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Napanguso ako nang pasadahan niya ako ng tingin.

"Ang laki mo na! Dalagang-dalaga ka na, apo!" Galak na saad nito.

Natawa ako at niyakap muli si Nanay.

Ilang sandali pa ay sabay kaming naglalakad ni Nanay Carol papasok ng bahay. Ang mga bisita'y nasa loob na rin. Madami ang bumati, pero ngiti lang ang naigaganti ko dahil madalas ay di ko namumukhaan.

Tranquility In HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon