Chapter Fifteen: Illusion
Dalawang araw ang lumipas, gumaling na ako at nakangiting pumapanaog sa hagdan para supresahin si Nay Carol na masiyadong abala sa pagpupunas ng mga muwebles sa may sala.
"Morning!" Masaya kong hiyaw na siyang nagpagulat kay Nay Carol na nanlalaki ang mga mata at nabitawan ang hawak na feather duster.
I laughed while hugging the shocked grandma of mine.
"I'm sorry, Nay..." Tawang-tawa kong sabi habang pinupunasan ang mga matang nanunubig sa tuwa.
Pinulot ni Nay Carol ang nahulog na feather duster at sa nanliliit na mga mata'y pinalo ako sa tagiliran na siyang nagpatawa pa sa'kin.
"Ku, ikawng bata ka!" Galit-galitang sambit nito kahit na halatang nagpipigil ng tawa.
"Sorry na po..." Panglalambing ko at niyakap muli ito.
Napabuntong hininga ito habang tinatapik ng marahan ang likod ko pagkatapos ay kinurot ako sa tagiliran na nagpagulat sa'kin.
"Sorry na nga po." Nakanguso ako habang hinihimas ang tagiliran.
"Aalis ka ba talaga mamaya? Sigurado ka bang wala ka ng lagnat?"
Inagaw ko ang feather duster dito at iginaya siya paupo habang nagpupunas ako sa lamesa sa sala.
"One hundred percent sure, Nay. Saka sa dalampasigan lang naman po ako mamaya." Sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa kahit wala namang napansing alikabok.
Masiyado na ngang matagal ang dalawang araw sa gusto kong gawin. Hindi ako mapakali hanggat di ko makakausap muli si James. Kaya kagabi ay nanghingi ako kay Daddy ng personal number ni James at nagtext na gusto kong makipag-usap. Good thing he agreed at kung pu-pwede raw ay isama si Zion dahil nakapangako raw ito sa anak na maliligo sa dagat. So, I suggested na sa dalampasigan na lang kami magkita. And that talk will happen later.
This is my first attempt to reclaim the peace I've lost.
"Si Naomi, yong kababata mo ay nagtuturo na rin don. Kung gusto mo ay magpatulong ka para matanggap ka kaagad."
Kumunot ang noo ko at inalala ang kababata ko na nagngangalang Naomi. Pero...wala akong maalala.
Nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot, "Susubukan ko na lang po muna, Nay. Ayokong makaabala."
Pero sa totoo lang. Ayokong makapasok sa elementary school ng Beachwood o kung saan mang paaralan na hindi patas sa iba. Ayokong manggamit ng tao.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap habang kumakain ng agahan sa mga pagbabago sa Beachwood mula nang umalis kami. Sa mga nangyari sa ibang kaedad ko. Sa mga infrastructure na nakatayo sa dating mga bakanteng lote.
"Bali-balita noon na ma—"
Naputol ang sasabihin sana ni Nay Carol nang tumunog ang doorbell. Nagkatinginan kami.
I'm sure hindi sina Mommy yon, since may sarili naman silang susi sa gate.
"Puntahan ko lang."
Napatingin na lang ako sa papalayong si Nay Carol.
Inabot ko ang baso ko ng tubig at uminom nang mabusog na ako. Tumayo ako at iniligpit ang plato at mga kubyertos na ginamit namin ni Nay Carol since kanina pa tapos si Nay Carol at hinihintay lang ako. Nilagay ko ang mga ito sa lababo muna at pupunasan ko muna ang lamesa bago hugasan ang mga iyon.
Abala ako sa pagpunas nang marinig ang mga yabag na papalapit. Tumigil ako at nilingon ang unang pumasok na si Nay Carol.
"Sino po 'yon, Nay?" Tanong ko at lumapit sa may trash bin para itaktak ang basahan bago banlawan.
BINABASA MO ANG
Tranquility In Havoc
RomantiekONE OF 2021 WATTYS AWARDS SHORTLIST! Angelie Ascod is a lover of tranquility, her life is in a satisfactory with her constant companions; the blazing sun, touchy wind, rough sand, and the softie water. But someone blazed more than the sun, a touch t...
