Chapter Eighteen

66 18 47
                                        

Chapter Eighteen: A Fool Mary

"Just send it to my email, Emily. Kailangan ko na talagang umalis. I'm sorry..." Agad kong niyakap ang mga papel na nasa desk ko at di na nag-atubiling isaayos.

Nakakunot ang noo ni Emily, ang group leader namin sa thesis. She already given us our part but I cannot accept her offer of explaining it dahil kailangan ko na talagang umalis. Kaya ko namang humingi ng tulong sa Google mamaya para sa part ko. It could wait but this can't.

"Oh, okay. Basta don't hesitate to ask questions."

I nodded automatically saka ngumiti ng bahagya bago nagmamadaling umalis sa room. Madami akong nakasalubong but I don't have time to chitchat.

Hinagis ko ang mga dala-dalang papel sa back seat. Saka pumasok sa driver seat at mabilis na nagsuot ng seat belt. I fished for my phone in my bag, pagkabukas ay ang timeline agad ni Tyler ang bumungad kung saan nagpi-play ang isang nakatag na video sa kaniya.

He's in a bar with a woman who's wearing a very tight black dress na sobrang iksi. He's only standing yet the girl clung her arms on Tyler's neck and pulled him down—and the video ended.

Although it was cut, it's obvious what happened next. And I hate how it effects me so much at ngayon nga ay gusto kong puntahan ito. Isang rason ay para ialis siya ron because I know how he hates bar and clubs—anywhere na may mga usok ng sigarilyo. He hates it pero ba't siya andon? Is this part of his real color showing? Pinaniwala niya lang ba ako na wala siyang mga bisyo because I hate vices? Lured me with his good boy facade? When in fact he likes them? That's why namamayat siya? Is he on drugs, too?

Nanindig ang balahibo ko sa braso saka pinatay ang cellphone at ipinatong sa dashboard bago pinaandar ang kotse.

Tyler on drugs?

Gosh, no.

I stepped on the gas and is more determined to go to where he is. The video is posted ten minutes ago, may malaking tsansa na maabutan ko siya if I'll be there fast.

And yes, fate is helping me. Miracle just happened dahil maluwang ang kalsada, there's no traffic.

In Ergy is the name of the club. I glare at the yellow neon lights and looked at the entrance kung saan dalawang naglalakihang katawan ng mga lalaki ang bantay. Pinanood ko ang mga pumapasok na dire-diretso lang.

There's no fee?

May dalawang babaeng dumaan sa gilid ko na nagtatawanan. I followed them. Di ako humihinga habang naglalakad palapit sa entrance. One of the two bouncers eyed us. I gulped.

Baka kailangang sexy ang damit? Just like these two girls in front of me? I eyed my outfit which I'm grateful na wash day namin dahil kung nagkataon, nakauniform ako ngayon at paniguradong di ako papapasukin. I'm wearing a baby pink blouse and a knee length white skirt. Baka masyado akong banal tingnan?

My heart beats wildly when I passed the bouncers and finally heaved a heavy sigh when I made it inside! Gosh! Nakakakaba!

Napaubo ako nang makalanghap agad ng usok ng sigarilyo. I fished for my hanky in the pocket of my skirt and instantly cover my nose as I looked around.

Parang wala sa sarili ang kadalasan sa mga nakikita kong nagsasayaw sa gitna. They dance like grasses in a stormy weather. Ako ang nahihilo sa pagkalikot nila. Some are doing inappropriate things which made me shook my head in disappointments.

Where's Tyler...

Ang isang kamay ko ay nakahawak sa panyong nakatakip sa ilong ko habang ang isa'y nakayakap sa sarili. Madami ang nakakabangga sa'kin, a lot of piercing eyes glare at me. It's not even my fault that they're too wild, they can't stay in one place.

Tranquility In HavocTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon