Chapter Three: Where It All Started
Fifteen years ago
Katulad ng mga nagdaang araw ay pahayapa akong lumalangoy sa kalmadong dagat sa katirikan ng araw. Naglagay naman ako ng sunblock bago lumusong sa dagat kaya di ako nababahalang magka-sunburn. I was busy floating nang mapansin kong medyo lumayo na ako sa dati kong pwesto. Wala na akong natanaw na mga kabahayan...nasa pinakadulong bahagi na ata ako ng Beachwood. Pero nang lalangoy muli ako para bumalik, naagaw ng isang gubat ang pansin ko. Yes, it's a forest since malaki at madaming sakop na puno at halaman ang lugar.
I never knew a forest near the sea existed here in our town.
Kuryoso ko itong tinitigan at nadismaya nang mapansin ang nakapalibot na barbed wire. May nagmamay-ari pala. Sayang naman. Sa kaalamang hindi basta-basta ako makakapasok sa gubat na iyon, inignora ko na ito at lumangoy pabalik para makauwi.
Pero halos araw-araw pagkagaling ko sa paaralan ay kusa akong dumadako sa malayong parte na ito ng Beachwood na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao, para lamang masilayang muli ang gubat na 'yon. Ngunit simula rin non, mas umusbong pa ang kuryusidad ko sa lugar. Napapansin ko rin na pag ganitong tanghaling tapat akong naliligo, walang tao. Mag-isa lang ako. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sino ba naman ang gustong maligo kung tirik na tirik ang araw? Syempre ako lang.
Ayaw ko nga kasing may kasama. Kaya as possible, gusto ko ako lang mag-isa sa tuwing 'me' time ko. Hindi nga ako nagkakaroon ng kapayapaan sa school dahil sa daming mga estudyante ang panay aya saking gumala o makipagdal-dalan. Nakakapagod kayang tumanggi at panatilihing kalmado kahit nakakainis na sa kulit ang mga kaklase ko. Kaya kahit pagod at stressed sa pakikipagsalamuha sa mga tao sa school, at imbes na magpahinga—mas gugustuhin ko pang magbabad sa dagat. Kahit mainit, okay lang! May sunblock naman saka wala akong pakialam kung mangingitim man ako, pero ewan ko ba at namumula lang ang balat ko. Kaya okay na rin. Walang problema.
Humangos ako sa tubig at dahan-dahang lumapit sa gubat. Lumingon-lingon pa ako sa magkabilang gilid ko kahit imposible na may tao. Sa mailang ulit ko ba namang pabalik-balik rito ay ni minsan walang ibang tao maliban sa'kin.
Napakagat labi ako nang mga isang dipa na lang ang distansiya ko sa barbed wire. Gagawin ko ba talaga 'to? Trespassing ang gagawin ko, pero...wala namang makakakita. Saka saglit lang naman ako, titingnan ko lang ang loob ng gubat.
I'm so excited to the point na nanginginig ang mga kamay ko habang papalapit sa pointed part ng barbed wire. I-te-test ko lang kung gaano ito katalas.
"Oh..." Medyo gulat kong sambit nang makitang dumugo ang hintuturo ko dahil sa panginginig ay marahas ang pagpatong ko ng daliri ko sa barbed wire. Pinagkibit balikat ko lang iyon.
"Here I go..." Mahina kong cheer sa sarili at unti-unting inangat ang isang paa papasok sa espasyo sa gitna ng barbed wire. Kakasya naman ako basta pipilitin kong maging kalmado at di na masiyadong masabik.
Namumuo ang pawis ko sa noo habang dahan-dahan na ipinapasok ang sarili. Namamasa na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba at pagkasabik. I felt stings in certain part of my arm and legs pero dahil determinado ako ay pinagpatuloy ko hanggang sa makapasok ng tuluyan.
I yelped in happiness pero yong mahina lang at baka may makarinig pa sa'kin. I pat my own shoulder of a job well done. Ni wala akong pakialam sa mga natamo kong mga gasgas sa braso at binti, may iba pa na medyo dumudugo. Madali lang naman silang maghilom. It's alright.
Now, that the vast greenery is in front of me. I can't help but smile widely. Ang saya! Tuwang-tuwa akong huminga ng malalim. I'm surrounded with the oxygen source! Gosh, breathing never been this easy!
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
عاطفيةONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
