Chapter Twenty-Five: The Ride
"Sa akin ka sasakay."
Kumunot ang noo kong nilingon si Tyler na tumabi na naman sa akin. I irritatedly walked far from him and approached Harold who's checking his tires.
"Flat ba talaga? Mukhang okay nama—" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat na naman ang hindi kasali sa usapan na si Tyler.
Umirap ako sa hangin.
"Stop checking. One look and I'm already sure your tires are flat." Iritadong asik ni Tyler kay Harold at pinapatayo ito sa pagche-check ng mga gulong sa kotse nito.
Kunot ang noo ni Harold at gaya ko ay nagtataka kung bakit sinasabi ni Tyler na flat ang gulong ng sasakyan ni Harold when in fact, mukhang okay naman.
"Dude my tire—oh." Nawala ang pagkalito sa mukha ni Harold nang mapatingin kay Tyler. Tumawa ito pero agad ring pinigilan saka nameywang na umiling-iling habang tinitingnan ang gulong ng kotse niya. "Actually, Tyler's right. My tires are flat." Bumaling si Harold sa'kin at umiling-iling na naman. "I'm sorry, Angelie. I can't drive you home."
Aalma sana ako nang pumalatak si Tyler na nasa likuran ko na naman. Seriously? Bakit panay lapit siya ng lapit?! That night when I beg him to always stay beside me was all a words of an undisturbed mind! Wala ako sa tamang katinuan sa mga oras na iyon at kagabi pa yon! Right now, I'm in my right mind and I don't want him beside me!
"I told you. I'm the only one who can take—"
Lumayo muli ako sa kaniya at tumabi kay Harold na parang nanonood lang ng cartoon sa tuwa ng mga mata. I held on Harold's sleeves.
"Di ba pwedeng manghiram ka ng sasak—"
Agad na umiling si Harold saka hinawakan ang kamay ko na nakakapit sa sleeves niya at tinanggal. "May nagagalit." Mahinang bulong nito saka lumayo sa akin.
Taka ko siyang sinundan ng tingin. "I want to go home. Please drive me ho—"
"Harold."
Inis na napatikom ako ng mga labi nang sumabat na naman si Tyler. Nilingon ko ito at kakagalitan na sana nang makitang bad trip ang mukha nito at masama na tinitingnan si Harold.
Nagtaas naman ng dalawang kamay si Harold at tumawa ng pilit. "I...need to go, uh...somewhere! Yes, somewhere important!" Bumaling si Harold sa akin. "I need to go, Angelie! I'm really sorry, may appointment pala ako ngayon. Pahatid ka na lang kay Tyler! Bye!" Mabilis at walang prenong pagsasalita nito saka mabilis na naglakad palayo.
The thing about Harold that never changed, he is a poor liar.
"Harold!" Tawag ko at susundan na sana nang may humawak sa palapulsuhan ko na siyang nagpatigil sa akin.
I closed my eyes in extreme annoyance.
"Bitaw!" Asik ko at pumiksi sa hawak niya. Kanina pa ako nagtitimpi sa pagsabat niya sa amin ni Harold.
Harold and I were talking—catching up with the things that happened in our lives while approaching his car when this jerk suddenly appeared from hell.
"I could take you home." Tila maamong tupang pagkakasaad nito.
"O tapos? Gusto ko bang magpahatid sa'yo?" Asik ko and frustratedly stomped a foot. "Hindi! Kaya pwede ba?" Pagod at ubos na pasensiya kong sambit. "Di kita kailangan."
Parang ang salita koy tila kidlat na siyang nagpatameme rito at tila batong di makagalaw ni huminga.
Napalunok ako nang makunsensiya sa nasabi. He's offering a help but I don't want a help from him. Nong sinabi kong ayaw ko na. Talagang ayaw ko na sa kaniya. When he hurt me multiple times in the past, when he said his time with me is worthless and boring, when he said he cheat on me for a lot of times, when he's dancing with someone intimately and when he kissed someone else's lips that aren't mine—I'm done. Napuno na ako ng sakit, ayaw ko na. Ayaw ko na sa dulot at epekto niya sa akin. Dahil alam ko, nagdaan man ang ilang taon pero ang epekto niya sa akin ay hindi nagbago. Malakas pa rin. Nakakapanakit pa rin.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomanceONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
