Chapter Five

100 21 90
                                        

Chapter Five: Someone's Back in Beachwood Too

Present

Nakapaang naglalakad ako nang marating ang buhangin sa dalampasigan. Hawak sa isang kamay ang tsinelas at humihinga ng malalim bawat hakbang. Napapikit ako ng mariin nang isang hakbang na lang ay maaapakan ko na ang tubig.

Just a dip, Angelie!

Bumuga ako ng mabigat na hininga saka nagmulat at diretsong tumingin sa tila nange-engganyong tubig. I swallowed the lump in my throat, unti-unti ay naramdaman ko na naman ang kawalan ng hangin. Nanginginig ang paa ko nang inaangat ko na ito palapit sa tubig.

Wag kang duwag! You love the sea, remember? Hindi mo ba namimiss ang lumutang na parang ibon sa himpapawid? Do it, Angelie! Do it!

My shaking intensified and I could taste a metallic thing on my mouth. Nagdudugo na ang labi ko sa pagkagat. I could do this right? I could do this!

Stop being scared! Stop shaking!

Nabitawan ko ang hawak ko sa tsinelas nang marinig ang pag-alpas ng hikbi ko. I instantly covered my mouth. No, I'm not crying!

Dip your toe!

Nanghihina ang kamay ko sa pagtakip sa sariling bibig at marahas na umatras. Rinig na rinig ko na ang malalakas kong hikbi, wala akong maaninag dahil sa nanlalabong mga mata. Ang hakbang ko ay bumilis hanggang sa tumatakbo na ako palayo sa dagat.

I can't do it! I'm still a coward! I can't do it...

I gasped when I got tripped by a stone. Naramdaman ko na lang ang pagkadapa sa buhangin. Hinayaan ko ang sariling umiyak. I shut my thoughts away and just cried all the fear, sadness, disappointment and the intense longing.

Paulit-ulit kong tinatapik ang sariling dibdib sa sobrang sakit. I need to calm down! I need to freaking hold myself!

It's been ten years pero ganito pa rin?! It's my fault why I'm still stuck with this fear. Tinanggihan ko ang bawat pilit nila Mommy na magpatingin ako sa isang doctor. That a shrink could help me get through this trauma pero parati ko silang tinatanggihan. I know what will happen, I know what a psychologist would like me to do, to share. To tell them everything! And I don't want that! Iniisip ko pa nga lang na ikuwento ang nangyari pero parang nalulunod muli ako. I can't take it! No, I'm not going to experience how death taste like again! Tikim lang, oo. Natikman ko lang ang kamatayan pero ang epekto nito'y tila mailang beses na akong nakarating sa hukay. Hindi masarap! Hindi masayang gunitaing muli ang araw na iyon!

Yes, tinanggihan kong magpatingin pero hindi naman ibig sabihin ay ayaw kong gumaling. I want to! God knows how I want to be a sucker of nature—of the sea again! Sinusubukan ko! Sinusubukan ko naman...I tried a lot of times, pero...I just can't. I can't. Nakakalungkot, nakakapanglumo na kahit tingin lang sa dagat ay masakit na. Natatakot na akong tingnan man lang ang dagat.

I want to heal. I want to be friends with the sea again...

Tahimik akong nakatungo sa buhangin. Pilit na iniignora ang tawag ng tubig. Rinig na rinig ko ang mabining hampas ng bawat alon sa dalampasigan.

Sisilip lang...kakayanin ko diba? Malayo naman ako sa dagat. Silip lang...

Slowly, I lifted my eyes and stare at the sea. Nanubig muli ang mata ko. How staring at sea breaks me like this?

But a gleeful voice snatched my attention.

"Papa! Look I found something!"

Sa ilang metro ay may tumatalon-talon na bata habang may itinuturo sa may buhangin. Nakacap ito pero may ilang hibla ng buhok ang nakalabas. My eyes went to his companion, a man on his black long-sleeves and a dark-blue jeans rolled up below his knees.

Tranquility In HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon